Chapter 1
"uy samantha! gising na, male-late na tayo!"
Napabalikwas agad ako sa narinig ko at agad tiningnan ang cellphone ko. Automatic naman na binato ko siya ng unan dahil ang aga aga pa at pwedeng pwede pa ako matulog ng malaya
"aray naman sam! di ka na talaga mabiro kahit kailan hahahaha, wag ka na matulog, kumain ka na dito para mamaya di ka na magmamadali dyan nakakaloka ikaw na nga 'tong inaasikaso e"
inirapan ko lang siya at tumayo na rin, syempre may konsensya rin naman ako kahit papaano
"oo nga pala sam, diba ngayon ka mago-audition sa the voice?" tanong sakin ni Nica
Siya nga pala, roomate ko si Nica-- short for Dannica, siya lang naman bestfriend ko at ang kaisa-isang tao na kayang tagalan ang ugali ko, parehas kami ng school na pinapasukan pero magkaiba kami ng program. Buti nga at magkasundo yung schedule namin kaya marami kaming time for each other
"the voice ka dyan! sa school lang natin yon, para sa intrams!" sabi ko habang kumakain, ang sarap talaga magluto nitong si Nica hehe, sana nakuha ko rin yung talent niya sa pagluluto charot!
"sabi ko nga diba! gusto mo gumawa ako ng banner kapag mago-audition ka? yieee support kita!!" natawa naman ako sa sinabi niya
"tigilan mo nga ko! pinagi-isipan ko nga kung sasali pa ba ko, wag mo kong tanungin kung bakit at kumain ka na dyan"
"tss, napaka daya mo talaga!!"
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain at naghanda para pumasok sa sintang paaralan namin
//Saint Elaine University//
"see you later sam!!! Goodluck sa audition mo kahit nagdadalawang isip ka pa!! Support kita always byeee!!" mabilis na naglaho sa paningin ko si Nica
Haaay, wala na naman akong motivation para sa ganto. Para lang akong isang bangkay na naglalakad sa gitna ng hallway ng biglang..
"a-aray.. tsk" may bumunggo sakin at napasama pa ata ang pagkakabagsak ko
shit naman, napaka nice talaga
"hala miss sorry!! okay ka lang ba? pasensya na nagmamadali ako e, tulungan na kita"
tiningnan ko lang siya na parang sinasabi ng mata ko, wala akong pake
"di na, ako na dito. Nagmamadali ka diba? sa susunod tingnan mo na lang dinadaanan mo kapag nagmamadali ka kung ayaw mong maudlot yang pagmamadali mo" sabi ko sabay tumayo ako bigla-- argh sakit talaga, nabalian pa ata ako sa paa