Chapter 14.1 (LAST)

344 5 0
                                    

Chapter 14.5

»»Last 4 months««

di pa rin ako makapagisip ng matino mula kagabi, pagtapos sabihin nila Mama yon pakiramdam ko di ko na kayang mabuhay, ang hirap na 4 months ko na lang makakasama si Mae.

Hindi ko alam gagawin ko.

nagpatuloy lang ako sa pag-iisip ng biglang tumunog cp ko

tinignan ko yon, nagtext si Mae

from : Mae<3

Hi Benj!!! :') I just woke up. Punta ka dito?:) ngayon na? pwede ka ba? Wala lang I just missed you so much. :')

nung nabasa ko yon, nadurog nanaman ang puso ko. Paano? Paano ko siya maiiwan? Paano ko magagawa yon? Iniisip ko pa lang di ko na kaya.

nagreply nlng ako sa text nya

to : Mae<3

sige pupunta ako. ngayon na :)

---

nandito na ko sakanila, nanunuod lang sya at nakikipagkwentuhan lang sya, sinasabi nya madalas na sobrang saya nya kagabi na hindi sya makapaniwala na nangyari sakanya yon na pakiramdam nya wala ng bukas dahil sa ginawa ko, binibigyan nya talaga ako ng kaligayahan. Napapasaya nya talaga ako kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa nya.

nanunuod lang kami ng mga cartoons na gusto nya

ng bigla syang nagsalita

"Alam mo Benj sobrang namimiss kita kahit na kasama pa kita, ayokong malayo ka sakin. Ayokong mahiwalay ka sakin. Pakiramdam ko di ako kumpleto pag wala ka sa tabi ko, gusto ko araw araw kita nakikita, nakakasama. Wag mo kong iwan ha? Feeling ko mamatay ako pag nawala ka, pag iniwan mo ko masasaktan ako ... NG SOBRA"

bigla namang kumirot yung puso ko, Mae ... di ko rin kaya

sa mga oras na yon hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng may bigla akong natanong na kahit mismo ako nabigla sa tanong ko

"Eh pano kung umalis ako, pumunta ako sa pilipinas at kailangang doon na ko tumira. Kaya mo ba ang Long Distance Relationship?" di ko alam kung bakit ko nasabi at natanong iyon, pero mabuti siguro kung matanong ko na sakanya yon hangga't maaga para alam ko na kung anong gagawin ko...

"Kakasabi ko palang na ayokong mahiwalay ka sakin eh, na ayokong hindi ka makasama at hindi ka makita sa loob ng isang araw. Long Distance Relationship? Iniisip ko palang na mararanasan ko yon di ko na kaya e, parang ang hirap? Baka pag nangyari yun mas magandang maghiwalay nalang tayo?? Para yung sakit, paghihirap sandali lang hindi yung araw-araw. Teka? Bakit mo ba tinatanong yan? Di naman mangyayari yan diba?" nung sinabi nya yon di ko alam kung anong mararamdaman ko, gusto kong umiyak.

kesa sagutin yung tanong nya ay niyakap ko nalang sya, yakap na mahigpit na para bang wala ng bukas...

habang yakap-yakap ko sya masaya ako, para bang ayoko na syang pakawalan na gusto ko ganto nalang kami, yakap na walang bitawan na gusto kong yakap na yakap ko nalang sya hanggang sa huling oras ng buhay ko.

Nasasaktan ako. Nahihirapan, bakit kailangang mangyari to? Ang sakit.

---

nandito ako sa kwarto, iniisip ko kung anong dapat kong gawin.

naalala ko yung sinabi nya kanina, na mas mabuti nang maghiwalay nalang kami.

alam kong hindi nya kaya yon, at mas lalong di ko kaya yon. Mahal na Mahal namin ang isa't isa pero sa tingin ko, mas mabuting gawin nalang yun kesa ipagpatuloy 'tong relasyon namin na aabot din naman sa puntong maghihiwalay din kami. Na bakit pa papatagalin kung pwede namang paagahin nalang dahil dun din ang tuloy non.

Ang sakit, nasasaktan ako.

pero yun lang yung tamang gawain para di kami mahirapan pa.

isang sakitan nalang, sandaling pahirapan nalang.

Alam kong pangtanga yung desisyon ko, pero alam kong mas mabuti na'to.

Mae, paalam. Mahal kita, at kahit hindi na tayo patuloy padin kitang Mamahalin. Sana patawarin mo ko pagdating ng panahon dahil sa gagawin ko, para sa'yo din to para satin. Mahal na Mahal kita.

di ko namalayan habang iniisip ko yan, si Mae, ang problema ay tuloy na tuloy na ang pagtulo ng luha ko.

Ang hirap pala, sobra.

---

dalawang buwan na ang nakalipas, sa loob ng dalawang buwan na yon palagi na kaming nagaaway ni Mae, dahil din naman sa kagagawan ko.

dahil madalas nya kong nahuhuli na may kasamang ibang babae, sa park sa mall at kung saan saan.

Kahit labag sa loob ko yung mga nangyayari hinahayaan ko nalang, para pag naghiwalay na kami hindi na nya kaylangang manghula pa kung bakit nangyari yun.

dumating na nga rin sa point na muntik na ko masapak ni kuya DJ dahil sa mga ginagawa ko, tinatanggap ko lang lahat. Dahil sa ginagawa ko okay lang, oo masakit.

Masakit Physically and Mentally, wala akong magagawa kasalanan ko din naman to.

Ayokong sabihin kay Mae na aalis ako ng bansa, ayoko.

Ipapaalam ko nalang yun sakanya sa araw ng pagalis ko, baka sakaling maintindihan nya kung bit ko nagawa yon.

napagisipan ko na rin na next month, sa araw mismo ng monthsary namin ako makikipag-break.

pinagisipan ko na ng mabuti ang mga bagay na yan, masakit. Pero kaylangan ko iyong tanggapin.

alam kong masasaktan ko sya ng sobra. Pero huli na'yon.

One Thing (A Benjley/Drakeley Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon