The Meeting.

70 3 2
                                    

Matatawa ba kayo pag sinabi kong No Girlfriend Ako Since Birth? . 


Oo "NO GIRLFRIEND AKO SINCE BIRTH" CAPSLOCK NA YAN PARA DAMANG DAMA MO.



Wala kasi talaga akong hilig sa Love. 


Hindi ko nga Alam Kung paano Manligaw. 


Hindi ko Alam kung paano Manuyo ng Babae.


Hindi ko Alam ang Feeling ng may Minamahal at may Nagmamahal. 


Tuwing Valentines day? Wala ako sa school At wala akong Pakealam sa mga Couple na Nag eeffort para Masurprise yung Mahal nila.


 In short "WALA AKONG PAKEALAM SA LOVELIFE"


PERO YUN ANG AKALA KO HANGGANG SA.........



"Kikooooooooooooooo! First day of School Nakahilata ka pa rin?  ". Bumangon ka na dyan at Malalate ka na sa School. Lintik na bata to Napakatamad talaga.



 Yan ang Napakagandang GoodMorning Message ni Lola Sakin. Gaganahan ka talaga Pumasok diba? -_-




Araw Araw kaming Nag aaway sa Oras ng paggising ko. Late na rin kasi ako Nakakatulog. Mahilig kasi akong manood ng Midnight Movies. Ang sarap kasi manood pag Madaling araw. Tahimik lang yung paligid . Mas sanay kasi ako sa Tahimik na paligid kaya never din ako nagparty o nanood ng mga Bwisit na Maiingay na banda. 



Kahit sino naman kasi Tatamarin sa First day of School. Puro lang naman Tell me About yourself and Reunion with your Former Classmates lang. Syempre hindi mawawala yung Nametag na mula bahay nyo hanggang school Suot suot mo. -_________-



Ako nga pala si Kiko Alcantara . 


4th yr. High School sa Olongapo City National High School. Suplado. Leader ng mga barkada lalong lalo na sa Kalokohan. Malakas mantrip pero madaling maasar pag pinagtripan.Sanay sa tahimik na lugar at Sanay mag isa. At higit sa lahat Miyembro din ng samahang NGSB(NO  GIRLFRIEND SINCE BIRTH).


Maraming nagtataka kung bakit Wala akong Pinapakilala. (Meaning Wala akong girlfriend). No Girlfriend ako Since Birth. Marami ngang nagsasabi na Good Looking ako Pero nagtataka sila kasi wala pa akong napapakilala sa kanila kahit isang babae. Akala nga nila Bakla ako kasi never akong nagkaroon ng kaholding hands at nakadate tuwing Valentines day.


Sa totoo lang Wala kasi talaga akong Interes sa Lovelife. Hindi ko nga Alam kung Marunong akong magmahal kasi Never Akong Nanligaw at Never akong nagtapat sa babae na may nararamdaman ako sa kanya. 


Minsan Tinatanong ko sa sarili ko kung "Bakla ba ako?". 


Pero hind eh. Nagkakagusto ako sa babae Pero Hindi ko kayang magtapat sa kanila. 


Kasi Natatakot ako. 

My SomedayWhere stories live. Discover now