PROLOGUE
Alam kong hindi lang ako ang humihiling na bumalik sa dati, na maibalik yung mga panahong okay pa ang lahat..
Mga panahong wala ka pang alam na magiging ganito ang kahihinatnan.
Oo, isa ako sa mga taong nakatira sa nakaraan..
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang limutin, iwanan, at kalimutan.
Kahit wala naman akong pinanghahawakan..
Pauwi na ako sa bahay namin, mag-isa.
Sanay naman ako, hindi na big deal to sakin tsaka wala naman akong pake sa paligid ko maliban na lang kung naaapektuhan na din ako
"WALA KANG KWENTA!! BAKIT HINDI KA MAGHANAP NG TRABAHO HA!! LUMAYAS KA DITO KUNG GANYAN LANG DIN MAGIGING UGALI MO DITO, HINDI KITA KAILANGAN!!"
"E BAKIT HINDI KA RIN MAGHANAP NG TRABAHO!! HINDI YUNG LAGI KA DIN NAKA-ASA!!"
Nasa labas pa lang ako pero rinig na rinig ko na yung sigaw ni Mommy, naga-away na naman sila ni Daddy, maya maya lumabas si Daddy kaya naman agad akong nagtago sa gilid para hindi ako makita..
Sayang, kala ko pa naman magiging masaya itong araw na to dahil napaka espesyal nito sakin.. Umasa na naman pala ako sa wala
Lagi naman ganun, ano pa bang i-expect ko? hahaha
Kailan ba yung oras na ako naman?
yung ako naman ang masaya?
yung nasa akin naman ang spotlight?
yung ako naman ang bida?
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay?