Sharlene's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya ako ng sobra. Paano pag may makakita sa akin? Paano na lang kung hindi niya ito magustuhan?
Flashback...
"Licia bakit ba tayo nandito sa rooftop?" Sabi ni Mikayla.
Pumunta kami dito dahil sabi ni Licia may importante daw siyang sasabihin.
"Kasi nga gusto kong magkaroon ng twist ang highschool life natin! Kaya wag ka na magreklamo diyan!" Umupo ito sa tabi ni Eleanor.
"Spit it out Licia. May meeting pa kaming mga players." Sabi ni Eleanor habang sinusulyapan yung relo niya.
"Chill. Natatae lang?" Inirapan ni Licia si Eleanor at tumingin sa amin.
"I want every one of you to do one dare everyday to our stupid idiotic Heartthrobs."
Nagkatinginan kaming tatlo at tumingin ulit kay Licia.
"Are you insane?!" Sabi ni Mikayla.
Umiling iling si Eleanor at akmang lalabas na sana kaso pinigilan ko siya. "Don't leave yet."
"Wala akong oras para sa mga bagay bagay na iyan. That's damn childish."
Tumayo si Licia. "So you think that I'm childish, Eleanor? How about you hear me out first before you react."
Natahimik kaming lahat pero sumunod din naman si Eleanor at umupo sumandal sa may pinto.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Licia. "Sige, ituloy mo na Licia."
"So here how it goes."
Tinignan niya muna kami ng masinsinan bago magsalita.
"So here are the dares. Sharlene, magbibigay ka ng chocolates kay Lyndon. Mikayla, you have to make a message to Alec at kailangan lahat kami makakarinig nito pero dapat hindi ka niya mabubuking."
Tinignan ni Licia si Eleanor sa mata. "As for you Ms. Cortero, kailangan magkasama kayong dalwa ni Emerson tuwing may free time ka."
Napayuko ako sa kakahiyan. I don't want to do that.
"No! I won't give him a stupid message!" Sabi ni Mikayla na namumula na sa galit.
"Hindi pwede! Baka magalit si Alec! Isipin mo naman ang relasyon namin!" Sabi ni Eleanor sabay turo sa baba.
"Sinong tinuturo mo Eleanor?" Tanong ni Mikayla.
"Seriously, Mikayla? Seriously?" Umiling iling si Eleanor at napaupo na lang sa galit.
"Dali na guys. Para naman sa ikakabuti ng buhay natin este ninyo ito." Sabi niya habang nakangiti.
"For the better good? For—"
"What's the reason for the sudden dares, Licia?" Pagtatanong ko.
Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"I just want to make your lives back into place again. Katulad noong mga bata pa kayo. Magkakabati."
Magkakabati? Imposible na yata iyong mangyari.
Umayaw agad sila Mikayla at Eleanor. Nagsisigaw na sila at gusto na iyon itigil pero palaban si Licia kaya hindi ito nagpatalo.
"I just you guys to be the same again, is it that bad?"
Sa totoo lang gusto na talagang balikan lahat noong bata pa kami. Magkakabati.
Lumakas lalo ang sigawan nila. Nakakabingi. Hindi ko na natagalan at sumigaw na rin. Natigilan sila at tinignan ako.
BINABASA MO ANG
Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)
FanfictionIt's all about their dares that changed their lives forever.