Chapter 34 : His Birthday

657 10 6
                                    

Chapter 34

Kylie's POV

Done!

Sana naman ma-appreciate niya 'to. Pinaghirapan namin 'to. Hindi ko naman magagawa ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa mga taong tumulong sa'kin. Una kay Lays, pangalawa kay Darrel, pangatlo kay Lance at Drake, at pangapat kay Cha. Sobra talaga akong nagpapasalamat sakanila.

Kahapon nagpasama ako kay Lays sa Mall kahit na medyo hindi pa ako okay para lang bumili ng regalo para sakanya. Hindi ko alam kung anong gusto niya, pero simple lang yung binili ko.

Sa rooftop ng WC namin napiling i-celebrate yung birthday niya. Si Darrel ang nag-suggest since ayaw daw ni Kieran sa lugar na maraming tao.

Si Cha yung nag-isip ng concept at in fairness naman sakanya! Ang ganda nung kinalabasan. Simple lang siya pero ang ganda. Tapos sina Lance at Drake naman yung nag-ayos. 

Si Darrel naman ang bumili ng cake pati na din ng foods. At si Lays naman ang tumulong sa'kin sa regalo ni Kieran.

Time Check: 7:30 PM

Ako nalang ang susundo sakanya. Sabi ko sakanila na mag-ready na sila. Alam kong gantong oras ang labas niya kaya inabangan ko na siya. Sakto naman na iniluwa siya ng elevator.

"Hi, sir!" nakangiti kong sabi tapos nag wave pa ako. Nakapoker-face lang siya. Hindi niya ako sinagot at nilagpasan lang.

Grabe siya oh!

Hinabol ko siya at pinigilan.

"T-teka lang!" Tinignan niya lang ako na para bang hinihintay niya yung sasabihin ko.

Mood swing.

Kahapon naman ang bait niya! Tapos ngayon naman.. tss nakakainis siya! Pasalamat siya, birthday niya. Kung hindi baka nasuntok ko na siya. Joke.

Paano nalang kung hindi ko siya mapilit?

"S-saan ka pupunta?"

"Uuwi na." naglakad na ulit siya pero syempre pinigilan ko ulit.

"ANO BA!?" sigaw niya. Awit! Galit na siya. Beastmode na siya. Baka hindi ko mapilit 'to. Huhuhu.

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Kasi ang kulit mo!"

"Sorry na. Promise! Hindi na kita kukulitin. Pero sa isang kondisyon.." Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sasama ka sa'kin."

"At saan naman?"

"Sa rooftop. At promise ko pag-pumayag ka, hinding-hindi na kita kukulitin." Parang awa niyo na po, papayagin niyo po siya. Please po.

"Fine." For real? Omg! Success! Thank you po bro! I love you po. Ang lapad ng ngiti ko dahil napapayag ko siya, pero 'tong lalake sa harapan ko, poker face lang.

Haist. Hayaan na nga natin. Birthday niya naman eh. Pagbigyan.

Ilang minuto ang nakaraan nang marating namin ang rooftop.

"Anong meron?" Badtrip nyang tanong.

"Ready ka na?" tanong ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Haist. Sungit talaga!

"1 ....... 2 ....... 3!"

Bumukas na yung mga ilaw at kasabay nun ang paglabas nina Lays, Darrel, Lance, Drake at Cha. Hawak ni Darrel ang cake. Tapos kinantahan namin siya ng happy birthday.

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon