Matagal ako nakatitig sa screen ng phone ko. Hindi ko alam kung magrereply ba ako. Pero bakit kaya magtetext itong si Aldrin ng ganitong oras? Ano kayang meron?
Nagreply ako, "oh? Bakit? May ginawa ka na namang kalokohan noh?"
Pababa na ako ng jeep malapit sa bahay namin nang tumunog uli ang phone ko.
"Hahaha.. kalokohan agad? Sige na...please...??? Saka miss na kita Ma'am.. :)"
Napangiti ako at kinilig sa reply. Ayan ka na naman Sam.. kinikilig ka na naman sa lalaking yan. Tumigil ka na nga dyan. Nagreply ako sa kanya.. "sige, saan ba? Saglit lang ah gabi na may pasok pa ako bukas"
After a minute nagreply na si mokong. "Oo kahit ihatid pa kita eh.. sa Jollibee tau magkita malapit na ako.. see you!! :)"
Sumakay uli ako ng jeep papuntang Jollibee. Ano kayang meron at bigla bigla nag-aya makipagkita ito. Last namin paguusap, last month pa. Then biglang magpaparamdam siya sa akin? Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Pagdating ko ng Jollibee, nakita ko agad si Aldrin kinawayan aq at ngiting ngiti. Lumabas na naman ang dimples niya. Nakaorder na rin siya ng pagkain namin. Alam na alam talaga niya na spaghetti ang gusto ko at burger yum.
"Anong meron at bigla kang nagparamdam after a month ng pananahimik mo? Hmmm?"
"Sorry na.. eto na nga at babawi ako sayo eh.." nakangiting sabi niya
"Masaya ka ata? Anong meron?" Sabi ko habang hinahalo ang spaghetti.
"Naaalala mo ba yung kinwento ko sayo about dun sa kaofficemate ko na crush na crush ko? Kami na!!!"
Napatigil ako sa paghahalo ng spaghetti. Yung pakiramdam ko ng mga oras na yun parang paulit-ulit sa pandinig ko na naririnig ang salitang "Kami na" 'na sinambit niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Uy! Bakit wala kang reaksyon sa sinabi ko?"
"Ano nga uli yun? Nadistract kasi ako dun sa magjowa sa kabilang table eh..sobrang sweet kasi" palusot ko sa kanya.
"Sabi ko kami na ni Jennifer.. Kaya hindi ako masyado nagpaparamdam sayo noon dahil sobrang binuhos ko ung oras ko sa kanya sa panliligaw eh. Ayun! Kanina sinagot na niya ako at ikaw ang una kong sinabihan nito dahil ikaw ang BESTFRIEND ko..."
'Ikaw ang bestfriend ko...ikaw ang bestfriend ko..ikaw ang bestfriend ko'
Parang sirang plaka na paulit ulit ko naririnig ang linya na yun.
Uy Sam.. kumalma ka. Dapat hindi ka mukhang apektado. Umayos ka girl!
"Ooohhh talaga? Buti naman kung ganon... or... baka naman isa na naman yan sa mga babaeng papaasahin mo. Sinasabi ko sayo Aldrin Alonzo, baka makarma ka."
"Uy! Grabe ka sa akin. Hindi na. Dati, oo, aminado naman ako na hindi pa ako seryoso dun sa mga kinekwento ko sayo noon. Kaya nga hindi ko nga sila pinakikilala sa amin at kahit sayo eh. Pero si Jennifer... I never felt this to other women. Pakiramdam ko siya na talaga. And I am planning to introduce her to my family and even to you. Para san pa at magkaibigan tayo diba?"
Kitang kita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa mga oras na yun. Habang ako ay nakangiti sa kanya pero deep inside nagwawala na ang puso ko sa sakit. Akala ko okay na ako. Yun pala... may tama pa rin pala. At ang sakit sakit.
"Well...what can I say? I'm happy for you. Dapat ko na makilala si Jennifer para sabihan siya na bumili ng helmet baka matauhan siya hahahaha". Pinipilit ko maging masaya sa harapan niya sa mga oras na ito.
"Oo naman! Sasabihan kita kung kelan. Ikaw? May nagpaparamdam na ba sayo?" Tanong ni Aldrin sa akin.
"Sa akin? Nako! Wala kahit amoy kandila man lang wala talaga...saka...wala pa sa plano ko ang pagboboyfriend. Darating yan...soon"
"Hmmm baka naman hindi ka pa rin nakakamove on... may tama pa rin ba?"
"Huh? Tama? Kanino? Bakit?" Natataranta kong sagot sa kanya.
"Dun sa ex mo na criminology student? Kamusta na ba yun?"
"Ahhhh diba kinwento ko sayo na pulis na siya ngayon ay may asawat anak na... nakalimutan mo ba or hindi mo ko pinapakinggan nung kinekwento ko un sayo?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Ay oo nga! Sorry na alam mo naman ako makakalimutin na rin hehe"
"Busy ka kasi sa mga babae mo". Pabulong kong sabi
"Ano?" Tanong ni Aldrin
"Ahh wala sb ko gabi na uwi na tayo."
"Ay! Oo nga. Tara! Hatid na kita sa inyo." Alok niya sa akin
"Wag na... saka pwede naman ako magtricycle para deretso na sa bahay. Ok lang ako. Uwi ka na baka ikaw pa ang mapano. Kaya ko na ang sarili ko."
"No! Ihahatid kita at ayoko masisi ng mama mo pag may nangyari sayo".
"Aldrin.. okay lang ako. Kaya ko na ang sarili ko so wag mo na ako ihatid. Okay?"
"Okay. Sige. Thanks nga pala sa time mo ah. See you soon"
"Bakit? Kelan tau magkikita?"
"Diba pag ipapakilala ko na sayo si Jennifer?"
"Ahhh...sure! No problem basta pasok sa schedule ko"
Inantay niya ako makasakay ng tricycle bago siya sumakay ng jeep papunta sa bahay nila. Sa tricycle ko nagawang ilabas lahat ng sakit na kanina ko pa itinatago habang kausap siya. Akala ko handa na ako sa araw na ito. Dati okay lang sa akin ang mga kinekwento niya na babae pero iba ngayon. Alam kong this time seryoso na siya kay Jennifer. Sobrang sakit. Hindi ko masabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
Pagdating ko ng bahay, patay na ang ilaw. Buti na lang at tulog na sila nanay at ang mga kapatid ko. Dere-deretso ako sa kwarto at doon ko nilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
"Ngayon Sam...alam mo na kung sino ka lang ba talaga sa buhay niya. Siguro naman titigil ka na sa kakaasa sa kanya na makikita ka niya bilang isang babae na mamahalin niya. Kaibigan ka lang niya and you need to accept that! So you can finally move on with your life". Ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin sa aking kwarto.
------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang dalawang buwan.
"Sam... ang tagal ko nang nanliligaw sayo hindi mo pa rin ba ako sasagutin?". Tanong ni Kent habang nagpapacute sa harapan ko
"Hahaha.. hindi nga? Nanliligaw ka nga?". Biro ko kay Kent
"Ito naman oh. Hindi pa ba obvious yung mga ginagawa ko sayo? Sam... kung anuman ang dahilan kung bakit parang takot na takot kang magmahal.. promise ko sayo na aalisin ko lahat ng takot na yun...hindi ako magbabago. Araw araw pa rin kitang liligawan. Please???". Nagmamakaawang sagot ni Kent.
Tinignan ko si Kent. Natutuwa naman ako sa lahat ng efforts na ginagawa niya para lang mapatunayan niya na malinis naman intensyon niya sa akin. Almost two months ko na rin hindi nakakausap si Aldrin. Mukhang masayang masaya na talaga si Mokong sa lovelife niya. Last time kami nagkita pinakilala na niya sa akin si Jennifer pati sa pamilya niya. Maybe its about time tutal nasa stage na ako ng acceptance sa moving on process. Yup, tanggap ko nang hanggang magkaibigan lang kami ni Aldrin.
"Sam... mahal na mahal kita. Naririnig mo ba ako". Sabi ni Kent sa akin
"Kent... oo mahal na rin kita. At masaya ako sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo para sa akin". Honest naman ang sagot ko. May space na si Kent sa puso ko.
"Hindi nga? Mahal mo na ako?" Natutuwang sagot ni Kent
"Oh? Gusto mo bawiin ko?" Biro ko
"Hindi hindi... wala nang bawian ah. Oh thank God... i love you Sam. Pinapangako ko sayo na hindi kita paiiyakin... pangako yan." Sabay yakap sa akin ni Kent
Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. "I love you too, Kent"

BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag-move on?
RomancePara sa mga taong gustong magmove on.. ayaw magmove on.. pamoveon na nahurt pa rin...