Andrea's POVAlmost two months na kaming kasal ni Alex pero simula nun wala ng nangyari sa amin magkatabi nga kami sa iisang kama pero tinatrato naman nya akong parang may nakakadiring sakit kahit tignan man lang nya ako ay hindi nya na magawa. After ng kasal ay dumeretso agad kami sa ospital para iconfirm kung buntis nga ba ako at ngayon nga'y mag aapat na buwan na ang aking tiyan.
"Kamusta ka na love miss na miss na kita, uuwi ako sa kabwanan mo gusto ko nasa tabi mo ako pag pinanganak mo ang baby boy natin. Mahal na mahal kita love ikaw lang ang babae na pinangarap ko makasama buong buhay ko. Kayo ng magiging anak natin basta kahit anong mangyari hwag mo akong iiwan. halos hindi ako makahinga sa sakit ng mga salitang binibitawan ni Alex para kay Sofie parang punyal ito na tumatarak sa puso ko, halos gabi gabi kung tawagan ni Alex si Sofie para kamustahin ang pagbubuntis nito pero ako kami ng magiging anak nya sa akin ay hindi nya maukulan ng pansin. Gabi-gabi ay naririnig ko ang mga matatamis na salita nya kay Sofie lagi sya sa veranda andun sya hanggang sa antukin sya at papasok lang kapag alam nyang nakatulog na ako. At kapag nagising naman ako sa umaga ay wala na sya. Ganun ang naging set up namin simula ng ikasal kami ipinararamdam nya talaga na nagkamali ako ng ipilit ko ang sarili ko sa kanya. Pero kahit nasasaktan ako araw-araw ay hindi ako susuko hanggang sa mahalin nya ako.
Alex's POV
7months na ang pinagbubuntis ni Sofie samantalang 4months naman ang kay Andrea almost 2months na kaming kasal ni Andrea pero araw-araw ay pinadadama ko sakanya na hindi ko sya mahal, ang hirap tanggapin na anak ko ang pinagbubuntis nya. Hindi ko na kayang makisama sa kanya nag titiis lang ako dahil sa pinagbubuntis nya kahit pa hindi ko ito matanggap ako pa din ang may responsibilidad sa kanya.
" Alex pwede mo ba akong samahan na magpacheck up ang sabi sakin nung last time na nag punta ako ay pwde na ako magpaultrasound para malaman natin ung gender ng baby natin. panglalambing ni Andrea sa akin
"Marami pa akong gagawin at tatapusin alam mo naman uuwi ako sa Manila next month kaya kailangan ko matapos lahat ng trabaho ko. matabang na sagot ko sa kanya sabay talikod at lumabas na ng kwarto namin
Wala talaga akong nararamdaman kahit konting pagmamahal sa kanya nagsisisi ako na nagpadala ako sa init ng katawan peri hindi ko pa din pwdeng idamay lang baby dahil wala tong kasalanan. Bumalik ako sa kwarto kung saan ko sya iniwan handa na syang umalis.
" Dalian mo para makabalik tayo agad marami pa akong gagawin sa hacienda. simula kasu ng naging asawa ko si Andrea ako na ang namahala sa mga trabahador dun kaya ang laki ng inggit ng iba sa akin wala naman akong paki dun pare.parehas pa din kaming pinapasahod un nga lang tumaas lang ung natatanggap ko.
Pauwi na kami ni Andrea galing sa OB-Gyne nya todo maktol si Andrea dahil hindi ko daw tinignan man lang ung monitor nung nagpa-ultrasound sya talak sya ng talak para syang nanay ko walang ginawa kundi tumalak ng tumalak. Ayon sa kanya baby girl daw ang pinagbubuntis nya healthy naman daw ito kaya wala daw akong dapat ikaworry. Tahimik lang ako habang nagmamaneho siguro napagod sa pagtalak kaya nakatulog sa byahe. Tinapik ko sya ng mahina na nandito na kami sa mansyon at nauna na akong bumaba ng kotse at dere deretso na para tapusin na ang naiwan kong trabaho ng makauwi sa Manila next month.
"Love uuwi ako sa Sunday antayin mo ako huh. Dyan na ako dederetso miss na miss na kase talaga kita gusto na kitang mayakap eh. Love na love kita at ang baby boy natin. Ingatan ka palagi huh See you sa Sunday.
pagka end call ko ay pumasok na ako sa kwarto at nadatnan ko si Andrea na nakaupo sa kama." Tuloy na tuloy na pala ang pag uwi mo alam ba nila daddy at mommy na ung kabit mo ang uuwian mo dahil kabuwanan na nya at hindi ang pamilya mo. pagsasalita nito habang nakatingin sa akin habang nag eempake
"Pamilya ko si Sofie at hindi ko sya kabit walang kabit ang nauna, ikaw ba ung tinutukoy mo? sagot ko na tila ba inaasar sya
" Funny, kasal tayo kayo hindi kaya sa mata ng tao sya ang kabit kahit pa nauna sya. sagot ni Andrea sabay gulo sa mga inempake ko sa maleta. Tsk tinupak na naman ung babae na yun kahit ano pa sabihin nya si Sofie lang ang mahal ko kahit kasal pa ako sa kanya.
Dumating ang linggo tulog pa sya ng umalis ako hindi na ako nag- abala pa para gisingin at mag paalam sakanya bahala sya. Basta uuwi na ako sa piling ni Sofie walang katiyakan kung babalik pa ako sa kanya ang mahalaga ay makakasama ko na si Sofie at ang magiging anak namin.
BINABASA MO ANG
Relationship Betrayal
General FictionNaranasan mo na bang pumasok sa isang relasyon kung saan ikaw ang talo? Ikaw ang palaging umuunawa? At sa paningin ng iba ikaw ang masama, ikaw ang mali at ikaw ang pang gulo. Hanggang kailan mo kayang lumaban at ipaglaban ang para sa'yo?