Ano ba yan nakakatamad naman ang araw na 'to! Kung may trabaho lang sana ako, edi sana hindi ako nakatunganga ngayon dito sa apartment na tinutuluyan namin ni lola.
Haaay! Ang buhay talaga ay parang life.
By the way, let me introduce myself. I am Achelois Zephyr T. Miranda, 20 years of age. Maganda, matalino, masipag, mabait, at magalang daw ako sabi ng aking ama't ina.
Dati akong nag-aaral sa Thoren University. Actually, 3rd year college na sana ako, kaya lang tumigil ako sa pag-aaral simula nang mawala si mama at si papa. Namatay sila dahil sa isang car accident.
Gustong-gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin kay lola. Naaawa na kasi ako sa kanya, kasi siya yung nagtatrabaho para sa aming dalawa. Para may makain kami araw-araw. Kahit na laging sumasakit yung likod niya, at yung mga paa niya ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho para sa akin.
"Lola, ako na po ang maglilinis niyan. Magpahinga na po kayo, alam ko pong pagod na kayo e." Sabi ko kay lola.
"Salamat, apo. Napakaswerte ko sa'yo." Hawak-hawak ni lola ang aking mukha ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
"Wala po iyon. Atsaka, mas maswerte po ako sa inyo. Maswerte ako kasi kayo ang naging lola ko." Sabi ko kay lola, saka ko siya inalalayan humiga sa kama.
"Mahal na mahal kita, lola." Mahinang sambit ko, at hinalikan siya sa kanyang noo bago ako lumabas ng kwarto.
Simula nang mamatay si mama at si papa, siya na ang tumayo bilang magulang ko. Kaya gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng paghihirap na ginagawa niya.
Mahal na mahal ko si lola, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. At hindi ako papayag na hindi ko maibigay kay lola ang kaginhawaan na nararapat para sa kanya.
Kaya ito ako ngayon, naghahanap ng mapapasukang trabaho. Kahit anong naman kaya ko. Kahit gaano pa kahirap 'yan. Kahit ano, kakayanin ko para kay lola.
Pero, mukhang may balat yata ako sa pwet e, kasi naman halos dalawang linggo na rin akong pagala-gala dito sa Maynila kahahanap ng mapapasukang trabaho, pero wala. Nganga pa rin ako hanggang ngayon.
Tulad ngayong araw, nandito ako sa loob ng Mall para maghanap ng mapapasukang trabaho, and you know para makapagpalamig na rin. Ang init kasi sa labas e.
Palakad-lakad lang ako dito nang biglang may papel na dumikit sa mukha ko. Anak ng tipaklong nga naman oh! Mukha bang basurahan 'tong mukha ko?
Subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko na isa pala itong flyer.
Naghahanap daw sila ng pwedeng maging secretary ng isang Chief Executive Officer (CEO). Nakalagay din dito ang number at address ng company.
Baka ito na yung sign na matagal ko ng hinihintay!
Pinagkrus ko ang aking mga palad sabay sabing, "Lord, thank you talaga! Kayo na pong bahala sa akin. Hindi ko na palalampasin 'to. Sana matanggap ako."
Saka na ako lumabas ng mall nang may malawak na ngiting nakapaskil sa aking mga labi.
*AKD COMPANY*
Nandito na ako ngayon sa harap ng company.
"Good Morning, Ma'am." Bati sa akin ni manong guard.
"Good Morning din po." Magalang na sagot ko naman sa kanya.
"Anong sadya nila?"
"Ah, nakita ko po kasi itong flyer naghahanap daw po ng bagong secretary yung CEO ng company na 'to. Saan po ba ako pwedeng magtanong regarding this thing?" Sagot ko naman kay manong guard.
"Ah, kay Ms. Cristel Manabat po kayo magtanong. Diretsuhin niyo lang po ang pasilyo, tapos po kumanan kayo. Makikita niyo po siya doon." Nakangiting sambit nito sa akin.
"Sige po. Maraming salamat po." Saka na ako umalis at sinunod ang sinabi niyang direksyon sa akin.
Hindi pa naman ako i-interviewhin pero, kinakabahan na agad ako. Pagliko ko sa kanan halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko inexpect na ganito kadami ang gustong mag-apply bilang secretary. Lahat nga yata ng kasarian ay makikita mo rito. May lalaki, may babae, may bakla, at may tomboy.
Kung ganito kadami ang mag-aapply, may pag-asa pa kayang matanggap ako? Lalo na at mukhang may mas pinag-aralan ang ibang nandito kaysa sa akin. Yung iba naman mukhang galing pa sa mayayamang angkan, paano kasi yung suot nang ibang babae ay formal attire; blouse, pencil skirt, and heels. Yung ibang lalaki naman naka long sleeves na polo. Samantalang ako ito, nakasuot lang ng simple white-shirt, jeans, and rubber shoes.
Hindi ko naman kasi alam na ngayon na rin pala ang mismong interview portion. Akala ko kasi basta lang magpapasa ng requirements. Then, sa susunod na araw nalang ang interview. Malay ko ba na atat silang humanap ng magiging secretary ng CEO.
At sa nakikita ko ngayon, kahit yata 1% wala akong pag-asa na matanggap bilang secretary dito e.
Napakahirap talagang makipag-sabayan sa mundong ginagalawan natin ngayon. Lagi nalang may-advantage ang mga mayayaman, at ang mga mahihirap naman ay laging nasa laylayan, yung tipong walang magawa kumbaga.
Ganoon yata talaga e. Bakit kasi hindi nalang pantay-pantay ang social status ng mga tao? Minsan napapaisip ako, ano kayang pakiramdam maging mayaman?
Masaya ba?
Malungkot ba?
O sakto lang?
Minsan kasi may nakikita akong mayayaman na tao pero hindi naman masaya, tapos yung ibang mahihirap naman masaya. Ay! Ang gulo.
Bakit kasi ang unfair ng mundong ginagalawan natin e.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
Художественная прозаIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...