Introduction
In another life
I would be your girl
We keep all our promises, Be us against the world..
In another life
I would make you stay,
So i don't have to say, You were the one that got away ..
Chapter 1
"KYYYYLLLLLLEEEE!!!!!!'' Naririnig ko nanaman si mama. Alam ko na. Alam ko na kung bakit.. Tssk ..
"KYLE!! SI KATE, NASA LABAS, HINAHANAP KA.''
''andyan na ma ... '' Bumaba ako kaagad .. Sabi na nga ba, si Kate nanaman .. Anu nanaman kayang kailangan niya ?? 'Pag baba ko, 'di ko agad siya tinanaw. May iba kasi akong natatanaw eh, OO NGA NOH !! BAKIT BA ANDAMING TAO SA LABAS ??!!!
Tumayo si kate nang makita ako. Siguro dahil sakanya kaya maraming tao. Pa'no 'ba naman, hitsura niya.. Halatang naiiba siya sa mga tao sa paligid niya. Lakas ng dating !! Mayamang mayaman ang hitsura !!! Nakatali buhok niya, medyo mahaba, wavy, kulay brown, naka-shades pa siya, at 'yung damit niya, halatang mamahalin. Kutis palang, pang mayaman na.
"Kyle," narinig ko siya, tiningnan ko lang muna siya, naiintriga ako sa mga tao sa labas eh !! Habang papunta 'ko sa pinto, may sinasabi si Kate, 'di ko lang masyadong pinapansin. Ano daw?? Ah,, tungkol sa sasakyan niya, 'di nya raw alam kung san ipa-pa..r....k....
HAAAHH !!??? IPAPARK ????? DALA NIYA KOTSE NIYA ??!!!!! BUTI NAPASOK NIYA DITO SA LOOBAN !!!!! ANSIKIP SIKIP DITO AH !!!!!!
"TEKA BAKIT MO NAMAN DINALA KOTSE MO DITO !! PINASOK MO PA !! PARANG BUTAS NG KARAYOM KALSADA DITO AH , DI BA, SINABI KO NA SA'YO !!" sabi ko sakanya, sus, kaya naman pala napakaraming tao sa labas eh !!! ang iingay pa !!!
"eh, may pupuntahan kasi ako, gusto sana kita yayaing sumama .. " napaka hinhin nya magsalita, sino ba namang magagalit sa isang katulad niya ?? para siyang manika ...
"SAN BA PUNTA MO?? MAY GINAGAWA AKO EH .. BAKA 'DI AKO -"
"EHEM!!'HEM!!" di ko pa natatapos yung sinasabi ko, umextra nanaman si Mama. Amp! ayaw niya kasing tinatanggihan ko si Kate sa mga alok niya. Kasi nga, mayaman siya. Amp talaga!
"Sige na,, samahan mo na 'ko please ..." nag-uumpisa nanaman siya sa paawa-effects niya .. kuhang- kuha niya loob ni mama..
Tinitigan ko lang yung maamo niyang mukha. Tumahimik bigla, pati 'yung mga tao sa labas. Ano kala nila nanonood sila ng teleserye ??!!!
Ilang minuto pa ..
"OO NA."
Tumahimik bigla... pagkatapos ...
"wooohhhh!!! yesss!!!!!" hahh ??? hahahh !! pati mga tao sa labas, iniintay din pala 'yung sagot ko.
"Intayin mo ko magbibihis lang ako."
Tumango nalang siya habang nakangiti. Tapos, umakyat na ko sa taas para magbihis. Narinig ko si mama na pinaupo muna si Kate at inalok ng juice.
Isa nanamang araw. Na kasama siya.
Hindi ko alam kung dapat 'ba kong matuwa..