Dear, Future

9 0 0
                                    

"Manong bayad po, salamat!"

Dali dali akong lumabas sa taxi at tinakbo ang basang daan papuntang hospital. Bakit naman kasi umulan pa?! Tumigil muna ako saglit sa entrance at nagtuyo ng katawan kahit papaano. Pinagmasdan ko ang malakas na pagbagsak tubig mula sa madilim na kalangitan. 

Inayos ko ang sarili at nagtungo nasa loob. Siguradong magkakasakit ako nito, kani-kanina lang ay matindi ang sikat ng araw tapos biglang umulan ng malakas at sinabayan pa ng lamig ng aircon. 

"Oh Piper! Wala ka bang payong? Basang basa ka hija!" Turan ni Uncle Louise pagpasok ko sa kwarto. 

"Maliligo na lang po agad ako sa bahay pag-uwi, Uncle. Kumain na po ba kayo?" Binaba ko yung bag ko malapit sa hospital bed. 

"Hindi pa at sakto ang dating mo baba ako, may gusto ka ba?" I shook my head no and sat on the chair beside the hospital bed. Hindi na nagpumilit pa si Uncle at umalis na. 

"Syn? Kumusta? Hindi ka pa ba napapagod matulog? Well, you know you've been sleeping for 5 years. Happy anniversarry I guess?" tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa. 

Hey Sin, siguro kung naniwala lang ako sa nakita ko dati wala tayo dito ngayon. Sabay sana tayong pumasok sa first day natin kanina. Magkakasama sana tayo ni Tenten na pumapasok sa school. 

Limang taon na noong nagyari 'yung aksidente at hindi kana nagising pa. Last week gusto na ipatanggal ng mga magulang ni Syn ang life support n'ya iniisip nila na nahihirapan lang lalo si Syn habang tumatagal s'ya sa ganoong kalagayan. Gigising ka pa 'di ba Syn? I saw it, nakita ko na dadating 'yung araw na makakasama ka namin ulit sa lahat ng occasions. I told them to wait for you, I told them na you will wake up just give it time.

I remember exactly what you've told me in my vision. "Pipe, you better wait for me or else..." Hihintayin ka namin Syn, hihintayin kita...

"Piper...Piper.." 

"Uncle?" mabilis akong lumingon sa bintana, gabi na. 

"Kanina pa kita ginigising hija kaso masyadong malalim ang pagtulog mo." Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Humarap ako kay Uncle Louise pero sinigurado kong hindi magtatama ang mata namin. Piper, hanggang ngayon takot ka pa rin sa eye contact and I will always be...

"Pasensya na po Uncle, gabi na po pala. Mauna na apo ako sa inyo. Bibisita na lang po ulit ako sa ibang araw." Hindi  ko na narinig pa 'yung sinabi nya. Dumiretso na ako sa elevator at pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. I knew it, magkakasakit ako sa pabago-bagong panahon na 'to.

Pagdating first floor marami pa rin ang tao nakatungo lang akong nagtungo sa exit ng building, iniiwasan lahat ng mga makakaslaubong ko gamit ang malakas na pakiramdam at pagtingin sa mga paang papunta sa akin. Weird? I already used to it. Well been practicing this one since four years? Nakikipageye contact pa rin naman ako but not that much. I don't wanna burden myself with much more guilt. 

Diretso akong tumingin sa kalsada na basa mula sa pag-ulan kanina. Napaangat ako ng ulo para sipatin ang kalangitan. At kahit madilim na ang ito makikita mo pa rin ang nagbabadyang pagbagsak ng ulan. May bagyo ata. Dire-diretso akong tumawid upang makasakay ng taxi pauwi. 

Ramdam ko na ang bigat ng pakiramdam ko at bago pa man ako makatawag ng taxi may bumangga sa akin na dahilan nang pagbagsak ko sa maputik na lapag.

"Nako po! Miss pasensya na!" Hinawakan n'ya ako sa magkabilang braso at sinubukang itayo. 

Dahil sa mabigat na pakiramdam naihrapan akong ibalanse ang katawan ko. Nag-angat ako ng tingin at nagpang-abot ang aming mga mata.

"Pasensya kana talaga miss hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako! Miss, okay kana ba? Miss?"

Dumagundong sa aking tenga ang malakas na  busina ng isang sasakyan. Masyadong mabilis ang pangyayari naabutan ko na lang na may maraming tao sa tawid ng kalsada habang pinagmamasdan  ang taong nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo.

"Miss?" 

"Miss may masakit ba sa'yo? Halika magpatingin tayo, wag kana umiyak." 

Hindi. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko yung vision ko. 

I collected my self and tried my best to balance my body. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. "Okay lang ako Sir, di-dito ka muna nahihilo pa ako." Please, stay. Kahit ikaw man lang maligtas ko.

"Pasensya kana pero nagmamadali pa ako, hinihintay ako ng anak ko sa hospital." Bago pa syang tuluyang makaalis sa tabi ko mahigpit kong hinawakan ang braso nya. " Miss, ano-" 

Sabay kaming napatingin sa stop light na nagpalit na ng red. Pareho kaming nagulat sa busina ng sasakyan at malakas na kalabog na parang may nahulog kung saan. Paglingon namin sa kabilang kalsada nagtatakbuhan na ang mga tao papunta sa taong nabundol. 

Nanghina ako. Nailigtas ko s'ya pero may iba namang nasagasaan.  Pinanood ko ang pagmamadali ng nurse at doctor upang masaklolohan yung taong duguan sa harap ng hospital. 

Bakit? Mali ba 'yung ginawa ko? Dapat ba hinayaan ko na lang ang dapat mangyari? Ano? Ano bang dapat kong gawin? Meron ba? Meron pa bang ibang magagawa? 

"Diyos ko! Muntik na ako ron kung hindi dahil sa- miss? miss! miss!" 

Kung hindi dahil sa akin ligtas ka... akin wala kana...










Hi! Thank you for reading the first chapter to my first story, will update soon!

And for now, please make good choices! 






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear, FutureWhere stories live. Discover now