Prolouge

25 2 0
                                    

"Everything you will ever meet knows something you don't"

- Bill Nye

"Kuya, sabi ko ng wag kang lalapit!"

"Pero Alice-"

"Okay lang ako dito! Diyan ka lang ha"

Napa buntong-hiniga na lang siya at napangiti sa nagpupumilit na batang babae. Hinintay niya ang bata na makuha ang kwintas sa kabila. Kahit na isang maliit lang yun na bagay, at kaya niyang mahanap yun ng mag-isa, gusto pa rin ng bata na siya ang maghanap. Kahit na mahirap, gusto naman niyang maghirap para sa kanyang sarili.

"Lagi nalang kaseng ikaw ang gumagawa para sakin kuya. Kaya, ako naman ang gagawa", sigaw nito habang humihinto sa iba't ibang lugar na maaring pagtaguan ng nawawalang bagay.

"Wala naman yun saken. Masaya ako dahil nakakatulong ako sayo",mukhang hindi niya matiis ang batang babae. Nagsimula itong maglakad papunta sa kabila gamit ang tulay na nagkokonekta sa dalawang lupa.

Papalapit na siya sa naghahanap parin sa kanyang kwintas.

Nang..

Biglang nagkaroon ng malaking apoy na kumalat na parang ahas sa paligid. Masyadong mabilis ang pangyayari. Mainit at lahat ng bagay roon ay nasusunog na sa isang iglap lamang.

Tinakpan niya ang sarili dahil sa init "ALICE!", tawag niya sa batang babae. Imbes na isagip ang sarili ay hinanap niya ang batang babae. "ALICE!!!"

"Sinabi ko na sa yong wag kang lalapit."

Lumingon siya sa kanyang likod. At nandun nga ang nagmamay-ari ng boses, ang kanyang hinahanap.

Pero parang may mali.

"Lumayo ka."

Sinabi ito ng bata. Na walang ekspresyon sa mukha. Nakatitig lang sa kanya na para bang walang nakaambang na panganib sa paligid. Hawak ang kwintas na hinahanap.

"KRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Aaaaahhh!!!!!!!!!!", diniin ang tumutunog na alarm clock sa kanyang tenga at nahulog siya mula sa kanyang kama.

"Ano ba ma! Gigising naman ako e!"

"Gigising. Naiirita nako sa tagal ng pag-ring ng alarm clock mo. Mabuti pa siguro itapon mo nalang to", at ipinwesto ang alarm clock sa mesa tabi ng kama niya.

Kung itatapon ko yan ikaw naman ang gigising saken. Tss mas maingay ka pa sa alarm clock e.

"Maligo ka na. Mala-late ka na naman."

Tumayo naman ito at dumiretso na sa banyo.

"Oops! Jongin. Ayusin mo tong kama mo."

Bumalik ito sa kama na nandadabog.

Naglakad na siya papuntang eskwelahan. Medyo malapit lang ito kaya nilalakad niya na lang.

Bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari sa panaginip niya. Pang-ilang beses na itong pabalik-balik sa panaginip niya ngunit di parin niya ma gets kung anong ibig sabihin nun.

Napahigab na lang ito.

Isang street na lang at makakadating na siya sa kanyang pupuntahan, pero bago yun ay madadaanan niya ang isang malaki at isa sa pinakamatandang simbahan ng Benledicti.

Madaming tao sa loob ng simbahan. Lahat sila nakaitim. At madami ding kotse sa labas, at isang karo ng patay.

Nakatingin lang siya sa simbahan. Wala naman siyang kakilala na namatay at dito ililibing. Pero parang gusto niyang pumasok.

"BEEP BEEP!"

"Magpapakamatay ka ba bata?!", sigaw ng lalakeng nagmamaneho sa kotseng nasa harapan niya mismo. Agad naman itong nagmadaling maglakad at umalis na.

Sa paglakad niya napansin niya ang di katangkaran na babaeng kanina na pa yata nakatingin sa kanya. Nakaitim din itong mataas na bestida at mahaba din ang buhok na kulay light yellow. Amerikana yata, sa isip isip niya.

Ngumiti ito.

Lumambot ang tingin nito sa kanya na para bang matagal na silang magkakilala.

At may kung anong sinabi ito sa kanya na hindi niya marinig.

----

photo cr to funeral-wreaths

note: the characters here aren't the real persons themselves. ginamit ko lang names nila para madali ko lang matandaan names ng characters ko (or is it? lol), bc kung alam niyo lang kung gaano ako makakalimutin.

Rotten Daughter Of EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon