Chapter 14.2 (LAST)

360 7 5
                                    

Chapter 14.5

today is July 5.

at oo, ito yung araw na pinakakinatatakutan ko.

na may mangyayaring di maganda na kahit kailan di ko pinangarap mangyari.

10am palang pero tinext ko na si Mae.

di na kami nagaway this last 2 weeks, ginawa ko nalang special ang lahat ng araw na yon. Kahit sa huling pagkakataon naman ay may good memories padin kami.

to : Mae<3

Hi MaeMae ko?:) Gising ka na ba? I love you! Mamaya 5pm kita tayo sa park kung saan ko inamin lahat ng feelings ko para sa'yo. Haha! Basta Mae kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita ng sobra! Walang salitang makakapagpaliwanag kung gano kita kamahal. Basta gusto ko palagi kang masaya. I love you! :)

send!

maya maya tumunog yung cp ko

may nagtext

from : Mae<3

sige, bakit? I love you too! ano nakain mo at parang ang lalim ng nga sinasabi mo. opo tatandaan ko po yon I love you too rin po sobra.

di ko alam kung ano sasabihin ko sakanya kaya hindi na lang ako nagreply.

--

4pm na, nagayos na ko. Hinahanda ko na yung sarili ko.

tumawag na rin ako kay Drake para sabihing uuwi na ko next month sa pilipinas, unang una nyang tinanong ay si Mae. Di ko nalang sinagot yung tanong nya masyadong mahabang usapin pa yon. Saka ko nalang ikukwento pag nakauwi na ko sa pilipinas.

humingi ako ng sign sa taas na pag umulan ngayon habang nandito pa ko sa bahay ay di ko ito gagawin at hahayaan nalang na sapitin namin namin ang LDR at pag hindi umulan hangga't nandito ako sa bahay ay gagawin ko to, ang naging desisyon ko.

pero tignan mo nga naman ang tadhana, napakadilim na ng langit at nasa bahay pa'ko ni isang patak wala.

maya maya pag-tingin ko sa orasan ay 4:40 na kaya nagmadali na akong pumunta sa park

nasa kalagitnaan pa lang ako ng daan ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, naiinis ako.

siguro nga kaylangan ko talagang gawin to.

pag-dating ko sa park nakita ko agad si Mae na nakasilong sa isang bubongan duon.

kaya ko ba talaga to?

---

ngayon nandito sya sa harap ko.

masyadong tahimik, ng biglang basagin ni Mae ang katahimikan.

"Benj, bakit mo ko pinapunta dito? Happy Monthsary nga pala!" sobrang saya nya habang sinasabi yan sa'kin

gusto kong umiyak.

"M-mae" sabi ko "sorry kung gagawin ko t-to" di ko kaya pero kailangan "Break na tayo"

nadurog yung puso ko pagkasabi ko non

"Pero Benj? Diba walang iwanan? Diba mahal mo ko? Wag mo naman akong iwan oh? Gagawin ko lahat para sa'yo lahat ng gusto mo, luluhod pa ko sa harap mo" tapos lumuhod sya sa harap ko "Benj, please? wag ganito mahal na mahal kita! sobra handa kong gawin lahat para sa'yo Beeenj! Mahal na Mahal kita!!!" yung boses nya nagmamakaawang umiiyak na.

di ko na lang sya pinansin kahit mahirap at masakit tumalikod ako sakanya para umalis pero bago ako umalis nagsalita muna ako

"Shirley, PAALAM"

at naglakad na ng tuluyan

narinig kong sumigaw sya

"BENJ PERO SINABI MONG HINDI MO AKO IIWAN BENJ! MAHAL NA MAHAL KITAAA! WAG MO KONG IWAN PLEASE!!!!"

di ko yon pinansin, nasasaktan ako. Gusto ko ng mamatay.

nahihirapan ako, bwisit! bakit ba kasi kailangan pa tong mangyari!?

huminto ako sa paglalakad

may nakita akong malaking puno at nagtago ako don, gusto kong sundan si Mae pauwi baka kung anong mangyari saknya.

sinilip ko lang sya, nakaluhod parin sya doon.

Galit ako sa sarili ko, bakit ko ginawa saknya ang mga bagay na to. Lintek nasasaktan ako. Bakit kailangang mangyari to!?

maya maya may kotseng dumating, nakita ko namang bumaba sa sasakyan si Kuya DJ at dalidaling pinuntahan si Mae kasama nya pala si Ate KC.

walang kaalam alam yung dalawa sa plano ko kahit sila Mommy ako lang yung nakakaalam.

nakita kong sinakay na nya si Mae sa sasakyan nya at sumakay narin si Kuya DJ.

umandar na ito at habang papalayo ito sabay din ng pagtulo ng luha ko

"Mae, mahal na mahal kita. Paalam. Kailangan ko lang talagang gawin to para sayo."

--

11 na ng gabi ng umuwi ako, galing ako sa bar uminom lang ng kaunti.

pagpasok ko sa bahay nandun si Kuya DJ at tatanungin ko palang kung bakit sya nasa-amin e bigla nya na kong sinuntok dahilan ng pagbagsak ko sa lapag.

"Sira Ulo ka bakit mo ginawa yo.? Hayop ka! Benj naman! Diba sabi ko sayo wag mo syang sasaktan pero anong ginawa mo!? t%&g@na naman Benj!? Ang lakas naman ng loob mo para gawin yon!!"

galit galit si Kuya DJ. Expected ko narin na mangyayari to

di ko namalayan pero naiyak na lang ako

"Kuya DJ please let me explain"

pumayag naman si Kuya DJ, nakwento ko sakanya lahat lahat lahat lahat.

nagalit sya sa naging desisyon ko bakit daw hindi manlang ako humingi sakanila ng payo, wala na okay na what's done is done. Tapos na to e, nagawa ko na

isa nalang hiniling ko kay Kuya DJ na wag na wag nyang sasabihin kahit kanino tong napagusapan namin, sabihin nalang nya kay Mae sa Aug. 6 na nakaalis na ko ng bansa.

Goodbye MaeMae ko! Mahal na Mahla kita.

Pinapangako ko sa sarili ko na ikaw ang una't huli kong mamahalin. Ikaw yung magiging first at last girlfriend ko. Hahanapin kita soon. I Love you. Goodbye.

One Thing (A Benjley/Drakeley Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon