Pag-ibig nga naman :)

186 3 2
                                    

Mula grade one hanggang grade five, magkapitbahay na kami ni Bryan. Pero nung maggrade six ako lumipat ng bahay sila Bryan. Two years ko rin siyang hindi nakita, pero pagdating ko ng high school nagkita ulit kami kasi sa pinasukan kong school nung high school dun rin siya nag-aaral. Magka-edad lang kami ni Bryan pero dahil mas maaga siyang nag-aral at may pagka-genius din kasi, naaccelerate siya nung elementary kaya mas advance siya sa akin. Pagdating ng college it’s time to part ways again pumasa si Bryan sa UP, civil engineering ang course niya doon. Ako naman nung nagcollege, computer science ang kursong kinuha ko sa PUP. Dahil advance sa akin ng two years, mas naunang gumraduate si Bryan sa akin, ako naman may isang taon pang bubunuin.

END OF FIRST SEMESTER :)                              

Agad agad? Oo ganun lang talaga kabilis lumipas ang panahon. Sapagkat ang mga kilig experiences ng buhay ko ay magsisimula pa lamang mangyari. <3

START OF SECOND SEMESTER :)

Eto na. Last semester na. Pagkatapos nito graduate na ako!

                                       - FIRST DAY -

Paglabas ko ng bahay namin may nakita akong nakaparadang itim na kotse sa tapat ng bahay namin.

"Kanino kaya ito? Siguro sa kapitbahay.."

Hindi ko na pinansin yung kotse, dumiretso na ako para pumasok. Pero biglang bumusina yung kotse nung una hindi ko nilingon pero nung paulit-ulit na bumusina at sobrang ingay na nilingon ko na.

"Ano bang problema nitong kotse na ito? Ang ingay ingay.."

Biglang bumaba yung bintana sa may driver’s seat. Nagulat ako kaya tumakbo ako palayo baka mamaya kung sinong masamang tao yung nandun sa loob. Pero mas nagulat ako nung makita kong si Bryan pala yung nasa loob ng kotse.

"Hoy! anong ginagawa mo diyan? may patakbo takbo ka pang nalalaman." sabi ni Bryan

"Sira ka! Ikaw lang pala yan.. tinakot mo ako."

"Bakit ka naman matatakot? Wala naman akong ginagawa.."

"Ewan! sige mauna na ako sa iyo first day pa naman ng klase ngayon hindi ako pwedeng ma-late."

"Sumabay ka na sa akin.."

Hindi ko siya pinansin.

"Bi..Sorry na, hindi ko naman alam na natakot kita eh."

Bi ang tawag sa akin ni Bryan mula pa nung elementary kami, Bianca kasi ang buo kong pangalan. Bry naman ang tawag ko sa kanya bilang Bryan ang pangalan niya.

"Okay. Apology accepted. Ihatid mo na ako, bilisan mo lang ah kapag ako na-late lagot ka talaga sa akin!"

"Yes Bi! :)"

Every Monday hinahatid ako sa pagpasok ni Bryan hindi tuloy maiwasan na asarin ako sa kanya ng mga kaklase ko lalo na ang kaibigan kong bakla na si Gab.

"Girl, ang taray mo ah may tagahatid ka pa dito sa school. Swerte mo sa boyfriend mo gwapo na, matalino na at thoughtful pa, san ka pa makakakita ng ganyan? Ikaw na talaga girl!"

"Hay naku! Baks, hindi ko boyfriend yun noh bestfriend ko yun.. magkababata kasi kami nun since grade one ako kaya ganun kami ka-close. Tska hindi ko siya type noh..lalong hindi rin ako type nun mataas standards nun pagdating sa mga babae eh."

"Grabe pagka ba genius kelangan mataas din ang standards sa magiging kapartner? Ano bang standards niya sa babae?"

"Maganda."

"Oh, maganda ka naman ah"

"Yung mas maganda pa sa akin"

"Wow ah..Ano ito beauty contest?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig nga naman :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon