"Okay class dismiss"
Hay salamat napabuntong hininga nalang ako matapos ng isang araw na puro discuss,sulat,linis at practice
"Marj!"
Napalingon ako nung tinawag ako ni Cheryl. 2nd cousin ko
"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang inaayos Ang color black and white na shoulder bag ko
"Sasabay KA kanila Kevin?" Tanong niya pabalik
"Hindi ko rin alam. Baka hindi yun maglalakad ngayon narinig ko kasing naayos na daw Ang motor ni Gelyn" sagot ko at sinuot na Ang aking bag
"Tara daanan natin. Sasabay kasi ako sayo. Wala kasi yung motor tumawag si papa dinala daw ni kuya. Pupunta daw sila ni ate Em yung girlfriend niya Tagbilaran" pagpapaliwanag niya at sumunod sa akin na lumabas ng room
Ang dami na ring mga estudyante sa field. Uwian na kasi at sa tingin ko ay Hindi pa nabubuksan Ang gate dahil nandito pa nakatambay Ang halos lahat na estudyante.
"Ganun ba ? Tara punta tayo sa room nila"
"Kambal!!!! Saan kayo pupunta" pahabol ni Trixie kambal/bff ko.
Huminto kami ni Cheryl sa paglalakad at pumunta sa harap ng library kung nasaan sila. Nasa harap na kasi kami ng canteen nun na katabi ng library huling building malapit sa gate. Kumbaga doon kami tumatambay pag hindi pa bukas Ang gate.
"Kabilang section, pupuntahan si kevin sama ka?" Pagyayaya ko sa kanya
"Magbubukas na Ang gate EHH" singit ni ate Tina closest friend ni Trixie. Marami silang nakatambay dito puro mga kaklase ko.
"Uyy Cheryl nasabi na ba sayo ni uncle?" Tanong ni Janice Kay Cheryl kapitbahay niya
"Tumawag siya sakin kanina" sagot niya.
"Sige punta na kami maglalabasan na sila ! Bye kambal bye! Ate Tina bye Janice! Huy yung iba Jan! Ingat kayo pag uwi!" Pag papaalam ko sa kanila
"Tara bilis" pagmamadali ni Cheryl
Nadaanan na namin yung office at itong little garden sa gilid at mga bench nalang dadaanan namin para sa classroom nila Kevin. Nang may narinig kaming usapan ng mga Grade 7 students na nakatambay dun.
"Uyyy alam mo ba yung transferee dati na gwapo dito si Joshua" girl 1
"Si Joshan Neil Tyrell ? Ohmygodddd!! Ang gwapo kaya nun!" Girl2 at tumili tili pa
"Oo nga. Alam mo ba na nililigawan niya si Loen!?" Girl1
"Luh? Paano mo nalaman? Totoo ba yan?" Singit ni girl3
"Oo naman classmate ko si loen EHH. Kanina nung lunch pumunta siya sa room may dala pang bulaklak at roses" girl1
"Ohmygoddd! Best friend pa naman YAN silang dalawa ni ate Donita ! Ate ni Joshua. Kaya siguro botong boto rin si ate Doning" kinikilig na si girl2
"Oo naman. Partner sila sa paggawa ng article sa school EHH. Pero paano yun? Diba last month nagconfess rin si Joshua Kay Marjorie?" Girl3
"Hmm oo nga EHH pero hindi naman kagandahan yun EHH compare Kay Loen. Ganda pumorma tapos panalo palagi sa mga beauty pageant sa school. Maputi pa yun compare Kay Marjorie nang grade8 na maitim tapos buhaghag pa Ang buhok! " girl1
"Aba!!" Galit na bulong ni Cheryl nakatago kasi kami sa isa sa mga puno para pakinggan sila.
"Pero! Wag KA! Ang talino kaya nun. Yun palagi Ang representative ng grade at minsan ng school sa ilang contest ! Talo pa niya grade10 kahit grade8 palang siya" girl3
"Matalino rin naman si loen ahh. Grade7 palang kasi kaya hindi masydong nirerepresentative. At mas bagay pa sila ni JOSHUA!!! AT LOEN!!! WAAHHH" girl2
"Kumpara Kay Marjorie ! Magmumukhang katulong pag naging sila. Halatang pinapaasa lang siya ni Josh-" girl1
"TALAGANG NANGLAIT PA KAYO! ABA SOBRA SOBRA NA YANG PINAGSASABI NIYO AH!!! MGA GRADE7 PALANG KAYO PERO YUNG MGA BIBIG AT TENGA NIYO ANG TATALAS NA ! INSHORT MGA CHISMOSA! DI NA KAYO NAHIYA! " pagputol ni Cheryl sa sinasabi ng girl!
"Huy Cheryl tara na! Labasan na nila" pagaawat ko sa kanya
"Ayusin niyo yang ugali niyo! Isipin niyo muna if nakakasakit na ba yang mga sinasabi niyo. Kababatang babae mga chismosa" at umalis na kami ng iniirapan ng mga babaeng yun
Hayss di ko lubos isipin yung mga ganung bagay. Parang kailan lang sinabi niya sakin ang nararamdaman niya. Sinabi niya pang kaya niyang maghintay para sakin. Gagawin niya daw Ang lahat makuha lang Ang oo ko. At aasa daw siya na magiging kami sa tamang panahon. Pero ako ata Ang umasa ng lubos. Akala ko yun na, maghihintay nalang at mag eefort siya. Pero hindi pala maling akala pala. Ang bilis niya makahanap ng iba.
Feeling ko nanghihina ako. Hayss parang gusto ko munang umupo at umiyak. Feeling ko napahiya ako sa harap ng maraming tao. Ganito pala Ang feeling pag UMASA ka at NASAKTAN. Lalo na pag FIRST TIME.