Russel's POV"Kung hindi lang ako nakatapis ng tuwalya hinabol ko ang babaeng iyon!" Bulong ko habang pabalik ng unit ko.
Pagpasok ko sa loob nakita ko yung susi ng kotse nya sa may sidetable...
Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi sa bar.Unang kita ko pa lang sa kanya agad niyang nakuha ang aking atensyon.
Paanong hindi?! Sa ganda nya sino ang hindi mapapalingon. Pero bakit parang wala siyang kasama? Anong ginagawa ng isang magandang babae dito sa bar na umiinom nang mag-isa?Malamang may problema ito. At sa tingin ko tinamaan na siya ng alak...
"Isa pa nga..." sabi niya sa bartender sabay abot ng baso ng alak"Ma'am may kasama po ba kayo? Mukhang lasing na po kasi kayo."
"Wala!" Walang kaabog abog na sagot nya.
"Kung wala po kayong kasama kape na lang ang ibibigay ko sainyo para mahimasmasan po kayo." Sabi ng bartender.
"Sabi ko double black hindi black cofee!"
"Oh hetong bayad! Dali!"
Inabot naman ng bartender ang hinihingi nitong alak. Pagkakuha agad niya itong ininom. Pagtayo niya marahil sa dami ng kanyang nainom na out of balance siya at muntik na siyang matumba.
Mula sa kung saan bigla na lang sumulpot ang lalaking iyong at agad na inalalayan ang babae at pilit na isinasama sa kung saan.
Sabi pa ng lalaki "Pare ako ng bahala dito" paalam niya sa bartender."Saan mo sya dadalhin?!" Sabi ko.
"Bakit sino kaba?!" Sagot nya.
"Boyfriend niya! Gago ka pala eh!"
Sabay kabig sa babaeng lasing."BOYFRIEND?!!!" usal niya.
Kahit na lasing sya nakita ko ang gulat sa reaksyon nya ganon narin ang babaeng 'to.
"Sumakay ka nalang kung ayaw mong mapahamak sa lalaking 'to." Pasimpleng bulong ko sa kanya.
"Sorry pare hindi ko alam na may boyfriend sya" hingi nya ng paumanhin sa akin sabay alis
Inakay at inalalayan ko ang babaeng lasenggerang ito palabas ng bar
"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw nya "Sino kaba?"
"Hindi ka dapat umiinom mag-isa. Paano kung napahamak ka?" Sabi ko.
"Wala ka nang pakialam dun. I don't even know you?! Leave me alone! Stay away from me!" Sigaw niya sa akin.
"Ok fine!" Sagot ko.
Lumakad siya papunta sa kotse nya. At mula sa kinatatayuan ko hinatid ko sya ng tanaw.
Ringgg!!! Ringg!!! Ringggg!
"Hello" sagot ko.
"Nasan ka ba?" Sabi sa kabilang linya.
"Nandito ako sa may parking area May tinulungan akong lasing. So what's up?!"
"Naks super hero?" Panunukso nya "Nakita ko nga pala yung ex mo kanina at nagyayaya siya sa bahay nila. Birthday 'daw nya."
"Sinong ex?!"
"Wow! Iba talaga ang chickboy. Sa dami ba naman kasi ng naging gf mo hindi mo na sila maalala" pang- iinis sa akin ni Audrey.
Sandaling akong nag-isip. Inalala kung sinong ex ko ang tinutukoy ni Audrey.
"Oh! I remember her... Sige papunta na ako dyan."
Pero bago ako umalis nilingon ko ang babaeng lasing na hinatid ko.
dahan dahan akong lumapit sa kotse nya. At nagulat ako sa nakita ko.
"Sh*t!"
Nakita ko siyang walang malay na nakaupo sa drivers seat at punong puno nang suka ang damit dahil sa dami ng nainom.
Hindi ko naman sya pwedeng iwan.
Nagdesisyon ako na iuwi siya sa condo.Inilipat ko sya at ako ang nagdrive ng kotse niya papunta sa condo ko.
Sa Condo...
Habang buhat ko siya nakita kong nasusuka na naman siya.
Mabilis ko siyang dinala sa banyo...
Nilinisan... at pagkatapos inilapag ko na siya sa kama.Bakit ba kasi nagpakalasing ka nang ganyan? bulong ko sa kanya
Nang aalis na ako para makapagpahinga bigla na lang nya akong hinawakan sa braso at sinabing...
"Don't leave..." sambit niya.
"Ok wait." At inayos ko sya sa kanyang pagkakahiga.
Ano kayang problema nito at nagpakalasing ng ganito? Nang masiguro ko na tulog sya dahan dahan akong lumakad palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Novela JuvenilBakit kapag tayo ay masaya hindi nawawala ang alak? ? Kapag tayo ay nalulungkot at nasasaktan present din si alak.? Talaga bang ito ang ating paraan at sandigan sa ating nararamdaman at pinagdadaanan? Nakakatulong ba o nakasasama? Paano kung ito pa...