Hoping for a second chance.
Very short story again.
------
Ako yung tipo ng lalaki na mataas ang pangarap.
At ako din yung tipo ng lalaki na hindi gagawing priority ang isang babae.
Kung magkaroon man ng babae sa buhay ko. Ito ay pang huli higit sa ano mang bagay.
Dahil naniniwala ako na ang bagay na yan ay nakakapag hintay at may tamang panahon.
--
Di ko na mapigilan na ikunot ang noo ko. Nakakaramdam na ko ng inis sa babaeng katabi ko sa klase kong iyon.
Kanina pa sya nakatitig sakin. At di ko maintindihan kung ano ang tinitingnan nya sa mukha ko. Sa tuwing ako ay iiwas isunusunod nya ang ulo nya upang titigan ako muli.
Hangggang sa di na ko nakapag pigil ay lumipat na ko ng upuan. Pero hindi ko akalain na susundan nya ko.
Grabe! Garapalan na to.
Hindi ko magawang lingunin ang gawe nya dahil nakatutok ang mukha nya malapit sakin. Bumuga ako ng hangin talagang nainis na ko kaya dinakma ko na ang kanyang mukha upang ilayo sakin.
"Miss, teka ha! Kanina ka pa!" Di na ko nakapag pigil.
"Thank you Lord, napansin nya ko.!" She silly said.
Lalo lang nalukot ang mukha ko. Baliw ata itong babae na to.
"Hi, My name is Nicolet." Anya at ngumiti ng maluwang. She has a brace on her teeth.
At ngayon ko lang din napansin na may salamin sya. At alam kong may grado. Over all, actually she's cute. Pero baliw sya.
"Ano bang kaylangan mo?"
"Gusto kitang maging boyfriend."Natawa ako.
Natatawa ako. At natawa talaga ko ng malakas.
"Be careful to your wish."
"Oo naman. Parang Sir Chief and Maya. I will be careful with your heart." At nag hand salute pa sya.
At hindi ko malaman ang pagkainis ko ay nawala. Sa halip ay natawa nalang ako.
---
The day had passed.
Ganon pa din kakulit si Nicole. Bigla ay sumusulpot sya at kung ano ano ang kabaliwang sinasabe at ginagawa sakin.
"Ano ba! Kulet naman eh!" Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya.
"Haaay. Galet! Sige na Gerard. Mula ng naging in relationship tayo hindi pa tayo nag de-date ah."
Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sakanya. Ewan ko ba at natatawa talaga ko sakanya. Sa bawat sasabihin nya ay seryoso ang kanyang mukha pero pura kalokohan naman yon.
"In a relationship? Ha? Kelan pa?" Ngumiti na naman sya labas ang braces nyang ipin.
"Eto ebidensya." Ipinakita nya sakin ang kanyang cellphone.
Gerard Way is in relationship with Nicolet Lewis
"Ano na namang kalokohan yan?"
"Hindi to kalokohan! Katotohanan to."
"Sus! Alin dyan? Eh wala naman akong Facebook account. Poser yan!"
"Hindi yan poser. Ako ang gumawa nyan!"