"Hoy kanina ka pa ata naka busangot dyan."
Hindi ko pinansin ang sinabi ng ka klase ko habang patuloy parin ako sa pag kagat ng Burger ko, nasa school ako ngayon at hindi talaga ako naka move on sa inasal saakin ng Eos Cipriano na yun, umuwi na lang ako ng walang napala PSH! Nakakainis sya, sya lang yung kaisa-isang tao na naka notice ng physical na katawan ko? My Ghad! Nabulunan pa ako at nag mamadaling humagilap ng tubig.
"Oh!" Abot ni Cherry ng tubig na agad ko naman ininom at napa buga ng hangin.
"Woah! Malapit na yun ah."
"Ano ba kasing iniisip mo at parang isinisisi mo lahat sa walang ka muang muang na burger yang galit mo?" I sighed.
"Hindi ka maniniwala Cherry sa sasabihin ko-" kinunutan nya ako ng noo.
"Nge? Ano bang nang yayari sayo?"
"Maniniwala ka ba?"
"Uso mag paliwanag muna?" Bumuntong hininga muli ako. "Hoy ano na?"
"Ganito kasi yun.. Nakilala ko na ang Ninang ko--"
"Wait so you mean ngayon mo pa nalaman na may Ninang ka?" Inosenteng tumango ako. "Ibang klase."
"Hey, makinig ka nga muna." Saway ko sakanya.
"Oo na Oo na!" I cleared my throat before I start.
"So yun na nga.. Nakilala ko na si Ninang mula sa pagiging pabebe ni Mama. Matagal nyang hindi sinabi na may Ninang pala ako." Naupo ako sa tabi nya dahil nangangalay na rin ako kakatayo. "Tapos yung Ninang ko nangangailangan ng tulong."
"Tulong na ano?"
"Yung anak nya kasing panganay.." Nang gigil ako bigla ng pumasok sa isipan ko si Eos. "..Gago kasi yung panganay na anak nya.. Nakaka put*ng*na sa sobrang ka gago nya." Nang gigigil na sabi ko. "Kaya yun.. Naging tutor ako ng anak nyang yun. Saklap diba?" Ni lingon ko si Cherry na nagyon ay naka nga-nga habang nabubuhos yung ketsup sa uniform nya. "Hoy. Nang yari sayo?" Hinila ko yung ketsup at tinapik tapik ko yung mukha nya.
"I-ikaw ba yan Reyly?" Hindi makapaniwalang sabi nya. Naiiling na lang din ako sa sinabi nya.
"Oo wag ka ngang abnormal dyan."
"Dama ko yung galit mo sa taong yun.. Ngayon lang kasi kitang narinig mag mura ey." Pati ako napaisip din. Kung sabagay tama sya, Hindi naman ako pala mura na tao, pero bakit pag naiisip ko ang Eos na yun feel kong mag mura palagi? Bad influence talaga ang bwisit na yun.
"Ah basta wag na natin pag usapan ang ulol na yun." Inaya ko na sya mag lakad.
"May tanong ako Rey."
"O?" Ani ko habang nag lalakad kami at kinukulikat yung cellphone ko.
"Yung tinutukoy mong tinu-tutor mo."
"Bakit?" Walang ganang sabi ko.
"Gwapo ba yun?"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]
Teen FictionBook cover credit to my precious reader : @Theworldheknows