Bakit Mahal pa rin kita? (NashLene one-shot)

4.3K 104 24
                                    

NashLene short story.

Pakinggan muna ang kantang "Bakit mahal pa din kita ni Erik Santos" (Medyo KANLS ang peg nito)

----

Nash's POV

It's been two months simula nung naging kami ni Alexa. At two months na din nung naghiwalay kami ni Shar. Pinagpalit ko siya, mas pinili ko ang babaeng akala ko makakapagpabuti sa akin. I hurt her, sinaktan ko siya ng sobra.

Naglalakad kami sa park ni Alexa nung nakita ko si Sharlene, nakangiti na siya at ang saya-saya niya, then i saw a guy, someone familiar, baka schoolmate ko. Then i felt something that tugged my heart. SHE'S HAPPY, AND NOT WITH ME.

"Babe nakikinig ka ba?" Biglang sabi sa akin ni Alexa

Nagulat ako, halos nakalimutan ko na na may kasama pala akong iba.

"Huh? Ahm sorry, may iniisip lang ako" sabi ko na lang

"Are you ok? Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong niya ulit.

Napapikit ako. Why am i hurt seeing her with another man?

---

Nasa school kami ngayon, first day, at kaklase ko si Shar at yung lalaking kasama niya noon sa park. Nalaman kong Jairus ang pangalan nito at nararamdaman kong may namamagitan sa kanila. Alam kong mali pero ayokong makita sila na sweet sa isa't-isa, nasasaktan ako.

"Hi Nash" bati sa akin ni Sharlene

Medyo nagulat ako, she hated me for what i've done before, pero ngayon parang ok na siya. Sabagay two months nadin naman.

She smiled at me and i faked one too, ayokong makita niya na nasasaktan akong nakikita siyang masaya kasama ng iba.

"Hi Shar" sabi ko naman

"Ahm Jairus, si Nash nga pala, bestfriend ko" pakilala niya sa akin

Boom! Bestfriend! yeah bestfriend ko din siya, noon. It's been two months simula nung hindi kami nagusap pero ako pa din ang kinikilala niyang bestfriend. Why on hell i left her for Alexa? What was i thinking back then?

---

"Nash ano ba problema mo?" Medyo galit na sabi sa akin ni Alexa, kanina pa kasi niya ako kinakausap pero di ko siya pinapansin. I was thinking about Sharlene, about her and Jairus.

"Alexa i'm sorry" sabi ko

"Sorry? For what?"

"I just can't Alexa, i chose you over her because i thought i would be a better person with you, pero hindi eh"

"Ako ang mahal mo Nash, hindi si Sharlene. You chose me!" medyo naiiyak na sabi ni Alexa. I don't want to see her cry but i should be honest.

"It's because i took her for granted. Akala ko kasi lagi siyang nandyan para sa akin" sabi ko

"..."

"I'm sorry Alexa, nasasaktan na kasi ako ng sobra pag nakikita ko si Jairus at Sharlene na magkasama. It should have been me, not Jairus"

"Pero Nash..." umiiyak na sabi na ni Alexa

"Mahal ko siya. It's Sharlene, it will always gonna be Sharlene. I'm sorry"

---

Nasa school kami ngayon. I want to talk to her. Naglalakad sila ni Jairus nung hinablot ko ang kamay niya, alam kong nagulat siya.

"Uy Nash" sabi niya

My world just stopped. Here i am, infront of the girl i love while she is smiling and i am holding her hands. Para akong nasa time machine, para kaming bumalik sa dati, kung kelan kami lang ang mahalaga.

"Shar kakain pa tayo"

Boom! And everything was back to normal. She was puzzled habang nakatingin sa akin. But i just can't say a word. Ngayon ko sana gustong itama ang mali na nagawa ko sa kanya noon.

"Usap na lang tayo mamaya sa uwian" sabi niya sa akin.

And i just looked at her. Walking beside Jairus and holding each others hand. Gusto ko sanang agawin ang mga kamay niya pero hindi pwede. Kasi kay Jairus na ang mga kamay niya.

Bakit kasi mahal pa rin kita Sharlene?

(Uwian)

"Uy Nash ano ba sasabihin mo kanina?" Tanong sa akin ni Shar

"Ahmm Shar may sasabihin sana ako"

"Ano yun?"

Kinakabahan ako, how can i tell her how i feel.

"Nakita kita noon sa park, may kasama ka, si Jairus. You were happy. Nalungkot ako, kasi hindi na ako ang dahilan ng pagngiti mo."

"Ano ba ang pinagsasabi mo Nash?" Alam kong di niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko.

"Shar mahal pa rin kita. Ikaw pa rin ang nasa puso ko. Kahit pa nga meron tayong iba, ikaw pa din ang mahal ko. Alam kong mali, pero hindi ko na mapigilan to. I love you Sharlene, i'm really sorry for what happened before. Sana mapatawad mo ako. We can start a new Shar, tayong dalawa ulit"

She looked at me then hugged me.

"Nash pinatawad kita noon pa, pero mahal ko si Jairus, mahal na mahal ko siya."

"Pero Shar mahal kita"

"Sorry Nash" sabi niya tapos lumayo na.

---

Si Sharlene. Ang babaeng mahal ako. Minahal niya din ako, pero nasayang lang lahat at ako ang dahilan ng lahat. I cheated on her tapos pinagpalit ko pa.

It should have been us. I should have never chosen Alexa. Dapat si Shar. Pero hindi eh, tanga ako, pinakawalan ko siya  at ngayon nagdudusa ako.

Sana si Sharlene na lang, si Sharlene na lang ulit.

Tama sila. LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bakit Mahal pa rin kita? (NashLene one-shot) 🎉
Bakit Mahal pa rin kita? (NashLene one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon