Chapter 26.2

1.4K 11 16
                                    

At nagbabalik, si dakilang Chelle! Haha. Ayan na kakampi niyo laban kay Roxanne =))

Magsisimula na World War III! Hahaha =))

***

Elaine

Nakita ko siyang papalapit sa amin ni Cloud... sinuntok niya ng malakas si Cloud.. nakita ko pa ngang dumugo ang labi nito eh...

"Oh, so you saw it." sabi ni Cloud tapos ay ngumiti pa siya. Galit na galit si Dylan.. natatakot na ako sa kanya.. I've seen this side before too.. pero.. mas nakakatakot yung ngayon >3<

"Gago ka ha! Pati girlfriend ko kukunin mo?!"

"D-Dylan... tama na.." sabi ko habang hinihila ang braso ni Dylan. Ayaw ko na ng gulo... masyado na akong naguguluhan..

"Paanong tama na Elaine? So ganito pala ang nangyayari? While I was gone, you're with him! All this time, you were cheating on me!" sigaw ni Dylan tapos ay inalis ang kamay ko.

Natulala ako sa sinabi niya. Bakit naging ganito na lang siya bigla? Ang sakit naman ng binibintang niya sa akin. Bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, "Hindi totoo yan. I am not a cheater! I was only... I was..."

"Enough said Elaine. I thought you were different from the other girls. Tama nga siguro yung sinabi ni Roxanne sa akin. That you're actually a flirt inside. Dapat pala naniwala na lang ako sa kanya." sabi ni Dylan at umalis na. So naniwala naman siya sa Roxanne na yun? Eh sinisiraan lang ako nun eh! 

Napaluhod ako habang umiiyak. Ang sakit... ilang beses na akong hindi pinagkatiwalaan ni Dylan.. para bang... hindi niya ako mahal? Baka naman hindi niya talaga ako minahal... at joke lang ang lahat ng ito..

Nilapitan ako ni Cloud, umiling iling ako habang nakahawak sa puso ko, bakit nangyayari 'to?

"B-bakit..." paulit ulit kong sinasabi habang umiiyak.

"Elaine.." bulong ni Cloud habang nakaluhod sa harap ko. Hinawakan niya ako sa balikat, pero inalis ko lang ito.

"A-ano bang nagawa kong mali Cloud? H-hindi naman ako cheater diba?! I-I was just hanging out with you as friends... D-diba?" He wiped away my tears and smiled, "You're no cheater.. Tara na muna.. Di ka ba nahihiya? Pumangit ka tuloy, wag ka ng umiyak."

Tumayo na din naman ako at naglakad na kami... Bangag ako ngayon... Wala sa sarili.. Iyak lang ako ng iyak... Tas naririnig ko pa yung mga bulungan ng mga tao sa paligid namin.. Pinasakay ako ni Cloud sa kotse niya, ihahatid niya na daw ako..

"Cloud..."

"Hmm? Baket?"

"Please.... save me.... I might die from this pain..." sabi ko. Bumagsak nanaman ang mga luha ko tapos ay nagblack na ang lahat...

***

Pagkagising ko, nasa isang kwarto na ako... hindi ko 'to kwarto ha?! Asan na ba ako? Tinignan ko ang paligid ng kwarto. Puro black and white lang ang gamit at nakakasilaw ang buong kwarto sa sobrang linis.

May nagbukas ng pinto, si Cloud, may kasama siyang babae... teka.. si Chelle yun ah?

"Elaine! Unni! What happened?! Gwaenchanayo?!" tanong ni Chelle, napakamot naman ako sa ulo ko. Alien language nanaman kasi ang sinasabi niya -____-

[unni: older sister; gwaenchanayo: are you okay?]

"E-eh? A-Anong sabi mo?" tanong ko ulit. 

Hinawakan niya yung noo ko, "Ay sorry. Sabi ko, okay ka lang ba? Napapa-korean ako sayo eh! Ganun kasi ako kapag nagpapanic."

Tumabi siya sa akin, "Teka, bakit ka nga pala nandito? At nasaan ako?"

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon