Chapter 33

79.9K 852 97
                                    

Lester's POV


Nasa classroom kaming lahat at nabibingi na ako sa katahimikan nilang lahat. Yong totoo? May mga alam ba sila na hindi ko alam? SI Ella tahimik lang, si JC nakatulala, si Julia busy sa kakatype ng phone niya. si Yen at Seth nagbubulungan, si Kats ay kinakausap si Kath dahil tulala lang ito, at si Dj ay nakatingin kina Kath at Kats ngayon. 


Ano ba ang nangyayari? Nagkahiwalay na kasi kami kahapon sa pag uwi dahil may kanya kanya silang mga lakad. Naiwan nga lang ako don. Sina JC nag text sakin na mauna na siya kasama si Ella pero ang iba ay hindi ko na alam. Ano ba ang meron?


"Uhm, tahimik natin ah?" Ako.


"Psh." DJ sabay tayo at walk out.


Kumunot ang noo ko pero binalewala nalang yon.


"JC? Ikaw? Ok ka lang ba?" Ako.


"Walangya talaga!" Sabi ni JC sabay tayo at walk out.


Anong nangyari dun? Umiling nalang ako at tinignan si Julia.


"Ikaw Juls? Ok ka lang?"


"H-Ha? Teka lang may pupuntahan ako." Sabay alis.


"Kats? Kath? Kayo?"


"Sorry brad. Alis muna kami. Kung hahanapin niyo kami punta lang kayo ng canteen." Sabi ni Kats sabay alis kasama si Kath.


"Ella?"


Tinignan niya ako.


Sana hindi niya mapansin ang pamumula ng pisnge ko!


Medyo napatagal ang titig niya kaya pinagpawisan ako ng malamig. Bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng pinto, kumunot ang noo ko. Pero bago siya makalabas ay hinarap niya ako at tinitigan bago nagsalita.


"Manhid." Cold na pagkasabi niya sabay alis. 


Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Manhid? Anong nagnyari don?


Ano bang nangyari sa mga yon? Walk out ng walk out! Uso ba yon ngayon? 


Tinignan ko si Yen at Seth na nakatingin na pala sa akin.


"Oh kayo? Baka gusto niyo din mag walk out?" Biro ko.


"Sabi mo eh." Sabay nilang sabi sabay alis.


Napanganga ako nong nakalabas na sila ng pinto at naiwan akong mag isa dito sa classroom.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon