Akala ko hindi ko kaya
Pero kaya ko pala
Nasabi ko agad sa sarili ko na
"Hindi Ko Kaya."
Pero ang malaking tanong ko
Sa sarili ko ng mga panahon na 'yon
Ginawa ko ba?
Sinubukan ko ba?
Hindi ko pa ginagawa
Hindi ko pa sinusubukan
Wala pa akong ginagawa
Wala pa akong ginagawang hakbang
Balikan natin yung mga panahong "Tayo" pa
Yung panahong masaya pa "Tayo"
Yung panahong kasama pa kita
Yung mayroon salitang "Tayo"
Ikaw at Ako
Oo "Tayo."
Ngunit nagbago ang lahat sa atin
Nagbago na rin ang salitang "Tayo"
Naglaho na ang salitang "Tayo"
Wala nang ikaw at ako
Napalitan na ng tatlong salita
"Wala Nang Tayo"
"Tapos Na Tayo"
Pero ang pangako natin
Sa isa't isa na "Tayo" lang
Ikaw at Ako lang
Wala ng iba
Pero sa bandang huli meron palang iba
Akala ko "Ako" lang
Akala ko talaga "Ako" lang
"Ako" lang ang mahal mo.
Yung sumpaang Tayo lang
Na habambuhay Tayo
Na yung salitang Tayo
Ay hindi magbabago
Hindi maglalaho ang salitang Tayo.
Pero iniwan mo na ako
Bumitaw ka na sa pangako mo
Sumuko na sa salitang tayo
Na wala na yung salitang tayo
Kasi wala ng ikaw at ako
Na umiyak ako sa harap mo
Na hindi ko kayang mabuhay
Nang wala ka
Na mamamatay ako kapag wala ka.
Pero doon ako nagkamali
Nabulag ako sa sarili kong
Pagmamahal
Binulag ako ng pagmamahal ko
Na pinuno ng pagmamahal ko
Yung puso ko ng takot
Na mawala ka sa buhay ko
Na hindi ko naisip na
Darating yung panahon na
Mawawala ka
Mawawala na yung tayo
Na hindi na mabubuo ang tayo
Ikaw mismo wala na
Sumuko na
Bumitaw na
Umayaw na
Pero ngayon masaya na ako
Na nakalimutan ko na
Ang nakaraan nating dalawa
Naghilom na yung sugat
Sa puso ko
Nawala na yung hapdi
Pero salamat sayo
Kasi natuto na ako
Na natuto ako sa sarili
Kong pagmamahal
Yung salitang
"Kaya Ko Pala"
Na wala ka sa buhay ko
Na kaya kong mabuhay
Ng wala ka.
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Kaya
AcakAkala ko hindi ko kaya, pero kaya ko pala. Akala ko hindi kayang tanggapin ang katotohanan, pero kaya ko pala. Paano ko nasabi ang salitang "Hindi Ko Kaya" kung hindi ko pa naman nasusubukan.