I Can Buy You[Anne/Vhong]-one shot-

876 17 0
                                    

I can buy you…[Anne/Vhong]-one shot-

[AN: love story po ito! Saka iniba ko yung mga character!]

Ang chaka ng buhay! Sinama lang pala niya ako para ibili yung bruhang babaeng yun! Akala ko pa naman sa akin niya ibibigay yung mga regaling bibilhin niya dahil b-day ko… pero hindi. Nakalimutan niya ata na b-day ko?!

“Nakakainis!” nilagok ko yung alak at siyempre tuloy sa tiyan ko, pero sa tiyan ko nga ba?

“Hoy Anne hinay-hinay lang sa pag-inom!” sabi ni Ynna at umupo sa tabi ko.

“Paano ako maghihinay-hinay sa pag-inom eh si Vhong nakalimutan na b-day ko! Tapos yung bruhang babaeng yun na ka birthday ko yun pa ang naalala niya ang birthday tapos ako… huhuhu!” di ko napigilan ang mapaiyak…. Buti di tulo uhog ako kungdi kahiya!

“So? Yun lang ang problema mo?” nakataas kilay na tanong ni Ynna.

“Kung sampalin kaya kita?”

“Ito naman di ka majoke!”

“Joke ba yun? Teka nga naiihi ako!” tumayo ako at lumabas sa private room na inupahan muna namin dito sa club ng kakilala ko.

Tumungo ako sa cr at pagkapasok ko ay kinandado ko yung pintuan dahil gustong mapagisa… pansamantala.

Nakakainis si Vhong! Kala ko pa naman sa akin yung regalong yun? Ganon pala hindi! Tapos ang manhid pa niya! Lagi ko siyang pinapakitaan ng magagandang bagay at ka-sweetan pero waepek… ang manhid niya! Di niya maramdaman na mahal ko siya! Buhay naman oh parang life.

Pumasok muna ako sa isang cubicle at ginawa ang aking seremonya. Pagkatapos ay lumabas ako ng cubicle at tumingin sa salamin. Sabay sabing.

“Ano bang meron dun sa babaeng yun na wala ako? Dahil ba sa model siya? Kaya ko rin namang maging model eh!” nagpost-post ako ng parang model. Post lang ako ng post.

*tok…tok…tok*

Tumigil lang ako sa pag posing ng may kumatok pumunta ako doon sa pintuan at pinihit yung sedura ng pintuan. Pagbukas ko agad na bumungad sa akin si Vhong at si Yulla yung babaeng ka b-day ko.

Grrrr… nagiinit yung ulo ko! Sa di sinasadyang kagagahan ko ay bigla kong nasampal si Vhong at nasabi bigla.

“I can buy you! And I can buy your heart!”

Medyo nanlaki yung mata ni Vhong. “Ows? Sige nga, buy me?” nilapitan ko si Vhong.

“Magkano ba ang gusto mo… and can I buy your kiss?”

“Yup, and 100% free.”

 Then siyempre alam niyo na ang nangyari? XD

AN: tnx for reading and I hope you like it!

I Can Buy You[Anne/Vhong]-one shot-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon