Paalam [One-Shot]

260 7 9
                                    

"Paolo, let's stop this sawang-sawa na ako eh." Narinig ko nanaman ang buntong hininga mo sa kabilang linya.

"H-hindi pwede, isa pang pagkakataon Angela, isa nalang." Pagmamakaawa ko sa'yo.

Pang ilang beses na ba tayong nag aaway ngayong linggo, parang noong kailan lang ay nag away tayo dahil sa isang maliit na bagay, maliit na bagay na pinalalaki lang natin. Kasunod na ang mga sumbatan, sigawan na humahantong sa puntong gusto mo nang makipaghiwalay.

Anong nangyari saatin Angela? ba't dumating na sa puntong parati tayong nagtatalo? Hindi ba't nangako tayo sa isa't-isa na pang habang buhay na ang ating pagmamahalan?

Naalala mo pa ba 'yon? Walang sawang pag papantasya ang ginagawa natin noon, nagpapantasya tayo sa kung anong mangyayari sa hinaharap, magkahawak ang kamay habang tumitingin sa kalangitan, nakatitig sa maliwanag na buwan, naghihintay ng bulalakaw para humiling.

Nakakapanghinayang..

Nakakadismaya...

Matatapos nalamang ba ang lahat-lahat sa isang pagtatalo? Matatapos nalang ba ang mahigit tatlong taong magsasama nang dahil sa isang problema? Akala ko ba hindi tayo magpapatalo sa mga 'yan? susubukan nating lagpasan ang lahat-lahat diba? pero bakit parang kinain mo ang lahat-lahat ng sinabi mo saakin?

Humiga ako sa kama ko't inilagay ang cellphone ko sa beside table ko. Pumikit ako para tiisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sakit na tanging ikaw ang makapagpapagaling, at sa pagkakataong iyon ay bigla nalamang tumulo ang mga luha mula saaking mata.

Nagsimula nang magsibalik sa akin ang mga alaala natin, mga alaalang masasaya na kahit kailan ay di ko malilimutan.

"Habang buhay diba?" naririnig ko ang boses mong paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Tila isang musika na ayoko nang patigilin sa pagkanta.

"Oo, habang buhay." Iyan ang sagot ko sa katanungan mo.

Naalala ko rin noong una tayong nagkita, tinarayan mo pa ako noon, nalaglag kasi ang mga pinamili mo. Nagtatakbuhan kasi kaming mag babarkada noon dahil may pinagtripan nanaman kaming lasingero doon sa may kanto. Napatawa nalang ako noon, kasi nabighani ako sa kagandahan mo noon, kahit galit ka at pulang-pula na ang pisngi.

Sinubukan kong pumikit muli para nang sa ganoon ay makatulog nalang ako, para kahit panandalian lang ay mawala ang mabigat na dinadamdam ko sa puso ko, ngunit na dismaya ako, dahil pagka pikit ko ng mga mata ay agad kong nakita ang imahe mo. 

Naka bestida ka na kulay pula, nagniningning ang hikaw na nakakabit sa tenga mo noong mga oras na 'yon, kulay rosas ang mga labi mo at isang ngiti ang nag paliwanag sa buong gabi ko noon. Naalala ko, noong JS Prom pala natin 'yun.

Nagsayaw tayo sa campus noon, sira kasi ang gym ng eskwelahan natin, hindi pa napapaayos dahil kulang sa badyet. Nagsaway tayo sa kantang 'huling sayaw' ng kamikazee. Nakakatawa nga't 'yon pa ang kantang natapat saatin, isang nakakalungkot na kanta sa isang napakasayang okasyon. Nakapulupot ang dalawang kamay mo sa leeg ko, habang nakahawak naman ako sa mga beywang mo at alalang-alala ko pa, nakasandal ko noon sa dibdib ko, at pakiramdam ko, ako na ang pinakamasaya't maswerteng lalaki noong gabing 'yun.

Nagsasayaw tayo sa ilalim ng maliwanag na buwan.

..at sa pangalawang pagkakataon, tumulo nanaman ang mga luha ko. Tama nga ang kantang sinabayan natin sa pag sayaw noong gabing 'yun. Iyon na nga ata ang kahuli-hulihang sayaw natin.

***

Kinaumagahan nakakuha ako ng text message mula sa'yo. Sinabi mo na gusto mong makipagkita sa tapat ng eskwelahan natin. Agad naman akong tumayo sa kama ko't nag ayos na para mamaya.

Nag jeep ako noon, nagmadali pa ako noon kasi kahit kaylan alam kong ayaw mong naghihintay. Hindi mahaba ang pasensya mo. Naalala ko nanaman ang mga alaala natin noon, masasayang alaala.

Nag away tayo noon kasi na late ako ng sampung minuto sa date natin dahil may pinagawa pa saakin si mama kaso nagtampo ka bigla, muntikan pa ngang hindi matuloy yung lakad natin dahil hindi mo ako kinibo pero buti nalang ay nakakita ako ng santan habang naglalakad tayo sa daanan. Alam kong nakita mo 'yun pero hindi mo ako pinansin. Hanggang sa tumakbo ako para mauna sa'yo at maya-maya pa'y lumuho ako sa harap mo habang ibinibigay ang santan na pinitas ko. Napangiti ka nang napakalaki, 'yung tipong abot langit at pagkatapos noon? Niyakap mo ko at napaiyak ka pa. Kahit kailan talaga, iyakin ka parang bata.

Paalam [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon