Chapter Six - Tired and delirious

63 9 6
                                    

A/N Hello po!! Ito na po dahil sobrang lapit na ng Halloween tahaha, mamaya na po yung sorry lol. Please balikan niyo po muna kahit konting scenes lang sa chap. 5 kasi po matagal-tagal po kaming hindi nakapag-ud so we assumed na you guys probably forgotten what was already happening haha. (Kung may nagbabasa pa po! Salamaaaaat! 


Chapter Six

Gwyneth's POV


Napatayo ako ng biglaan pagkakita ko pa lamang sa kaniya, shet nakakahiya naman hitsura ko ngayon oh, mukha akong engot dito na basa pa ang mga pisngi. Agad ko iyong pinunasan at lumapit sa kaniya.


Kanina ay naka-ngiti siya ngunit nung papalapit na ako ay pansin ko na ang pagkakunot ng noo niya.


"Are you—alright? Sorry if this isn't the right timing I—" nag-gesture pa siya ng paturo sa kaniyang likuran tanda na aalis siya kung naaabala niya ako pero hindi naman kaya agad akong umiling.


"H-hindi ayos lang, sa labas na tayo mag-usap." medyo garalgal pa yung boses ko nung sinabi ko 'yun. Sa labas na rin ako nag-aya dahil nakakailang yung tingin ng mga ka-klase ko, sumenyas naman ako kay Saab na saglit lang at um-oo nalang siya.


"Gwen? Can I call you Gwen?" tumango naman ako sa pagpapaalam niya, "Sorry talaga kung aabalahin kita ah? Pwede ba ako—kaming humingi ng pabor sa'yo?" nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinambit niya, pabor daw?


"Sige ba Mr. President...kung kaya ko ha!" nagawa ko pang mag-biro kahit pa wala talaga ako sa mood na gawin iyon at nakita ko namang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.


"Ikaw lang kasi makakagawa nito eh, I really, really need you." HUH ANO DAW? LOL. Yung kaninang magkasalubong kong kilay ay nadagdagan pa ng awang na bibig dahil sa choice of words ng lalaki na 'to.


"Damn, I mean your help—I need your help." napansin niya atang nakaka-ilang nga yung una niyang sinabi kaya agad niyang pinalitan. Tumango-tumango naman ako at nagpilit nalang ng tawa. Ha-ha awkward.


"Go lang ako! Ano ba 'yan?" in-explain niya naman sa akin na nakita raw nung isa sa mga faculty na nagha-handle sa student council yung ipininta ko kahapon at dahil doon ay gusto pa akong pagawin ng isa, pero this time gagawin na itong display para sa gagawing exhibit na ang organizer naman ay ang Music department.


"Hala wow talaga!! Omg I feel so honored naman Mr. President, makakagawa pa ako ng painting para sa exhibit niyo bukas!" nagtatalon pa ako, actually one of my goals talaga 'yun eh. Na bago ako magtapos sa university na 'to ay makita ko man lang ang gawa ko sa kahit anong exhibit which is held every month.


Ang hirap kaya pumasa sa standards nila para lang masama yung gawa mo sa mga exhibit dito, masyadong maraming chenes, mahirap pa lalo kung wala kang koneksyon at mahigpit sa pagpili kaya nagpapasalamat talaga 'ko! Minsan lang 'to!


"Hindi mo ako jino-joke time 'di ba?!" masaya kong tanong sa kaniya, huhu silver lining of the day talaga itong news na dala niya para sa akin. OMG.

Mayhem In The TranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon