E N C H A N T E D

20 2 0
                                    

Isang litrato ang nahulungkat ko sa facebook account ko. First picture namin na nakuhanan noong July.

Hindi pa uso ang cellphone na may front camera dati. Nakakatuwa nga, ang bata naming tignan doon eh. Yung mga panahong yun, hindi pa kami gaanong magkakilala dahil nagmula ako sa pangalawang seksyon, samantalang siya naman ay nasa first section. Kumbaga "getting to know each other" ang peg namin. HAHAHAHAHA.

Naalala ko pa yung convo namin bago siya magpapicture...

"Uy tara picture tayo!" masayang sabi ko, sabay click.

"Ehh!! Wag mong takpan ang mukha mo, blurred tuloy." sabi ko ulit at hindi ka pa rin nagsasalita.

"Sige na pleeeeeease. Birthday ko na bukas eh, pagbigyan mo na ako." tapos ngumiti ka sa camera.

Ang ganda ng mga ngiti mo non, alalang-alala ko pa. Pinagbigyan mo ako, pero ang totoo, binibiro lang kita na birthday ko para magkaroon ng picture kasama mo. Kamukha mo kasi yung crush ko sa favorite kong anime.

--

Ang bilis ng panahon, lumipas na rin ang ilang buwan simula ng maging magkaklase tayo. Masasabi kong close naman tayo kahit papano.

May practicum na kasama kita sa grupo. Kayong dalawa ni Beehon ang pinagka-leader namin noon. Ikaw namang ang naga-arrange ng pwesto.

Tinutukso na tayo sa isa't-isa noon kaya medyo naiilang ako sa iyo, ganoon ka rin naman sa akin. Inaasar nga ako ni Joyce kasi noong inilalagay mo sila sa pwesto nila, hinahawakan mo sila, samantalang ako? Tinuro mo nalang kung saan. Ewan ko pero umakyat yung dugo ko sa mukha ko nong mga panahong yun, gusto kong sumabog pero nanahimik nalang ako.

--

Tayo ang magkapartner sa sayaw na iyon, mas lalo tuloy tayong inaasar. Hmm, kalalaki mong tao pero shy type ka, pero ako? Parang di ko madalas ginagamit yung isip ko eh, may sarili yatang utak yung bibig ko. Pero kahit gaano ako kadaldal non, tahimik lang ako. Lalo na't nasa harapan kita. Kapartner kita, masaya na sana eh kaso di ako marunong sumayaw.

Tandang-tanda ko pa noong nagkamali ako sa mga steps natin. Totoo pala yung parehong kaliwa ang paa, napatunayan ko sa sarili ko.

Magkaharapan ang bawat magkapartner habang magkahawak ang kamay. Kung aabante ako, aatras ka. Ganon din kapag ikaw yung umabante, aatras ako.

Tuloy lang ang pagbibilang natin, wala pang halong music kasi tinatapos pa natin yung mga steps. Namememorize ko naman na...

Aabante ka, aatras ako

Aabante ako, aatras ka

Aabante ka, aatras ako

Aabante ako, aatras ka

Aabante ka, umabante din ako

Nabigla ako...

Nauntog ako sa dibdib mo kasi nga matangkad ka, natigilan ako, hanggang sa unti-unti kong inangat ang ulo ko...

Ramdam ko ang pangangamatis ng mukha ko nong mga panahong yun, napatitig lang ako sa mata mo at ganon ka rin...

Natigilan tayo pareho, natigilan din ang mga kasamahan natin at nakatitig na sila sa atin pareho...

Yung asar sa akin ng mga barkada ko non "dalaga" na daw ako at proud sila sa akin. Kung anu-anong kalokohan ang sinasabi nila.

Pati yung "ayiiiiiie" nilang naririnig sa buong quadrangle.

--

Hindi ako hopeless romantic pero bakit noong time na yun, bakit parang may magic?

Siguro kasi nga kamukha mo yung anime na crush ko kaya ako na-attract sa iyo.

ENCHANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon