After class namin hindi na naka pasok si Yong at Heaven hindi ko alam kung asan sila , nandito na naman ako ngayon sa waiting shed para antayin yung driver
Si Edward nasa practice ng basketball , d ko ba nasabi sa inyo na isa lang naman varsity player ang mylabs ko , magaling siya mag basketball kaya siya yung captain medyo busy sila ngayon dahil malapit na yung sportfest
Habang nag hihintay nakita ko si Edward at yung mga kateammates niya na nag lalakad papunta sa parking lot
Ang hot talaga ni Edward sa suot nyang jersey , tumutulo pa yung pawis niya , kailan kaya dadating yung time na ako na ang mag pupunas ng pawis niya , minsan lang kasi ako manuod ng laro niya pano kasi naasar ako kay Heaven kung makabakod kay Edward kala mo asawa naimbiyerna yung face ko nakakapangit sila tingnan dati hihi
Habang nakatingin sila biglang napalingon si Edward sakin , ngumiti siya sakin dati pinapangarap ko lang yun na ngitian niya ko ngayon nangyari na salamat talaga kay Lord hihi
"sige guys una na ko ha !"sabi niya sa mga kateammates niya
"kaya pala nag mamadali dahil naghihintay pala yung reyna niya" sabi ng isa niyang kateammate
"Hi wala pa yung driver mo ?"
"Oo eh"nakangiti kong sabi
"Hmmmmm pwede ba tayo magdinner sa labas"
"Date "gosh niyaya niya ko ng Date totoo ba to
"Oo Date" bigla akong namula dahil nasabi ko pala yung nasa isip ko, ano ba naman yan Kisses baka sabihen niyang patay na patay ka kahit totoo naman hahah
"Hmmmm na ganyan ang suot mo" buti washday namin kaya naka civilian ako e siya naka jersey
"Pwede samahan mo muna ako magpalit sa bahay"
"ahh sige text ko nalang yung driver ko na wag muna ko sunduin dahil may puntahan pa ko"
Hindi ko na napansin yung oras na nandito na kami sa bahay nila
Nandito ako sa sala kasama yung mommy niya habang si Edward nasa sala na habang nag papalit ng damit
"Kamusta kayo ng anak ko mukhang nag kakamabutihan na kayo ahh"sabi ng mommy niya
"Hmmmm okey naman po"hindi ko mapigilan mag blush
"Saan ba kayo pupunta"
"Hmm mag dinner daw po"
"Naku binata na talaga yung anak ko"
"alam mo ba matagal kana niyang"
"Mommy !"sigaw ni Edward habang papunta samin
"Sorry anak hihi muntik na"
"Ha" madalas talaga ako maguluhan sa mag ina na to haha
"Wala iha enjoy niyo nalang yung date niyo ha !"
"Sige po"
"Mommy una na kami paki sabi na din kay Daddy na umalis ako ngayon"
"Okey anak Enjoy"
Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan mapangiti , ang gwapo naman kasi ni Edward sa suot niyang Polo Shirt at Pants ako naman naka Pink Dress
Dinala niya ko sa isang Restaurant ang ganda naman dito lalo na yung Garden dun kami dinala ni Edward ng waiter
"Nag pa reserve ako dito"
"Hmmm kaya pala"
Nakatingin ako sa langit ang daming stars ang gaganda nila , ang kikintab nila ang saya nila tingnan nakakagaan ng loob
"Dito talaga pinili ko kasi alam ko mahilig ka sa mga bituin"
"Paano mo nalaman"
"hmmmmm hula ko lang"
"ahhhh"
Dumating na yung waiter at tinanung yung order namin
Nagulat ako na halos seafood yung order ni Edward paborito ko kasi yun
"Mahilig ka din pala sa Seafood" tanong ko
"Hindi pero kaw diba favorite mo yun"
"Ha! paano mo nalaman"
"Madami talaga akong alam tungkol sayo"
"Hmmm kung d ko lang alam na si Edward ka iisipin kong stalker kita" nakatawa kong sabi
Siya nakatitig na naman yung titig na alam mong matutunaw ka , ang sarap talagang titigan ng mata ni Edward, hindi namin namalayan dumating na yung pagkain namin
Sobrang sarap ng pagkain iba talaga pag favorite mo akala ko dun na matatapos yun ng biglang may isang tao nag violin sa harap namin
Natuwa ako sa kanta LoveSong "Forevermore"may kakornihan din pala to tinatago si Edward hihi pero hindi ko na sinabi baka mapikon si Edward hindi pa din kasi ako sanay sa bagong
Edward ngayon"Pwede ba kitang masayaw" yaya ni Edward
"oo naman"
Habang nag sasayaw kami hindi ko maiwasan na kiligin ibang iba to sa Edward na kakilala kong laging nakasimangot, nakasigaw at naka angil sakin hindi ko na imagine na magiging ganto siya kasweet sakin
"Alam mo Edward sa imagination ko lang to nangyayari"
"Simula ngayon Kisses lahat na to totoo at hindi na kita sasaktan pagkatiwalaan mo lang ako"
"oo naman kahit gumawa ka man ng kasalanan sakin sa mga susunod na araw ngayon palang pinapatawad na kita ganun kita ka gusto Edward" nakatingin kong sabi sa kanya
Hindi na niya ako sinagot pero nakatingin lang siya sakin parang ang lalim na naman ng iniisip niya , minsan talaga ang hirap niyang basahin
Nag sayaw kami na hindi inisip yung nasa paligid namin sana hindi na to matapos malalim na talaga yung nararamdaman ko kay Edward sa sobrang lalim hindi ko alam kung makakaahon pa ko , sana dumating din yung oras na masabi niya sakin na gusto niya din ako siguro kumpleto na yung buhay ko pag nagyari yun pero sa ngayon masaya na ko sa nangyayari samin dalawa
**********************
Keep voting Kisses Guys
BB Kisses send to 2366
1vote per sim per day
BINABASA MO ANG
Denial King Meets Beauty Queen
RomanceThis story is all about Kisses and Edward (KissWard)