Part 1

2 0 0
                                    

Hi guys! So eto for sure matatapos ko hihi.

***
Inilipat ko na sa malaking pinggan ang niluto kong sinangag habang nagpapainit ng tubig para sa agahan namin.

"Isa na naman pong babaeng napagalaman na namatay kaninang umaga sa Bulacan. Ayon sa anak nitong dalaga na si Maria, di niya tunay na pangalan, narinig na lang daw niya ang tili ng kanyang ina ng at ng magpunta siya sa kwarto nito ay nakita nila itong walang mata at bulagta sa sahig. Sa ngayon, iniimbestigahan na ng kapulisyan ang mga pagpatay tuwing alas tres ng umaga. Samantala, naririto si Pinky De Jesus para sa ulat panahon."

Isinalin ko na ang natitirang kumukulong tubig sa tasa. Teka, bakit parang napapadalas ang pagpatay? At ang nakapagtataka pa, tuwing alas tres lagi. Nagkataon kaya yun o talagang alas tres ang patayan?

"Ate," narinig kong bumaba mula sa hagdan si Unice. Nakasuot na siya ng uniform at nagmamadali.

"Oh bakit? Tara na kumain na tayo, maaga pa naman" Hinila ko ang upuan at umupo naman si Unice. Pinaglagay ko na rin siya ng sinangag sa plato.

"Pakisuklayan at pakitirintas rin ang buhok ko, ate." Sabi sakin ng kapatid ko habang kumakain siya. "Ate, overnight nga pala kami sa school, kailangan para sa radio broadcasting. Kasali ako dun diba?' Dagdag pa niya.

Sinuklayan ko ang buhok niya at nagsimulang ayusin ito. Hays, magisa na naman ako mamaya sa bahay. "Sigurado ka bang sa school ka matutulog? Naku Unice, pag nalaman kong sa iba ka natulog, malalagot ka sakin" pabiro kong sabi saka kumuha ng pamusod.

"Si ate naman, syempre, kelan ba ko nagsinungaling sayo?" Sabi niya saka kami nagtawanan.

"Oh, kumpleto na ba mga gagamitin mo? Mga damit at unan, kumot? Dala mo na ba?" Tanong ko, at sa wakas natapos ko na rin ang pagpusod sa kanya kaya naupo na rin ako at nagsimulang kumain.

"Oo ate, anong oras ba pasok mo? Makikisabay sana ako, marami kasi akong dala." Sabi niya.

"Ah maya mayang konti, may 30 minutes pa. Hintayin mo lang at maliligo na ako." Binilisan ko ang subo ko at tumayo na rin. "Hintay mo ko sa sala, manood ka muna ng tv."

Umakyat na ko at nagsimulang maligo.

Ako pala si Kristine, at yung kapatid ko kanina si Unice yun, 15 na siya at ako naman 18. Nung mga nakaraang araw, puro tungkol na lang sa patayan ang laman ng mga balita. Kadalasan daw, alas tres ng umaga naaabutang patay ang mga biktima. Ano kayang meron sa alas tres at ganong oras sila pumapatay? Kwento nga ng mga matatanda na kapag daw nagising ka ng alas tres, kung saan ka daw unang matingin, andon daw yung espirito na nakatitig sayo habang natutulog. Creepy no? Devil's hour daw kasi yung 3am. Ewan ko pero di ako naniniwala sa ganun. Sabi ng mga kaklase ko multo daw ang mga pumapatay. Porket 3am multo agad? Imposible. Pero may posibilidad din na iisang tao lang ang pumapatay tuwing alas tres. Pero bakit? Pinapaalalahanan na ang mga tao na maglock ng pinto tuwing gabi. Pero di ko lang magets kung bakit may mga namamatay. Hays! Bakit ko ba iniisip to? Pwede namang yung mga detective ang magsolve ng kaso sa mga pagpatay, nangingialam pa ko.

Sinara ko na ang shower at lumabas na ng banyo saka nagbihis. Pagbaba ko, naabutan ko si Unice sa sala.

"Tara na." Sabi ko saka ko binuhat ang ilang malalaking bag ni Unice at sinakay ko na sa likod ng pick up. Oo, may kotse kami. Pamana lang ni papa yung pera na yun ng namatay siya, pinambili ko ng kotse.

Hindi ko alam kung bakit, pero sinilip ko ang bawat sulok ng bahay namin bago ko ito nilock. May kakaiba akong feeling, di ko maipaliwanag.

Sumakay na kami ni Unice sa kotse at pinaandar ko na rin ito. Habang nasa byahe, napapreno ako ng may nakita akong pusang itim na naglalakad sa daan. Huminto ito sa harap ng kotse at tumitig sakin, dahilan para mapakunot ang noo ko.

Mga ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin umaalis ang pusa kaya binusinahan ko ito. Nakita ko itong sumama ang tingin at parang susugurin ako. "Ate?" Narinig kong tawag ng kapatid ko sakin.

"Ha?" Para namang bumalik ako sa katinuan ng tawagin niya ko.

"Bakit tayo huminto?" Lumingon ako sa harapan ng kotse at nakita kong wala na ang pusa. "Bakit, natatakot ka ba?" Nagiba ang boses niya kaya napalingon ako at laking gulat ko ng makita ko ang malaking ulo ng pusa na nakasuot sa ulo ng kapatid ko. Parang totoong totoo ang pusa kaya naman napasigaw ako.

"Tin!" May tinig na tumatawag sakin pero nakatingin pa rin ako sa pusa na nakikipagtitigan sakin. "Tin!" Sigaw ng babaeng tumatawag sakin.

Napapikit ako sa takot at ng pagdilat ko, nakita ko ang mukha ng kaibigan kong si Shanele. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatulog pala ako sa café na pinagtatrabahuhan ko. "Ha?" Sagot ko saka nagpunas ng mata, baka may muta ako.

"Pagod ka na ba? Pawis na pawis ka kasi, ano ba ginawa mo?" Tanong niya sakin. "Ala una na bessy, tapos na lunch natin. Di ka pa kumakain, kanina ka pa tulog simula ng naglunch tayo."

Tumayo ako sa higaan sa loob ng staff's rest area. Tiningnan kong mabuti ang kaibigan kong si Shanele bago ako lumabas ng rest area.

"Tin, may problema ba?" Narinig kong sumunod sakin si Shanele kaya nilingon ko siya.

Pero laking gulat ko ng makita kong nakasuot siya ng maskarang pusa. Teka, bakit siya nakamaskara? Panaginip lang ba to ulit?

Sa sobrang takot ko, tumakbo ako sa labas pero naririnig ko pa rin siya na hinahabol ako. Makakatakas pa sana ako ngunit naabutan ako ng manager ko, at tinanong kung anong nangyari.

"Tin!" Narinig kong tawag sakin ni Shanele. Lumingon ako sa kanya kahit natatakot pa rin ako, at nakita kong wala na yung maskara niya.

Huh? Pano nangyari yun?

"Tin, bat ka tumakbo? Natakot ba kita?" Tumawa muna siya bago magsalita ulit. "Pasensya na Ma'am, galing ko na ata manakot, ngayon ko lang kasi natakot si Tin para sa isang Halloween special natin."

Halloween? October na ba?

"Hay nako, itong si Tin talaga. Di mo na namalayan na sa isang araw na ang Halloween party natin? Oh, pumunta ka ha?" Paalala samin ni Ma'am. "Sige, mauna na ako sa inyo, may gagawin pa kasi ako eh." Ngumiti siya samin.

Bigla akong hinila ng manager ko at bumulong. "Ingat ka Tin."

Hindi man lang siya tumingin sakin bago umalis. Parang kinilabutan ako don ah? Bakit ganun, natatakot ako kay ma'am. Ngayon lang siya nagsabi sakin ng ganyan, tapos pabulong pa.

Napatingin naman ako kay Nel na nagcecellphone.

Nung mga nakaraang araw, nananaginip ako tungkol kay Unice. Paulit ulit na scene sa kotse namin, at medyo natatakot na talaga ako.

Nakalimutan ko pa yung ibang gagawin. Biruin mo, Halloween na pala? Ni hindi ko namalayan ang mga araw. Pag talaga malungkot ka, hindi ka ganong makapagisip.

"Tin, ok ka lang ba talaga? Masama ba pakiramdam mo? Tin ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba? Nangangayayat ka na Tin." Sabi sakin ni Shanele habang nagmamasa kami ng tinapay.

Napaisip ako sa tinanong niya. May sakit ba ako? Nangayayat nga ba talaga ako? Hindi ko din alam kung ano nararamdaman ko. Siguro, lungkot.

"Tin? Hay nako, alam kong masakit mawalan ng nagiisang kapatid Tin, pero alam mo? Masaya na siya ngayon sa langit. Dapat maging masaya ka na rin para sa kanya kahit masakit ang nangyari. Hindi matutuwa si Unice niyan kapag nalaman niyang hindi ka masaya kahit wala na siya,"

Napatigil ako.

Magisa na lang ako. Si shanele na lang ang natatakbuhan ko, siya na lang ang napapagsabihan ko ngayon ng mga problema.

Mabait si Shanele, tinutulungan niya ako kapag may kailangan ako. Nagiistay siya sa bahay simula nung namatay si Unice. 3 years before.. Pero parang sobrang bago pa rin ng mga pangyayari. Parang kahapon lang.

"Ate, bukas na pala ako uuwi kasi may radio broadcasting kami."

"Ate, anong ginagawa mo?! Bakit tayo huminto?"

"Ate please, tumigil ka na!"

"Ateeeee!"

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang mga katagang sinabi niya.

Kasalanan ko to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

3:03 amWhere stories live. Discover now