REUPLOADED AND EDITED HEHE since may mga nagtatanong pa din sa akin kung nasaan na ito.
Mga 1st year or 2nd year HS ko pa yata 'to ginawa so yeah medyo light and pure and very highschool-ish ang oneshot na ito hahaha enjoy!
-
"Kapag may naka-eye to eye ka ng ilang seconds, bound na kayong mag-meet nung taong yun. Parang lagi nyo na lang nakikita yung isa't-isa."
-
Lunch break na at naglalakad kami ng bestfriend kong si Laine papunta sa cafeteria. Nag-uusap lang kami tungkol sa homework namin sa aming susunod na subject nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinatak ang braso ko kaya naman napahinto din ako.
"Huy, bakla!" Yes, iyon talaga ang tawagan namin. "Tingnan mo yung lalaki dun. Yung naka-checkered na shirt. Ang gwapo. Bakit ngayon ko lang siya nakita?" bulong niya sa tenga ko sabay turo gamit ang nguso niya doon sa table sa dulo ng cafeteria.
Tiningnan ko naman ang tinuro niya at may mga nakaupo nga doong barkada ng lalaki. Hinanap ko yung tinutukoy ni Laine na naka-checkered.
Pagkatapos ng mga ilang segundo, nakita ko na din ung tinutukoy niya.
Pero hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya.
Kundi, sa katabi nya.
And surprisingly, he's also looking at me.
-
"Huy, bakla. Crush ko na yata siya."
Nagtatakang tiningnan ko si Laine. Sino na naman 'tong pinagpalang lalaking ito?
"The who?" tanong ko habang sumusubo ng chips. Nakatambay kami ngayon sa garden ng school since medyo mahaba pa ang break namin.
"Yung tinuro ko sa'yo nung isang araw!!"
Ughh, pinaalala na naman niya! Sobrang ininvade kaya nung kaibigan nung crush ni Laine yung utak ko! Akala ko makakalimutan ko na talaga yun, hay.
"Naks, congrats! May bago ka na namang ii-stalk!" pagbibiro ko sa kanya.
"Gaga!" pinalo niya ako sa braso at gaganti na sana ako nang bigla siyang umupo ng ayos. "Poise, poise. Dadaan sila."
Sino daw ang dadaan? Lumingon ako at ayan na nga ang crush ni Laine.
Kasama yung kaibigan niya.
Sa hindi malamang dahilan, nakatitig lang ako sa kanila - sa kanya - habang nilalagpasan nila ang pwesto namin at sa hindi ulit malamang dahilan, nakatitig lang din siya sa akin.
"OMG BAKLA! Nakatingin sayo yung friend niya!"sigaw ni Laine pagkalagpas nila habang inaalog-alog ako.
Hindi ako naka-sagot kasi hindi pa rin siguro ako maka-move on sa titigan moment namin kaya naman nagsalita na lang ulit si Laine.
"Alam mo ba, kapag may naka-eye to eye ka ng ilang seconds, bound na kayong mag-meet nung taong yun. Parang lagi nyo na lang nakikita yung isa't-isa."
-
Days passed and I found myself thinking about him; staring at him from afar; and wanting to know him.
Hindi pa nakakatulong dito yung lagi nga kaming nagkakasalubong or lagi ko siyang nakikita. Hay, totoo nga siguro yung sinabi ni Laine?