Andie's POVSa Kwarto...
Habang nakatingin ako sa salamin hindi ko maiwasang mangiti at maalala ang nangyari kagabi.
Kung meron lang makakakita sa akin malamang iisipin nilang nababaliw na ako dahil ngumingiti akong mag isa.Nang biglang...
Ringggggg!!! Ringg! Ringgg!!!
📲📲📲Vince Calling...📲📲📲
Nakita ko sa screen ng cellphone ko.
I push the cancel botton na may kasamang pagkainis."I don't want to talk to him again! Ever!"
Makapagbihis na nga baka ma-late pa ako.
Agad akong pumunta sa banyo at naligo.
Pagbaba ko handa na ang almusal.
Naupo agad ako at kumain ng mabilis.The best talaga si manang lody pagdating sa pagluluto.
Amoy pa lang alam mo nang mapaparami ang kain mo.
Kung hindi lang ako maleLate mapapalaban ako ng kain."Manang Lody pakisabi nalang po kay Kuya na hiniram ko muna kotse nya"
"Bakit nasaan ba ang kotse mo?"
"Nasa talyer po manang" pagsisinungaling ko.
"Iha parating na ang Mama mo hindi mo ba sya hihintayin?"
"Manang hindi na po siguro, male-late na din po kasi ako."
Paalis na ako nang may maalala akong sabihin kay manang...
"Ay manang pwede po bang makiusap? Wag nyo nalang po sanang sabihin kay Mama na hindi ako umuwi kagabi"
"Sige po alis na ako"
Buti na lang at walang pasok ang kuya ko ngayon. Siguradong mamayang hapon pa ang gising nun.
Sa Parking...
Habang pina-park ko ang kotse.
"Kotse ko ba yun?" Tanong ko sa aking sarili
Bumaba ako at nilapitan ang kotse... inusisa.
"Kotse ko nga 'to! Paano naman napunta 'to dito?"
At dahil male-late na ako mamaya ko na lang aalamin kung paano ito nakarating dito
Papunta na sana ako sa klase ko nang nakita ko na papalapit si Vince.
"Please let's talk." Sabi ni Vince
Let's talk mo mukha mo! Wala na tayong dapat pag-usapan.
"Andie I am sorry for what happened. I realized I was wrong..." napabuntong hininga sya bago magsalitang muli "Please give me another chance"
"Another chance?! Teka lang ha, 2 weeks akong mamatay-matay sa lungkot habang ikaw ay nagpapakasaya kasama ng ibang babae tapos ngayon sasabihin mo "give me another chance?!"
Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita
"Ano ako batang gagaguhin mo lang tapos bibilhan mo ng candy pag gusto mo nang makipag-bati?"
Bakas sa mukha nya ang pagkabigla sa mga sinabi ko
"Tapos ngayon sasabihin mo na "that you realized you we're wrong?" After when? Two f*cking weeks! Fuck off Vince."
At lumakad na ako palayo sa kanya.
Mabuti na lang at hindi na nya pinilit ang sarili niya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.Bakit ba kasi may ganitong klase ng lalaki na hindi marunong makuntento sa isang babae lang?
Samantalang ako sa kanya lang nakafocus ang puso ko. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko.
Mali ba ako? May mali ba sa akin?
Sa tingin ko wala naman sa akin ang problema."Well it's his lost, not mine..."
Mom's POV
✈✈✈At the Airport...✈✈✈
"Welcome back po Ma'am." Sabi ng driver.
"Thankyou Mang Mario. Kumusta sa bahay? Si Jason?"
"Mabuti naman po Ma'am. Sa katunayan nga po aktibo po siya sa klase nya, at mukhang inspirado ngayon"
"Ahh ganon ba. Kumusta naman ang isa kong anak?"
"Ah si Ma'am Andie po. Madalas siyang lasing mula nang maghiwalay sila ni Sir Vince."
"Hiwalay na sila? Mabuti naman kung ganon at hindi na ako mahihirapang kumbinsihin si Andie..."
BINABASA MO ANG
You're Mine
Teen FictionBakit kapag tayo ay masaya hindi nawawala ang alak? ? Kapag tayo ay nalulungkot at nasasaktan present din si alak.? Talaga bang ito ang ating paraan at sandigan sa ating nararamdaman at pinagdadaanan? Nakakatulong ba o nakasasama? Paano kung ito pa...