Chapter 26
" Walang namamagitan samin Adrian. Katulad ng sabi ko, hindi pa ako handa. " paliwanag ko sa kaniya. Mas dumadami ang mga nagtitinginan sa amin. Madami dami din naman kasi ang mga estudyanteng nandito sa backstage.
Napansin ko na pinalalagutok na ni Adrian ang mga kamao niya at handa na siguro itong isuntok sa mukha ni Joshua kaya agad akong bumulong sa kaniya. " Don't. "
" Siguraduhin niyo lang. " sabi ni Joshua.
Sakto naman na pababa na ang grupo na kanina lang ay nagperform. Ibig sabihin, kami na ang susunod. Buti na lang at hindi nag away si Adrian at si Joshua kundi siguradong disaster ang kahihinatnan ng performance namin.
Isa isa kaming naglabasan papunta sa stage. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Dumilim ang paligid at isa isang nagbubukasan ang iba't ibang kulay na mga ilaw habang nakikisabay ito sa tugtog. Nagsimula na din kaming magsayaw. Agad namang nawala ang kaba ko at masaya akong sumayaw sa stage kasama ang iba ko pang mga kateam leader.
" Mang aagaw! " napatigil na lang kami sa aming pagsasayaw.
" Nauna ako sa kaniya! " sigaw naman ni Adrian.
Nasa stage sila at nagsusuntukan. Wala silang pakielam kahit na maraming tao ang nanunuod dito sa loob ng auditorium. Grabe sila. Hindi na sila nahiya. Okey sana kung sila sila na lang eh, kaso pati kami nadadamay. Naudlot tuloy yung performance namin at sa ngayon marami ang taong nagulat sa pangyayari at syempre, hindi mawawala ang mga taong amuse na amuse at masaya sa panunuod ng pag aaway nina Adrian at Joshua.
" Akin lang siya! " sigaw ni Joshua.
" Gago ka pala talaga eh. Ayaw niya sayo! " sagot naman ni Adrian.
Agad namang tumakbo papunta sa kanila ang teacher namin sa music na nag organize ng Music Festival. " To the Principal's Office! Now! " galit na galit na sabi niya.
Agad naman napatigil ang dalawa sa pag-aaway at agad lumabas ng auditorium.
Bakit ba puro problema na lang ang dumadating sakin simula ng nakilala ko si Adrian. Ang malas malas ko. Nakakainis na.
Habang papalabas ako ng auditorium naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao.
" Bagay talaga sa kaniya na tawaging Prince Devil. "
" Oo nga. Awayin ba naman daw si Joshua ko. "
" Anong Joshua mo. Hahaha. "
" Ang sama talaga ng ugali ni Adrian. "
" Kaya nga Prince Devil diba? "
" Tanga na lang siguro magkakagusto dun. "
Bakit ganun? Nasasaktan ako sa bawat salitang binibitawan nila. Wala namang kasalanan si Adrian diba? Kasi ako naman ang may kasalanan e. Naiinis si Joshua kay Adrian dahil saken. Kaya hindi dapat si Adrian ang sinisisi nila kundi ako.
" Eunice, okey ka lang? " paglingon ko si Cloe lang pala.
" Oo, okey lang ako. " sagot ko naman. She's being nice to me. Sadyang protective lang talaga siya kay Zen. I can see it through her eyes na mahal niya talaga si Zen and I'm really happy for them.
Buti pa sila masaya ang lovelife. Samantalang ako, nahihirapan. Nahihirapan akong pumili at nahihirapan din ako sa mga away at sinasabi ng tao tungkol sa kay Joshua at Adrian. Sana kasi hindi ko na lang sila nakilala.
" Sama ka sakin. May alam akong lugar dito sa school na siguradong tahimik. " tumango na lang ako as a sign of yes. Gusto ko din naman umalis dito para matigil na ang mga naririnig kong kung anu ano.
Papaakyat kami ngayon. Siguro sa top floor niya ako dadalhin, sa may roof top.
