Sabi nila mahirap magmahal ng jowa ng iba. Sabi ko naman mas mahirap magmahal ng baklang sirena.
Ako si Achelois Zephyr T. Miranda, isang dyosa. Maraming nagsasabi na maganda raw ako, pero bakit walang nagkakagusto sa akin?
At sa kabila ng kagandahang taglay ko, ay wala pa akong karanasan sa pag-ibig. Wala ngang nagkakamali 'diba?
Pero, may tao akong gusto at 'yon ay ang aking Boss. Ang dyosa raw ng lahat ng dyosa. The queen of all queens kumbaga.
Simula ng magtrabaho ako sa kanya as his secretary, doon ko naranasan ang iba't ibang emosyon na hindi ko pa nararanasan noon.
Kapag nakikita ko siyang good mood natutulala nalang ako, yung tipong bumubukas ang langit, at nagsasayawan ang mga anghel.
Pero, kapag nakikita ko siyang bad mood, pakiramdam ko ay biglang bumubukas ang lupa at iniluluwa nito si Satanas.
Yung pagdating niya sa buhay ko, parang hurricane lang. Walang pasabi, basta nalang manggugulo at mambubulabog sa puso kong natutulog.
Bwisit na buhay 'to. Minsan na nga lang magmahal, sablay pa! Pero, hindi ako magpapatalo, may plano ako. At ang plano ko ay...
"Operation: Seducing My Gay Boss"
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
General FictionIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...