"EOS PARE BAKIT NGAYON KA LANG."
Sinalo ni Tony yung helmet ko kasabay ng pag hagis ko rito sakanya. Isa isa kong nilapitan kasamahan ko at nakipag aper, alam kong ako lang yung hinihintay nila pero masisisi ba nila ako? Hindi nila alam ang pinag daanan ko bago ako tuluyang nakatakas. Talaga naman ang Babaeng yung na wala namang boobs napaka higpit nya saakin. Makakaganti rin ako sa pag tataray na ginagawa nya saakin.
"Hoy ano iniisip mo?" Napalabi ako sa tanong ni Tony, isa-isa naman akong tinitigan ng mga ulol kong kasama.
"Wag nyo nga akong tingnan ng ganyan. Hindi kayo a gwapuhan." Isa isa nilang itinapon yun sigarilyo nila saakin.
"Gago!"
"Ulol mo!"
"Tanginers mo Eos." Tinawanan ko lang mga reaksyon nila. Sa totoo namang mas gwapo ako kesa sa kanila kahit nakikipag basag ulo ako maakit parin mga baae saakin. Pwera na lang ata sa babaeng walang boobs na yun.
"Hoy Tony." Kalabit ko kay Tony na sige parin tawa, Ewan ko ba napaka abnormal ata ng isang ito. Late reaction pa naman din sya minsan.
"O bakit?" Pinipigilan pa nito yung pag tawa nya PSH! Para syang bobong tanga.
"May tanong ako sayo." Natahimik naman sya kasi seryoso yung pag kakasabi ko. At kapag seryoso yung tono ng boses ko alam nyang makakatikim na naman sya saakin pag hindi sya nag tino kong sumagot.
"Ano naman?"
"May klase ng kaluluwa ba na ta-trap sa katawan ng isang buhay na tao?" Ewan ko pero feel kong seryosuhin yung tanong ko kaya ganun.
"November one na ba ngayon Pare?" Napakunot yung noo ko sa tanong nya. Gago talaga sya anong connection nung tanong ko sa panibagong tanong nya? Haisst! Masasapak ko ata ang lalaking to ey.
"Hindi ko tinatanong kong November one ngayon Ulol. Iha ang tanong ko pwede?" Inirapan ko pa sya.
"Bakit mo ba kasi yan naitanong? Alam mo bang.." Bago sya nag patuloy ni lingon nya muna yung nga kasamahan naming busy sa kong anu-ano kay muli nya akong binalinganng tingin. "May phobia ako sa multo." PA bulong na sabi pa nya.
"Ewan ko sayo hindi totoo yang multo wag kang bakla!" Ngumuso sya na para bang bata. "Ano bang gagawin natin ngayon?" Naiinip na sabi ko.
"Hinihintay natin yung grupo ni Pyro." Ani nya habang nag sisindi ng sigarilyo nito.
"Gago talaga ang lalaking yun. Mahilig mag paasa ang isang yun ey." Inagaw ko yung nasindihan nyang sigaralyo at ako ang gumamit nun.
"EOS NAMAN ANG KAPAL NG MUKHA MO." Naiinis na sabi nya. Nginisihan ko lang sya. "Matuto kang mag paalam ibibigay ko naman ey." Padabog na nag sindi itong muli.
"Pati ba naman ako sinusungitan mo? Ilang taon na ba tayong mag kaibigan at kong pag damutan mo ako akala mo kong kagwapuhan kang tang-G-A ka." Natatawang sabi ko todo simangot naman nito saakin.
"Hindi ko maalala kong kailan kita nakilala basta ang alam ko ang dungis mong mag laro!" Humagalpak ako ng tawa para talaga syang tanga, akala ata nya babata sya sa pag ngusong iyon bigyan ko pa sya ng tsupon nyan ey.
Ilang oras din yung hinintay namin at wala akong ni isang PYRO o kampon ni Pyro na nag pakita saamin. PSH. Tumakas pa ako sa tutorial class ko para lang makaharap ang hinayupak na Pyro na yun tapos wala rin pala akong mapapala? Siguro kong nag stay ako sa bahay mag eenjoy pa akong inisin ang babaeng walang dibdib na yun-- teka bakit naman ako nag eenjoy makasama ang babaeng yun? Ang sungit sungit nun kala mo naman kong pinag lihi sya sa kasungitan ni Tanda psh mag sama silang mga masungit.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]
Подростковая литератураBook cover credit to my precious reader : @Theworldheknows