Nang makarating kami, tama nga ako. Sobrang tahimik dito. Malakas at masarap ang simoy ng hangin. Wala na akong naririnog na masasakit na salita. Wala na akong naririnig na ingay.
Umupo kami ni Cloe sa sahig at sumandal sa pader.
" Salamat. " sabi ko kay Cloe.
" Alam ko kung sino talaga ang gusto mo sa kanila. " napatingin naman ako sa kaniya ng ano-bang-pinagsasasabi-mo-look.
" Alam kong may gusto ka kay Adrian. " dugtong pa niya.
" Wa-wala noh. " after ba naman ng ginawa niya kanina. Sinabi ko na ngang 'don't' diba. Akala ko mabait na siya. Akala ko nagbago na siya. Pero mali ako.
" I can see it through your eyes Eunice. Ganyan din ang ipinapakita ng mga mata mo noon para kay Zen. "
" Your crazy. " yan na lang ang nasabi ko. Kung anu-ano ba naman kasi pinagsasasabi ni Cloe sakin.
" No, I'm not. Sinasabi ko lang ang totoo. " tapos ngumiti siya sakin.
" Haaay. Ewan ko. " wala na kasi ako masabi. Sinuklian ko na lang din siya ng isang matamis na ngiti.
" Oh andyan pala kayo. " nakita namin na papalapit dito si Zen. Nginitian ko naman agad siya.
" Cloe, tayo na ang naka-assign sa booth. " sabi ni Zen kaya naman agad ng tumayo si Cloe sa tabi ko.
" Tara Eunice, sama ka samen. " yaya ni Cloe pero umiling na lang ako kaya umalis na sila.
Gusto ko muna kasi mapag-isa. Gusto ko muna makapag-isip. Haaay. Gusto ko na nga ba si Adrian? Pero nakakainis eh. Naiinis ako kasi napakapalaaway niya.
On the other hand, ayoko ba talaga kay Joshua? Mabait naman siya at gentleman. Gwapo din siya kaso may pagkamahangin din at may pagkamaselang sa katawan.
I think Joshua is better than Adrian, pero bakit ganun? Bakit si Adrian ang laging nasa isip ko? Bakit napakabilis lagi ng tibok ng puso ko kapag malapit sakin si Adrian?
" Eunice. " agad ko namang nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Si Joshua lang pala.
" Ba-bakit ka nandito? " nagtataka kong tanong.
" Para ibigay 'to. " tapos ipinakita niya sa akin ang isang pulang rosas at iniabot sakin ito. " Peace offering. " dugtong pa niya.
" Sa-salamat. " sagot ko naman. " Si Adrian? Kamusta na siya? " hindi ko alam pero bigla ko na lang naipasok sa usapan si Adrian. Wrong move Eunice. Tsk.
" Siya pa din hinahanap mo? " sabi niya. Halata talaga sa boses niya na nanggagalaiti padin siya sa galit kay Adrian.
Hindi na ako nagsalita. Natatakot ako na magalit siya. Katulad ng sabi ko, sa akin siya dapat nagagalit at hindi kay Adrian. Ako ang nang busted sa kaniya at hindi na yun kasalanan ni Adrian.
See? Puro si Adrian na lang ang nasa isip ko. Ano na bang nangyayari sakin? Tss.
" Gusto kita Eunice. Gustong gusto kita. " a-ano daw? Tama ba 'tong naririnig ko.
Hindi padin ako sumasagot. Ayoko magsalita. Hindi ko naman din alam kung ano ba dapat ang sabihin ko.
" Pwede bang ako na lang? Ako na lang ang piliin mo kaysa sa Demonyong Prinsepe na 'yun. "
--
A/N : maraming salamat po sa inyong lahat :D salamat po sa walang tigil na pagtangkilik nitong storya ko. sana hanggang huli andyan padin kayo para suportahan itong HAD :* vote and comment po kayo ha
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED