YLLA VENERACION's POV
Don't have money?
Use your beauty,
I don't have beauty
But I will use my money
To have everything.
Everything...
Including love…
—
Hindi ako maganda..
At hindi ko na kaylangang i-describe kung gano ako kapanget.
Basta hindi maganda..
Pero may bagay na meron ako na siyang nagpapaikot sa mundo.
Ang pera.
“Mom—”
“Next time Ylla. Not now, male-late na ko sa appointment ko. May pera naman sa account mo.”
Huminga ako ng malalim para sana magsalita pa pero naudlot yun dahil tuluyan ng nawala sa paningin ko ang aking ina.
Wala akong nagawa kundi ang pumikit at mapabuntong hininga nalang. Pumanhik ako sa kwarto ko para makapagbihis.
Pagkabihis na pagkabihis ko ay agad na tumunog ang cellphone ko.
Kunot noo kong sinagot ng makita ko ang pangalan ni Joshua sa screen.
“Buksan mo yung gate nyo andito ako sa labas.” Bungad agad niya. I rolled my eyes.
“Ano na namang gulo ang pinasok mo?”
“Buksan mo nalang o sisirain ko ang gate nyo.”
“Sandali.”
—
Napakurap ang mata ko ng mabungaran ko ang mukha ni Joshua. Mukhang kagagaling lang nya sa away. May pasa ang mukha at may band aid ang gilid ng labi. Pero sa kabila non ni hindi man lang ata nabawasan kahit na isang porsyento ang kagwapuhang taglay nya.
Ang makapal na kilay ay may ukit. Ang ilong na may perpektong hubog, ang labi niya na diko na mabilang kung ilang babae ang nag asam na mahalikan at ang hikaw niya na naglalarawan na mapaglaro siyang lalaki.
Tulad dati, naramdaman ko na naman ang napaka pamilyar na tibok ng puso ko tuwing makikita ko siya.
“Dito muna ko sayo titira.”
“Ha?” Nagulat ako ng lagpasan nalang niya ko at nagtuloy tuloy sa loob hanggang sa makapanhik papunta sa kwarto ko.
Damn.
Patakbo akong sumunod sakanya at nadatnan ko nga siya na naka higa na sa kama ko habang ang mata ay nakapikit.
“Hoy!” Tawag ko. “Hoy,” ulit ko at may kasamang tapik na sa braso niya.
“Hahalikan kita pag dika tumayo dyan.” Sabi ko. Noong mga bata kame ay yun na ang panakot ko sakanya. At dahil nga sabi ko hindi ako maganda nagiging epektib ang panakot na yun. Natatawa na nga lang ako pag naiisip ko na ganun nalang ba ko kapanget para katakutang mahalikan?
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya tumitinag. Natulog ba talaga ba talaga?
Nilapit ko ang mukha ko para tingnan siyang mabuti.
Muntik na kong mapasigaw ng dumilat siya at kabigin ang batok ko to move him more closer. Pigil ang hininga ko ng oras na yun. Ga hibla nalang ata ng buhok ang pagitan ng aming mga labi. At dahil nga wala akong ilong mas mabilis na nagkalapit pa ang aming mga labi.