IV- Mission (part 1)

8.1K 165 3
                                    


(Arnulfo's P.O.V)


Naabutan ko si Earin sa loob ng opisina ko. Nakatanaw ito sa bintana. Walang emosyon. Walang bago. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kaniya.

Hahawakan ko sana siya sa braso pero mabilis na umalis siya sa harapan ng bintana ngunit nanatili sa aking likuran. Naramdaman ko na may isang bagay na nakatutok sa may ulunan ko.

Tinutukan niya ako ng baril. Muli akong napabuntong hininga.

"Apo, alam mo'ng hindi mo ako mapapatay gamit ang bagay na 'yan" malumanay na sabi ko. Diniinan lang nito ang pagkakatutok ng baril sa ulunan ko.

"Alam ko na galit ka. Pero, Katherin para sa'yo ang ginagawa ko." nagulat ako nang bigla na lang siya'ng tumawa. Hindi dahil sa puno 'yon ng kasiyahan kundi dahil wala 'yong kabuhay buhay. Tawa ng patay. Walang ganoong klase ng bagay pero 'yon ang pinaparamdam ni Earin.

"Katherin... Katherin..." sabi niya sa pagitan ng pagtawa. "What a nice name. But she doesn't exist." binaba na niya ng baril na nakatutok sa aking ulunan. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa akin. Diretso sa mga mata.

Nakatingin siya sa akin... pero hindi ko makita ang repleksyon ko sa mga mata niya. Tama siya. Wala na si Katherin. Namatay siya ng gabing 'yon.

"I killed her. So stop trying to bring her back." mariing sabi niya bago basta na lang hinagis sa akin ang baril na hawak niya. "You are Arnulfo Falerio. The Chairman. You're better than this, old man. Stop bothering me before I make this hopeless world of yours more worst." iyon lang at tinalikuran na niya ako para lumabas ng opisina ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Kayang kaya kong kilatisin ang bawat taong nakapaligid sa akin... Ngunit pag dating sa aking sariling apo, ay ni hindi ko mabasa ang tinatakbo ng isipan niya. Isa siyang bugtong sa akin na kahit kailan ay hindi ko masasagot.

"It's nice to see you, apo. No matter what, it's nice to see you." sabi ko pero tanging ang sarili ko lang ang nakarinig. Nanatili parin akong nakatingin sa nilabasan niyang pintuan.

"Chairman, itutuloy pa po ba natin ang kasal ng young lady?" ang boses ni Jan ang bumasag sa katahimikan ng aking opisina. Sunod sunod na tumango ako.

"Yes. I'm sure that that wedding will bring Katherin back and Earin knows that. That's why she came here to stop us. She's not totally dead... She's not." sabi ko na unti0-unting sumisibol ang ngiti sa mga labi. Kahit isang percent lang iyan basta may pag-asa hindi ako susuko.

"But Chairman, you know that Earin won't let that happen just like that..." bakas ang kaba sa boses ni Jan.

"Don't worry, Jan. She is still a Falerio." sabi ko at tinapik siya sa balikat.

Naglakad ako papunta sa aking table at kinuha sa isa sa mga drawer roon ang isang folder kung saan naroon ang profile ng nakatadhana kay Katherin.

"You seem so sure that he'll succeed the mission, Chairman?" sinagot ko lang si Jan ng malakas na tawa.

"I'm not sure. I'm hoping."

---

(Kevin's P.O.V)

Nasa gitna ako ng kagubatan sa Falerio Grand. Ito ang paborito ko'ng tambayan pag gusto ko'ng mapag-isa. Bukas na kasi ang araw para gawin namin ang last weekly mission ngayong school year. At gusto ko ng kapayapaan bago harapin ang araw na 'yon.

Nasa isang tree house ako na pinagawa ko last year para may pahingahan ako rito. Hindi naman ako nahirapan na papayagin ang management na magtayo ng tree house dahil ako ang top 1 ng Wofl88 at bukod na rin sa katotohanan anak ako ng president ng bansa.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon