MALING PAG-IBIG

21 0 0
                                    

Pag ibig ko sayo'y sa una pa lang ay mali
Kahit kasalanan na ikaw ay mahalin
Dama ng aking puso ay ikaw pa rin

Paano ba matatanggap na ika'y di akin
Kung iyong pinadadama
Ako'y mahal mo rin

Tama bang umasa at lumaban
Kung sa una pa lang
Wala na akong laban

Sa larong ito hindi ba't ako lang ang talo
Dahil alam ko kung ano lang tayo
Magkaibigan na lang yun ang sabi mo

Kahit na ganun lang ako sayo
Umaasa pa rin ako na ito'y magbago
Baka bukas paggising mo
Ako na ang piliin mo

Alam kong mali ang umasa
Dahil may asawa ka na
Pero masisisi mo ba ko
Dahil sabi mo mahalaga din ako

Pero ano nga lang ba ako sayo
Palipas oras
Yan ba ang turing mo

Alam ko may kasalanan din ako
Dahil nasa akin ka na noon
Pero binalewa ko

Ngayon aasa asa ako
Na baka pwede pa rin tayo
Kahit kasalanan na ang magsama tayo
Dahil nakatali na rin ako

Nananahimik na ko
Bakit mo pa ko ginulo
Kontento na ko sa kung anong meron ako

Pero ngayon tinatanong ko
Masaya pa ba ako sa kanya
Ngayong andyan ka
Pilit pumapasok sa eksena

Maitatama pa ba
Ako'y nakokonsensya na
Mahal ko naman siya
Pero paano ka
Gusto rin kitang makasama

Gusto ko sanang ipaglaban
Ikaw kaya yun din ang nararamdaman
Pero paano sila
Maraming masasaktan
Kaya wag na lang

Dapat ng itigil
Itong ating kahibangan
Na sa simula pa lang
Isa nang malaking kalokohan

Hindi na dapat sinimulan
Dahil wala rin naman patutunguhan
Kaya tinatapos ko
Itong aking kahibangan
Dahil sa una pa lang
Wala nang kahihinatnan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

maling pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon