Damdamin para sa'yo
Noong nakilala kita,
Puso ko'y lumundag sa saya,
Mata'y di makatingin sa iba,
Pagkat para sa'kin ika'y sapat na.
Akala ko nadarama'y tulad ng dati,
Ngunit ako'y nagkamali.
Dahil ang sigaw ng puso ko,
Ikaw lamang ang ninanais nito.
Marinig lang ang boses mong dakila,
Ang tainga ko'y nagwawala.
Gustong pakinggan ang bawat kwento ng buhay mo,
Nag-aasam na maging parte nito.
Bawat sandali ika'y tinitingnan,
Umaasang sa aki'y may nararamdaman
Kahit kaunting pagtingin lamang
Sa aki'y langit na puno ng kasiyahan.
~~~~
Para din sa isang friend ko dati,... Ang dadrama namin nun ehh,.. Hehehhe,.. Hanggang ngayon pa rin naman,.. hahah,.. ^_^
Dedited to one of my sissy, seleena <3.. ^___^
BINABASA MO ANG
Patama kay Puso (Poems Collection)
PoesíaRandom poems na ginagawa kuh pagtrip ko lang dati at baka madadagan ngayon,... It's more about love, kasi super madrama talaga ako when it comes to love,.. hahah,.. Hope you'll read it and enjoy!! ~~Making random dedications here,.. hehheh,.. ^_^