Prologue

334K 5.4K 1.8K
                                    

Natanaw ko siyang nakaupo sa damuhan habang hawak ang kanyang gitara. Napangiti ako at pinuntahan ko siya, kahit isang sulyap sa 'kin ay hindi niya magawa. Kahit na ganito ang trato niya sa 'kin ay hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Matagal ko na siyang pinapangarap. At ni minsan ay hindi ko naisipan na ibaling ang atenson ko sa iba. Alam kong darating ang araw na mapapansin niya rin ako. Na tatanggapin niya ang pagmamahal ko sa kanya.

"What are you doing here?" malamig na tono niyang tanong, kunot ang noo.

"Merry Christmas," masaya kong bati sa kanya.

"Okay," aniya at nagsimula na siyang mag-strum sa kanyang gitara.

Napanguso na lang ako. Pero okay lang 'yon, at least ay narinig ko ang boses niya. Saka tahimik siyang tao. Magtataka talaga ako kung marami ang sasabihin niya sa 'kin.

Para bang kailangang bayaran ang bawat salita niya. Kung ganoon nga, handa akong gumastos ng malaki para lang palagi kong marinig ang boses niya. Na para bang musika sa pandinig ko.

"Sabi ni Mommy ang pasko . . . nagsisimula sa pagmamahalan."

Pilit kong nilabanan ang titig niya kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko. Sa tingin ko'y sobrang pula na rin ng magkabila kong pisngi. Ang lakas talaga ng epekto niya sa 'kin. Siya lang ang nagpaparamdam nito sa tuwing nakikita ko siya.

"So?" aniya habang diretso ang tingin sa 'kin.

Ilang beses akong napalunok. Hindi ko akalain na tatagal ang titig niya sa 'kin. Gusto kong maghihiyaw sa kilig na nararamdaman pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"P-Pwede mo ba akong mahalin?" Nahihiya kong tanong, wala nang atrasan 'to. I like him so much, No. I love him so much.

"No," tugon n'ya at naglakad na palayo sa 'kin... palayo sa puso ko.

Naiwan akong tulala habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Gano'n ba ako kahirap mahalin? Bakit kasi sa kanya pa ako nagkagusto? Bakit sa kanya pa tumibok ang puso ko? Why him? Bakit hindi na lang iba..

Agad ko siyang hinabol at hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan. Napabitaw kaagad ako nang may naramdaman akong kuryente nang lumapat ang kamay ko sa balat niya. Gano'n ba ang tinatawag nilang sparks?!

"Hate me or not I'll never stop loving you. Keep it on your mind." I said at hinagkan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.

Mabilis akong nagtatakbo palayo sa kanya habang ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko rin napigilan na mapangiti sa kasiyahang nararamdaman. Sa wakas ay nagawa kong sabihin sa kanya ang salitang 'yon. Ang tagal ko rin 'yong tinago dahil sa takot na mas lalo niya pa akong layuan.

Gusto kong malaman niya na wala akong balak na itigil ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na iwasan niya pa ako ng maraming beses, siya't siya pa rin ang lalaking mamahalin ko. Hindi ko siya ipagpapalit sa iba.

Balang araw ay siya naman ang maghahabol sa 'kin. At sa oras na 'yon, ako na ang pinaka-masayang babae dahil minahal din ako ng lalaking mahal ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon