NICO'S POVNAKAKABALIW ang magbilang ng mga araw noon. Magbilang at maghintay kung kelan kami ulit magkikita. At mas mahirap na magpanggap sa harap nina lola na okay ako pinipilit kong maging masaya kahit ang totoo ay sa bawat araw na lumilipas ay nadadadagdagan ang pagka-miss ko kay Angeline. Nagpapanggap ako na okay dahil alam ko na pati sila ay nasasabik din na makitang muli si Angeline at naghihintay din sila sa pagbabalik nito.
At dumating na nga ang pinakahihintay kung araw.Ang saya saya ko! Sa wakas ang babaeng mahal ko ay nakita kong muli. Sa hindi ko inaasahang lugar at araw.Gustong gusto ko siyang yakapin. Maramdaman ang init ng kanyang katawan dahil baka ang lahat ng iyon ay bahagi lang ng aking imahinasyon.
Ang sayang naramdaman ko kanina ay nabahiran ng lungkot ng tuluyan ko na siyang makaharap.Kung kausapin niya ako ay parang isa lang akong ordinaryo niyang kilalang tao. Ni kahit konti ay wala akong makitang bakas na kilala niya ako bilang isang espesyal na tao sa buhay niya. Yung taong sinabihan niya noon na mahal niya. At pinangakuan na babalikan niya.
Naintindihan ko naman ang sitwasyon. Ngunit sa kabila ng malawak kong pag-intindi ay isa pa rin akong normal na tao na binabalot ang puso ng kalungkutan dahil ang babaeng mahal ko na matagal kong hinintay na bumalik ay nasa harapan ko ngunit di ako kilala.
Alam ko na mangyayari 'to at napaghandaan ko na , pero iba pa rin pala pag aktwal na.Kahit anong pigil ko na wag masaktan at malungkot ay di ko kaya. Ang lapit lapit niya sa akin pero parang milya milya pa rin ang layo namin sa isa't - isa.
" Ano, eh di nganga ka ngayon? "ani Jerald.
Narito kaming tatlo ngayon sa hotel room na inuukuhan ni Jerald. Matapos mag-walk out ni Angeline kanina ay susundan ko sana kaso pinigilan ko ang sarili dahil kapag ginawa ko 'yun ay mas lalong ikaiinis ni Angeline sakin 'yun.
Hindi ako umimik . Nanatili ako sa aking pagkakatayo sa may glass window at nakatanaw sa asul na dagat sa labas.
" Bro, "si Sam. " Ano plano mo ngayon? "he asked.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung - hininga. Naninikip ang dibdib ko sa halu - halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Magsisimula ako sa una. Susuyuin ko siya. " determinadong sagot ko. I'll do everything , kahit ang di na ni Angeline maalala ang sa amin ay di na importante yun.Ang mahalaga ay bumalik siya sa akin. We can make a lot of memories .
Bumukas ang pinto ng kwarto.Sabay pa kaming napalingon ni Sam sa taong kakapasok lang nitong kwarto.
"Naka-usap mo ba siya? " tanong ko sa kakapasok pa lang na si Jerald.
Nagboluntaryo kase itong puntahan at kausapin sina Angeline para daw humingi ng despensa sa inasta ko. Gusto ko sanang ako na lang ,pero pinigilan ako ni Jerald dahil mukhang mainit pa dugo sakin ni Angeline.Palamigin ko daw muna bago ako gumawa ng moves.
"Si Valerie ang kinausap ko. Hinayaan ko na muna si Angeline baka mas lalong uminit . "He sat on the couch right next to Sam. " They're going back to Manila tomorrow morning, yan daw ang sabi ni Angeline . "
Napanganga ako sa narinig kong sagot mula kay Jerald.
" Dapat the day after tomorrow pa ang balik nila sa Manila, "he continue,"kaso mapapa-aga dahil sa'yo. Kase naman bro eh! Padalos dalos ka kase.Ayan tuloy mag-aalsa balutan na sila bukas!"
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanfictionAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...