May sasabihin lang ako sayo.
Sandali lang 'to, kaya pakinggan mo ako.
Alam kong alam mo na mahal kita.
Alam kong ramdam mo na gustong gusto kita.
Alam kong alam mo na kailangan ko ang mga ngiti mo.
Alam kong alam mo na ikaw ang bumubuo sa araw ko.
Alam kong hindi ka manhid, hindi mo lang talaga ako gusto.
At tanggap ko 'yun.
Tanggap ko 'yun dahil isa akong dakilang tanga.
Na sa lahat ng tanga, ako ang pang una.
Sa karera ng mga tanga, ako ang nauuna.
Ako yung nangungunang naghahabol. Kasi yun na ang nakasanayan ko.
Ang mahulog sa isang taong walang kakayahan na masalo ako.Kaya sana maintindihan mo na hindi pwedeng isang sabi mo lang na tigilan kita, ay titigil na ako.
Ikaw lang ang titigilan ko pero hindi ang pagmamahal ko sayo.
Kaya hayaan mo akong ibigin ka kahit may mahal kang iba.
Tatanggapin ko lahat ng sakit basta hayaan mo ko na mahalin ka.
Uulitin ko, hayaan mo na mahalin kita.
Wala akong pakialam kung hanggang pangarap nalang kita.
Wala akong pakialam kung gusto mo siya, basta hayaan mo lang ako na mahalin kita.
Kasi isa akong dakilang tanga na umaaaa sa isang taong di naman makita ang aking halaga.
Na kahit ayaw ko ng ipagpilitan ang sarili ko, minamahal ko pa rin talaga.
Na kahit iba ang gusto, dumidito pa din ako.
Palagi akong nandito.
Pinagmamasdan ka, habang nakatitig ka sa kanya.
Pinapakinggan ang awit mo para sa kanya.
At pinapanalangin na ako nalang sana.
Pero kahit kailan hindi ako magiging 'siya'.
Kasi ako lang ito, isang dakilang tanga.Hayaan mo, lilipas din ito kapag natauhan ako.
Lilipas din 'tong pagmamahal ko sayo.
Konti pa, saktan mo pa ako ng sobra.
Mawawala din ito.
Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong mahalin ka dahil hindi mo mapipigilan ang pagmamahal ko sayo. Tanging ako lang ang makakapagpatigil nito.Alam ko, sasaya ka sa kanya.
Pero sana ako nalang talaga siya.Nagmamahal, lumuluha at umaasa,
Dakilang tanga.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PuisiPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.