9.♂♀

488 16 11
                                    

Chapter 9

♂__FRANCESCA’S POV__♀

Gabi na at nasa party parin kami ni Nash. Siyempre, medyo nakakaramdam ako ng pag aalinlangan dito kasi kasama parin namin si Ella at sa iisang table lang talaga kami nakaupo. Kanina pa nga kami kumakain pero tahimik lang siya. Ano kaya ang iniisip niya? May problema kaya?

“Ate Ella, baka gusto mo nito oh?” aniya Sharlene sabay abot sa kanya ng pizza na may mga mushrooms na nakalagay.

“Allergic siya dyan Sharlene—“ napahinto na lang ako nang maisip kong nasabi ko ‘yon. Pucha. Sabi ko sa kanila, di kami magkakilala e pero ngayon, parang mabubuking na ako nito.

“Hahaha! Ba’t naman alam mo ‘tol?” aniya Jairus. Tinignan ko si Ella at iniwasan niya lang ang pagtingin sa akin. 

“Uhmmm, wala lang. Hula ko lang! Kayo naman di kayo mabiro.” sagot ko sabay pagpeke ng ngiti. Sinusulyap sulyapan ko parin si Ella na ngayon parang nakasimangot na habang kumakain.

“Hindi ba talaga kayo magkakilala?” tanong ni Nash.

“Hindi.” tipid kong sagot. “Excuse me guys, mag c-cr muna ako ha.” napansin kong agad na tumayo si Ella at naglakad na papalayo. Tinignan ko naman ang barkada at sabay nila akong tinititigan at tininitignan ng Lagot-Ka-Look. Ano bang problema ng mga ‘to. Tsss.

Ilang saglit lang din ay bigla nang tumunog ang cellphone ko, “’Tol, Punta muna ako dun.” sabi ko bago sinagot ang tawag.

♂___ELLA’S POV___♀

Nakakainis! Naiinis na talaga ako kay Francis! Ugh!

Padabog akong pumasok sa banyo at agad na humarap sa salamin. Hindi ko na alam kung ano ang i-aacting ko paglabas dito. E kung umuwi na lang kaya ako? Hindi ko na kaya ang ipinagagawa niya sa’kin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ‘to ginagawa. Magkaibigan naman talaga kami diba? Pero ngayon, parang hindi siya ‘yung Francesca na kilala ko. Iba siya, ibang iba siya. Hindi na siya ‘yung nakagisnan kong bestfriend, ‘yung bakla na maarte at madaldal kumain. ‘Yung lahat ng trip niya pagtatawanan lang namin. Ibang iba ang Francis na kasama ko ngayon. At ‘yon ang nagpapasakit sa nararamdaman ko.

Matapos kong mag banyo at mag retouch na rin ay agad na rin akong lumabas. Babalik na ako dun at napagdesisyunan kong panindigan na rin ang sinabi niya—ang hindi kami magkakilala. ‘Yon lang naman pala ang gusto niya diba? Ang magpanggap sa harap ng kabarkada niya, ang itago ang kabaklaan niya—edi ‘yon ang gagawin ko. Bwiset ka Francesca, pinapahirapan mo pa ako.

Naglalakad na ako pabalik sa pool area pero napansin kong sa di kalayuan, nasa ilalim ng puno na pinaglagyan ng mga Christmas lights siya na nakatayo. Parang may kausap ata siya sa telepono. Hindi ko rin alam kung bakit ‘yon ang daan na tinahak ng mga paa ko.

“Opo dad. Oo, nandito lang ako kina Nash. Mamaya pa siguro ako makakauwi. Sige po. Bye.” ibinaba na niya ang telepono niya.

(Please play the music for better reading!à)

Napabuntunghininga ako bago nagsalita, “Francis,” humarap siya sa kinatatayuan ko at bahagyang nagulat nang makita ako. “Ella? Ba-bakit?” aniya pa sabay lagay sa cellphone niya sa bulsa. Nasa ilalim lang kami ng puno ngayon na pailaw ilaw dahil sa mga Christmas lights nito.

“Mag-usap nga tayo.” seryoso kong sagot.

Dahan dahan siyang lumapit pa sa akin at eksaktong magkaharap na talaga kami ngayon. Kitang kita ko na ang ekspresyon sa mukha niya. “Nag uusap naman tayo ah?”

“Tumigil ka na nga!” naasar kong sagot. Nakukuha niya pa kasing magbiro. Kitang kita na seryoso na ang mukha ko tapos ganyan lang ang isasagot niya sa akin!? Ang sarap niyang sampalin sa mukha e!

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon