10/19/16
7:09 am
At the School GroundsNagmamadali akong pumasok kasi akala ko late na ako. Finals exam pa naman namin ngayon sa P.E. Akala ko talaga late na ako pero pag karating ko sa school, wala pa si Prof. Buti nalang kundi mababawasan pa yung grades ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, siya na agad pumasok sa isip ko. Kasi room nila ngayon sa second floor, tanaw na tanaw mula roon ang School Grounds, so malamang makikita ko siya pag lalabas siya or kung manunuod man siya samin.
Pag karating ko, nakita ko ang nga tropa ko na nageensayo ng tae kwon do at arnis. Hinati kasi ang section namin sa dalawa. Napunta kaming magkakaibigan sa arnis dahil medyo mas madali iyon kaysa sa tae kwon do.
"Aww sayang. Di mo siya naabutan. Kakapasok lang niya" sabi ni Rianna.
"Oo nga e. Nakita ko nga siyang pumasok. Lalabas din yun mamaya. Di niya ako matitiis" sabi ko ng nakangisi. Osige na ako assuming.
"Di ka matitiis nun mahal na mahal ka nun eh" - Aila
"Hahahaha wag nga kayo. Pinapaasa niyo lang ako eh. Magsitigil na nga kayo. Practice na tayo"
Sakto naman pag kaharap ko lumabas na siya sa classroom. Ang gwapo niya kapag naka chefs attire siya. Ang hot niyang tignan. So dreamy. Nagwala naman kaagad ang unkabogable heart ko. Ewan ko ba, iba talaga ang epekto niya saken. Nakita ko naman siyang tumingin saken kaya umiwas kaagad ako ng tingin. Mahirap na baka makita niya akong nagbablush.
Habang nagpapractice kami, napansin kong palabas labas siya ng classroom. Di kaya sila nagluluto ngayon? Tanong ko sa aking sarili. Tsk bahala muna siya. Iintindihin ko muna tong finals exam namin. Nagpahinga muna ako saglit at tinulungan ko naman ang iba kong mga kaklase sa arnis. Nang matapos kami, umupo muna kami at nagkwentuhan. Inaasar asar ko si Tina kasi lumabas yung "boy bestfriend" nya at nagpapapansin. Ako naman tong si todo pang asar at abot hangang tenga ang ngiti, di ko napansin na nandun siya sa pintuan ng classroom at nakatingin saken. Umiwas kaagad ako ng tingin at kunware nakikipag tawanan ako sa mga kasama ko. Grabe nakakahiya. Bumalik nalang kami sa pag eensayo.
After 36292615189 seconds, pumasok na siya ulit sa classroom. Sakto naman at kami na ang sunod na tinawag ng prof namin. After namin magperform, umupo na agad ako sa isang tabi. Inaantay ko na lumabas siya. Madalas siyang lumalabas para sumilip sa kinaroroonan namin. Hindi naman sa assuming ako ah, pero feeeling ko ako yung sinisilip niya palagi. Joke lang!
Umakyat na kami sa room namin na kung saan malapit lang ito sa room nila. Bale medyo magkatapat lang talaga room namin, two rooms ang layo nito, dahil magkabilang dulo talaga yun.
"Teka lang. Kukunin ko yung insurance ko. May hindi pa ako naisusulat dun" - Selena
Si Selena ang pinaka kaclose ko saming magkakasama. Although hindi siya ang una kong naging kaibigan dito sa school, naging close parin naman kami nung first year 1st semester dahil magkatabi kami sa Math.
"San ka pupunta babe?" Don't get me wrong hindi ako tomboy. Ganyan lang talaga ang tawagan namin.
"Kukunin ko lang yung insurance ko kay Omma" - Selena
"Sama akooooo!!"
Yung department namin ay yung unang room na pagitan ng room namin at room nila Andy. Nadismaya ako ng hindi ko siya makita doon. Sakto naman habang naglalakad ako papunta sa department namin, nakita kong umakyat si Yurie (classmate nila Andy). Tumingin siya saken sabay tumingin siya sa hagdan sa likod niya, sabay sabi ng "Oh kay bilis naman niyang bumalik". Di ko nagets yung sinabi niya pero I think it's for the guys at the stairs who was actually right behind him. Pero di ko napansin kung sino yung dalawang yun. Basta si Aron lang ang nakita kong paakyat, di ko na napansin yung kasunod niya kasi dumeretcho nako sa department.
Naghihintay kami nila Aila, Shane at Selena sa labas ng pinto ng department. Nakaharap sila sa pintuan ng room nila Andy. Samantalang ako nakasandal sa pader at nakaharap sa room namin. Para kaming mga model na naka posing doon. Nagulat ako ng biglang dumaan si Andy at nakatingin saken. OMG napatayo agad ako ng tuwid at pumasok sa department. Grabe guys sobrang obvious na ba ako?
Sumunod naman sa amin si Tina. Kinuha na namin yung papel ni Selena at bumalik na sa classroom. Bago pumasok, nag posing ulit kami sa pintuan ng room namin. Tuwing titingin sa amin si Andy, tumatayo ako ng tuwid para di niya ako makita.
"Asus. Pasimple ka pa ehh. Gusto mo tawagin namin si Andy?" - Rianna
"Hoy hindi ah! Wag nga kayo"
"Ayiiiiiieee!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw. Parang mga tanga edi napaharap naman silang lahat na nandun, pati si Andy napatingin.
Nang makaramdam nako ng hiya, naisipan ko ng pumasok sa classroom. Bigla namang nanghina yung tuhod ko. Tumama ito sa pintuan at napasubsob ako papasok sa classroom. Tumayo agad ako at rumampa papasok. Grabe nakakahiya. Nagsihagalpakan sila sa tawa sa labas, pati yung mga nasa loob tumatawa din. Nakakahiya nakita din siguro ni Andy yun. Di na ako magpapakita sa kanya.
Umupo ako sa sandalan ng upuan ng kaharap ko. Habang nakapatong naman ang paa ko sa upuan ko. Bali nakaharap ako sa direksyon ng pintuan at yung blackboard naman ang tinatalikuran ko na direksyon. Nakaupo sa upuan ko si Selena, si Aila naman nakaupo sa armchair ng katabi kong upuan at nakapatong din ang paa nya sa armchair ko. Para kaming mga model dun, pero nakaharap silang dalawa saken. Ako naman nakasilip sa salamin sa may pinto, sinisilayan an aking pinakamamahal na Andy, na nakaupo malapit sa may pintuan ng room nila.
Nagulat nalang ako ng may biglang humampas sa akin sa paa at sumampal sa akin ng sabay. Bigla akong napatingin kay Selena at Aila na gulat na gulat.
"Hoy kanina ka pa namin kinakausap!" - Selena
"Matutunaw na si Andy kakatitig mo!" - Aila
"Nag-iisip ako! Wag nga kayong ano" I pouted. Nag-iisip naman talaga ako. Nag-iisip ako kung paano ko siya kakausapin.
"Asuuuus!!!" they both said. With matching kurot pa yun.
I spent almost the whole hour just taking a glimpse of him, watching every move he makes. Natawa nga ako eh kasi nakita ko siyang sumasayaw then bigla siyang tumingin sa pinto ng room namin. Kahit na nakasara yun, feeling ko nakikita niya ako mula doon. Kasi sumayaw siya saglit then tumigil siya tapos tumingin sa room namin. Hays bakit ba iba ang epekto niya sa akin? Tsk.
To be continued ...
YOU ARE READING
My Not-So-Interesting Life
Non-FictionThis story is based on my true life experience. Don't be afraid to post down your comments. I want to know your opinion as a reader as well. Please support my story! Thank you :)