Chapter 3(Pink Chrysanthemum Flower)
Jonathan
Gago, buhay pa ako.
Tinapik-tapik 'yung dibdib ko sa sobrang lakas nang tibok ng puso ko habang sinusuout yung sando ko at kahit hindi ako mabuting anak pero hindi pa ako handang mawala sa mundong 'to.
Paulit-ulit kong inaalala yung mga nangyari kanina kung totoo ba talaga yon.
Pagkalabas ko sa pinto kung saan yung mga private rooms ay may nakita akong lalaking naglalakad papaliko. Mabilis akong tumakbo para sundan siya at tanungin kung may idea siya kay Shoara pero nang makababa ako ay maraming tao na ang nagkalat.
Nang mahagilap siya ng paningin ko ay siya lang ang makakasagot kung imagination, panaginip o nasa epekto lang ng drugs ba ako dahil eksaktong eksakto sa pagkakakita ko sa tattoo sa likod ni Shoara ay nasa braso na ng isang lalaki.
Paano nangyari 'yun?
Baka may kaparehas lang siyang tattoo, pero hindi naman ganun kadali na mawala ang isang tattoo kahit washable 'yon dapat may hindi pa rin siya mawawala ng instant na parang pinutok na bula lang.
Sinundan ko siya hanggang sa labas ng bar pero sa dami ng tao at sa hype ng crowd sa stage ay wala na akong nadatnan na lalaking may tattoo na katulad kay Shoara. "Tanginang buhay 'to, sasakyan lang 'yung problema ko, alak, yosi at sex lang ang gusto ko pero gago bakit may patay na katawan ng tao ngayon. Paano ko tatakasan to?"
Ayokong makulong, ayokong maaresto at humawak ng papel sa harap na may pangalan ko at picture-an, ayokong sumunod sa yapak ni Jonas. Pero ba't mangyayari 'yon kung hindi naman ako gumawa non? Sa mga pinagiisip ko, kahit maraming tao ay hinahanap ko 'yung tatlo.
Sa bar na napuntahan namin. Sa mga posibleng gulong magagawa ko, bakit possible witness o possible suspect of murder pa?
Magkakasama silang nakaupo habang umiinom na may kasamang iba't-ibang babae at kahit alam kong masisira ko 'yung moment na 'yon ay hinila ko sila papalabas ng bar. Gusto pa nilang pumasok pero hindi ko na sila pinayagan. Uminom siya sa hawak niyang bote ng alak, "Ano bang problema?" tanong ni Johnny.
"Kailangan na nating umalis, par." May halong kabang sagot ko sa kaniya. Nagreklamo pa silang lahat, may tinawag pang babae si Johnny, may balak pang pumasok si Jorge at hindi ko na hinayaan na may gawin pa si Joffry.
Kahit si Joffry na maaasahan ko ngayon ay dumagdag pa sa mga aalagaan ko, inakbayan ko 'yung dalawa para hindi na sila makabalik at hinila 'yung isa para hindi makatakas sa'kin. "Kailangan na nating umalis dito, punta na tayo kela Jonas kaso gago umalis akong patay si Shoara," bulong ko sa tatlo nang makasakay at mabilis na pinaandar 'yung sasakyan papalayo sa bar na' yon at makatakas sa mga iniisip kong pwedeng mangyari sa'kin.
"Pinatay mo ba sa sarap si Shoara kaya ka tumakas kaagad?" tanong ulit ni Johnny, mukhang malayo na kami kaya pwede na ako magtigil sa kaka-overthink.
"Hindi ko pinatay ni Shoara dapat nga siya pa ang papatay sa'kin. Ay gago, hindi siya namatay sa sarap totoong patay na siya pagdilat ko."
"Ano?" sigaw ni Johnny.
"Sino naman pumatay sa kaniya? May clue ba?" dagdag naman ni Joffry.
"Buti hindi ikaw ang namatay sa sarap?" Sarap naman batukan nito ni Jorge.
Sa dami ng tanong nila ay hininto ko muna ang sasakyan saka humarap sa kanila at inisa-isa silang sinagot na kahit ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang tamang isasagot.
BINABASA MO ANG
Tattoo Embedder Series: The Hidden Tattoo World
Fantasy(Tattoo Embedder Series #1) He has wings tattoo, the one has geometrical tattoo, beside him has lion tattoo, behind him has this kind of eye tattoo and the one silent has a cross tattoo. JBrother's List No. 4: Done But they didn't know what li...