Minah's POV
* Flashback *
[ The night after her graduation 5 years ago ]
"Ma! Please. Please!! Kahit para sakin lang" umiiyak ako habang pinipigilan ko si Mama sa pag alis.
She's leaving us for some other guy. What hurts the most is that she doesn't even care about me.
"Pa! Do something!" lumapit ako sa kanya.
"Let her go anak" he smiled as tears run down his face.
Thats the most heart breaking part. Yung makita ko si Papa na umiiyak.
Like what he said, i let mom go.
She left without saying a word.
Ako na lang nag alaga kay papa kasi nagkasakit sya sa sobrang pag tatrabaho nya. Our financial status is not stable either so kinailangan kong magtrabaho habang nag aaral ako. Buti na na lang scholar ako.
Its been a year since my mom left. Laging siya ang bukam bibig ni Papa. Naiinis na nga ako. Kasi mahal nya pa din kahit iniwan na kami.
Lalong lumala ung sakit ni Papa.. Hindi nya na kinaya :'(
He left me :'(
Habang inaayos ko yung mga gamit nya. Nakakita ako ng note sa bulsa nung jacket na suot nya bago sya mamatay.
I burst into tears after reading the letter. It was for me.
Dear Minah, by the time you got this, i'm probably gone. Sana kayanin mo lahat ng pag subok. Wag kang susuko. Wag kang gagaya sakin. Your life must go on. And i want you to find your mom. Alam kong kaya mong mag isa pero mas maganda sana kung may mag aalaga sayo. Mahal na mahal kita anak.
End of Flashback.
"Tulala ka na naman!" si Gelo yan. Bestfriend ko since highschool.
I have few friends back when i was in high school. Di naman kasi ako msyadong matalino. Hindi rin ako active. I'm like a ghost. Pero si Gelo, lagi nya akong pinapansin nun kaya naging close kami and naging magbestfriend.
Di pa nga pala ako formally nagpapakilala. Ako nga pala si Minah Clarisse Avila. 21 years old. Kakagraduate ko lang. Medtech ang tinake kong course. Hindi pa ako nag te-take ng board exam kasi nag iipon pa ako ng pang review. Maraming pera na naiwan si papa. Trinasfer nya sakin lahat. Hindi ko ginagalaw yun.
Description ng itsura ko?
Tumingin ka na lang dun sa picture sa side ^_____^
I'm single. Bakit? Kasi hindi ko din alam. 3years ago nagkaboyfriend ako.
Ganto kasi yun. 3 years ago. Di ba nga kamamatay lang ni Papa yun.
I was so lost. Alam nyo ung feeling ng iniwan na nga ng nanay tapos namatay pa yung tatay. Ang sakit kaya! Parang pinagsakloban ako ng langit at lupa. Halos di ako lumalabas ng bahay. Hindi rin ako msyadong kumakain. But it all changed when i met Xavier.
Nakilala ko siya dahil isinama ako ni Gelo sa party nung friend niya. Nilapitan ako ni Xavier. Kasi napansin nyang tahimik daw ako. Tapos nag kwentuhan kami. Yun, nag exchange numbers kami. After some months, naging kami na.
Masaya naman nung naging kami. Madalas kaming magkasama. We lasted for a year and half.
One day. Nagka-problema. Nakabuntis siya. Aksidente lang daw na may nangyari sa kanila nung babae kasi lasing daw siya nun. Ang sakit sakit. Dahil kung kelan akala ko okay na. Saka pa nagkagulo.
Napatawad ko siya syempre. Pero hindi ko na siya binalikan. hindi dahil hindi ko na siya mahal kundi dahil ayokong lumaking walang ama yung magiging anak nila.
Naging friends pa din naman kami. In fact ninang ako ni Liam. Yung anak nila ni Nichole. Pati si Nichole naging ka-close ko.
Masaya ako kahit ganun ang nangyari sa buhay ko. Thankful ako kasi kahit papano, nakakayanan ako lahat ng bagay na nangyayari sakin.
"Huy. Minah! Kinakausap kaya kita?" pinipisil ni Gelo yung ilong ko >/<
"Anu ba. Nag iisip ako ng magandang sideline!" day off ko kasi.
Andito ako sa bahay. Andito din si Gelo. Taga kalapit bahay lang kasi yan.
"Sideline? Kaka-day off mo lang! Mag enjoy ka naman muna!" sabi nya.
Di kasi ako tumitigil sa pagttrabaho. Para marami akong pera :D
Magrereview kasi ako. Kelangan ko ng panggastos.
Hindi ako hirap sa pera kasi nga may iniwan si Papa. Paulit ulit >/<
"Text mo si Kuya Roland, mag pa-part time ako sa bar nya"
Part time job ko din ung pagkanta kanta sa bar, sa wedding, sa patay. Basta! Basta kelangan ng singer, pinapatos ko na.
"Mag bar na lang tayo. Mag enjoy tayo! Wag ka ng mag trabaho ngaun. Please?" nag puppy eyes siya.
"E anong gagawin ko? Sayang ang maghapon!"
"Mag bar tayo. Libre ko na. Nag part time ako kahapon"
Walang permanent na trabaho si Gelo. Ako kasi cashier e. Konti lang sweldo ko pero okay na din. Nakakaraos naman eh.
"Osige! Isama natin sila Nica?" naging friend din ni Gelo sila Nica. ^_^
"Sige. Sabihin mo ke Xavier sunduin tayo"
At talagang kay Xavier pa kami sasakay? Lalaking to talaga.. Tsk.
"Uwi na muna ako. Mamaya na lang. 7PM." lumabas na si Gelo ng bahay namin.
Ini-dial ko yung number ni Nica.
Calling Nica..
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hello? Minah? Napatawag ka?"
"Uhm.. Busy ba kayo mamaya?"
"Hindi naman. Bakit?"
"Baka kasi gusto nyo sumama. Magbabar kami ni Gelo mamaya"
"Osige. Anong oras ba?"
"7PM, sunduin nyo kami. Hehe"
"Osure. Sige"
"Sige. Salamat. Bye"
Then pinutol na nya ung tawag ko.
