Chapter 2
(The King of Name this Bar)
Jonathan
"Oy, 'Than. Aba, magtino-tino. Hindi habang buhay na ganiyan ka."
"Anong magtitino, ano yon? Magiinom ba sinabi mo? Arat aba."
Lumapit sakin si pamangkin at tinapik tapik ang pisngi ko, tumawa siya nang kilitiin ko ang 3 years old kong pamangkin na mas cute lang sa'kin ng 1 inch. Tinaas ko ang mga kamay at kusa siyang lumapit para magpabuhat at kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko 'yung masamang tingin sa'kin ni big sis.
"Pumasok ka ba?"
"Oo naman, masarap pumasok lagi sa pinto ng bar. Sa susunod isasama ko si pamang-." Kahit nakatingin siya sa phone niya ay pahina nang pahina ang pagsasalita ko nang makita na itinaas niya 'yung kamay niya at handang ibato kung ano makuha niya.
"Kahit anak ka sa mamahaling hotel ganiyan ka na? Anong hotel ba 'yun, buti hindi sa sogo. So cheap." Ibinaba ko kaagad si Threak sa may sofa at tumakbo papalayo sa kaniya. Buti nagpakita kaagad si bayaw para may kakampi ako at mabilis na nagtago sa likod niya. Sorry bayaw, human shield muna kita.
Pero gagi, nagiba 'yung kapalaran ko nang makita ko ang ngiti ni Ate at naramdaman ko naman 'yung pagaakbay sa'kin ni bayaw sa balikat ko. Hindi ko mailayo 'yung sarili ko nang mailapit ako ni bayaw at pinisil nang mariin ni big sis ang magkabilang pisngi ko.
Tinakpan niya bigla ang bibig ko nang magmumura sana ako dahil sa sakit.
"Matutunan rin ni pamangkin magmura habang bata pa. Mas masaya siya sabihin kesa sa A, B, C and D."
Binitawan din ako ni bayaw at tinapik sa balikat, may inabot siya sa'king susi at mukhang meron na naman ulit akong bayaw freebie this month. "Thanks bayaw, i-rate ko 'tong sasakyan after." Sumaludo lang siya sa'kin. Idol talaga 'tong si bayaw, napakaresourceful. Pangilan na 'to, pangatlo na ata tong narestore niyang sasakyan galing sa mga dina-dump na mga sasakyan ng mga clients niya.
Inayos ko ang sarili ko at naglakad patalikod habang kinukuha ko mga gamit ko. Sinaluduhan ko si Ate para magpaalam at bago pa man ako makatakas sa bahay nila. "Pumasok ka aba, kahit hindi ka na muna magtino. 'Pag ako nawalan ng gana sa'yo, ipapatigil ko lahat ng mga nakukuha mo sa'min. Isusumbong din kita sa kuya mo kahit magkakampi pa kayo non."
Takot ko na lang sa kaniya dahil hindi siya magdadalawang isip na iparanas sa'kin kung ano ang feeling ng walang maaasahan sa buong pamilya namin. I hate this reality threats so much.
Mabilis akong nagtype sa group chat ng tropa at sinabihan na maglaro kami nang aral-aralan sa Univ.
From: Johnny
Mag-aral? Ng ano, ng boobs?
From: Jorge
Sige, pero dun tayo sa lalaking prof na nagpapansin sa'yo hahahaha.
From: Joffry
G.
From: Jonas
Nahanap mo na ba sa boobs ni Ma'am Corella kung saan last na pumunta si Magellan?
Than-than ganda rito sa bahay nila 'Lo at 'La.
Dito muna kaya kayo.
Skinny dipping. Bikinis.
Heaven sent legs and those buns upfront and buns at the back.
Kaso hipon nga lang mga nagkalat. *sad face*
BINABASA MO ANG
Tattoo Embedder Series: The Hidden Tattoo World
Fantasy(Tattoo Embedder Series #1) He has wings tattoo, the one has geometrical tattoo, beside him has lion tattoo, behind him has this kind of eye tattoo and the one silent has a cross tattoo. JBrother's List No. 4: Done But they didn't know what li...