Unimaginable Love (one shot)

3 0 0
                                    

*Jerard's POV*

"Bes bes! Pwede kang maging model oh! Bili ilalaban kita. Ako magmamake up sayo!! Bilii na!!" pilit ko kay Honey. Lalaban kasi yung parlor namin sa isang beauty contest. At kailangan namin ng model. And I think bagay talaga si Honey maging model!

"Ha? Saan ba yan?"

"Diyan lang. Bilii na gora na!" pilit ko sa kanya. Huhu bagay kaya siya irampa! So bongga!

"Hahaha sige ba Jerard. Pasalamat ka..."

"Pasalamat ano?"

"Ha? Wala Jerard. Sige mauuna na ako ha?" paalam niya sa akin.

And after nung pag uusap namin nalaman ko nalang na...

Gusto niya ako!!! Like eww. Ano ba yan alam niyang beki ako tapos she likes me? Huhubells  lang.

"Sabi sayo Jerard eh! May gusto yang Honey sa'yo! Ayieee~" asar pa sa akin ni Renz.

"Wala akong pake. Basta, bahala siya sa buhay niya! Hinding-hindi ko siya masasalo pag nahulog siya."

"Eh nahulog na nga eh." sabat pa ni Ysa.

"Wala akong pake." tanging sagot ko.

At matapos ng pag uusap namin na iyon, napansin namin na nasa likod namin si Honey. Nakatingin sa amin na para bang nalulungkot. Nakangiti pero halatang nasasaktan.

At sa hindi malamang kadahilanan, naawa ako sa kanya. Like I really don't know why pero ang sarap bawiin lahat ng sinabi ko. Na parang nagkakaroon ako ng pake. Pero pwe! Ayoko talaga. A-YO-KO.

*Honey's POV*

Narinig ko ang usapan nila. At tangina lang ang sakit. Pero ako 'to, Si Honey Lei Dizon, isang magandang babaeng palaging masaya lang....

Ngunit gumuho ang mundo nung nagsimulang magkagusto sa isang bakla.

Hindi ko naman talaga ineexpect na magugustuhan ko siya eh.

Sa totoo lang, bago siya, may boyfriend ako.

Pero ewan ko ba ang tanga ko. Hiniwalayan ko pa siya para lang sa isang bakla.

Pero ano pang magagawa ko? Andito na ako, umaasa na magugustuhan ng isang bakla.

Agad nalang akong pumasok at nakisama sa kanila. Nagpanggap nalang ako na di ko narinig ang mga iyon. Nagtawanan kami at nagkwentuhan nang biglang may sinabi si Jerard.

"Honey, usap tayo."

At nagsimula nanaman ang mga asar nila sa amin. Pero di ko mapigilang mapangiti kasi hello? Usap daw kami ni kras. Hehez.

"Ah ganun ba? Sige sige. Saan?" tanong ko nalang sa kanya.

"Sa kapehan diyan. 4 pm. Wag malelate ayokong maimbyerna fez ko!"

*Jerard's POV*

WHUUUT?! BA'T KO SINABI YOOON?! BA'T KO SINABING MAGKITA KAMI?! AY LITSI.

ANO NANAMAN BANG PUMASOK SA KOKOTE KO? HALA JUSKO. AASA NANAMAN YUN. AT AYOKONG UMASA YUN!

PERO WHAT'S WITH ME? PARANG ANO....

AYOKO SIYANG PAASAHIN NA WALA SIYANG PAG ASA KASI ALAM KO SA SARILI KO NA...

*Honey's POV*

Nandito na ako sa lugar kung saan kami magkikita. At nakita ko siyang malalim ang iniisip. Agad akong lumapit sa kanya.

"Jerard!" tawag ko rito

"Ehmegehd! Honey ikaw pala yan! Letse ka! Super ginulat mo ako! Kalerkey ka!"

Unimaginable Love (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon