Chapter One

1 0 0
                                    

"Bes, may mali ba sa akin? Bakit ganun nasasaktan ako tuwing nakikita ko siya... Sila?"  Sabay tungga ng hawak na lata ng beer. Hindi naman siya tumingin sa kaibigan habang kinakausap iyon. Nakatutok lang ang tingin ni Mark sa mga nagsasayaw sa entablado. Blanko ang kanyang mga mata. Nangigilid ang naglalawang luha sa kanang mata niya. Pansin iyon ng kaibigan. Habang panay ang lagok ni Mark sa laman ng lata, paubos na iyon at sinaid na niya ang huling tungga hangga sa huling bula. Ang kaibigan naman niya, napapangiwi sa bawat tikim na ginagawa. Hindi siya sanay sa iniinom na uri ng alak. Hindi pa talaga siya nakakatikim ng alak dahil sa bilin ng magulang. Pero dahil nais niyang samahan si Mark, ay sinuway niya iyon.

Matagal na silang magkaibigan. Bata palang sila. Pareho silang nasa pangalawang baitang nang magkakilala sila sa park ng subdivision nila Mark. Higit na nakakaangat si Mark sa dalawa. Ang mga magulang niya ay parehong mga inhinyero na may sariling construction firm at development company. Sila ang may-ari ng mismong subdivision na iyon kung saan sila nagkakilala. Habang nakatitig siya siya kay Mark, naalala niya ang unang araw na nagkakilala sila...

"Bata, taga-dito ka ba sa loob? Saang phase ka nakatira? Ngayon lang kita nakita dito ah!" Pagsuway noon sa kanya ni Mark na kinagulat niya habang nasa swing dahil astang security guard din ito kung manita. Hindi siya nuon makasagot agad sa takot. Taga-labas siya at takas lang na naglalaro sa park kapag hindi siya nahuhuling umaakyat sa bakod sa banda talahiban. Imbes na sumagot, pinigilan niya ang paglalaro. Mabilis siyang bumaba sa swing at kumaripas ng takbo. Mula nuon, hindi muna siya nagbalik sa park dahil sa takot na baka inaabangan siya duon ng batang sumita sa kanya. Dati na kasi siyang na-barangay dahil sa pagoober de bakod. Isang linggo siyang hindi nakapaglaro dahil sa pangyayaring iyon at ayaw na niyang makulong sa bahay ulit.

Nadala ng ala-ala ang kanyang atensyon at hindi na nito namalayan na naka-apat na pala agad si Mark. Nabalik nalang siya sa wisyo nang taktakin ni Mark ang lata ng beer niya. Napansing madami pang laman at tiningnan siya ng masama. Ngunitian niya lang ito sabay nagkomento sa tanong ng kaibigan...

"Mark, wala namang mali sa iyo. Pero hindi ka din lesinsyadong masaktan. Kinaibigan mo siya 'di ba?  Ikaw ang tumanggi na maging sweetheart niya. Alam mo bang ang laki ng inggit ng lahat sa iyo? Siya ang nagpakababa, tinanggap niya ang mga lait para lang makapantay ka niya. Para mawala ang pagaalinlangang gagamitin ka lang niya. Mark, ikaw na ang nagsabi, mas makakabuti sa inyong dalawa ang maging magkaibigan. Hindi ka ba natutuwa, masaya siya ngayon sa relasyong meron siya. Dahil ang alam niyang magiging masaya ka para sa kanya bilang kaibigan."

Hindi umimik si Mark. Inubos lang ulit nito ang pang-apat na niyang lata sa isang lagukan. Binuksan pa ulit ang isa sabay nakipag-cheers sa kanya. Napilitan siyang sabayan si Mark. Mula sa pagkakataong iyon, hindi na sila nagkausap ulit. Pinagtuonan nalang nila ang palabas sa entablado. Unang pagkakataon niya sa ganun kaya ibang takot at mangha ang nararandaman niya.

***

Mabilis na lumalim ang gabi. Nakahabol na siya sa bilang ng lata ni Mark, lasing na din siya at nasusuka na. Napansin niyang humihithit ng sigarilyo si Mark, hindi pa man niya iyon nasusubukan e humingi siya.

"Mark, bes, penge ako niyan. Meron pa?"
"Marunong ka ba bes? Kaw ha. Kailan ka natuto, eto oh ayan. Nasa loob yung lighter. Ibalik mo din"
"Pssshh!"

Kumuha siya ng isa, maninipis ang mga sigarilyong iyon. Hindi niya alam na may ganun din palang klase. Sinindihan niya iyon, hinihit ibinuga. Mabilis siyang natuto. sa simpleng pagsulyap lang sa mga tambay sa kantong nadadaanan niya pauwi, nagkaroon na siya ng ideya kung paano iyon gawin ng tama. Bakas kay Mark ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang kasama. Hindi niya alam, maamo din pala itong tingnan kapag nalalasing. Hindi siya mukhang bangag. Namumula pero maayos pa rin siyang tingnan. Maliban sa paisa-isang tagas ng beer sa tuwing iinom at patulo ng laway tuwing yuyuko, hindi pa naman siguro siya tutumba. Nang mag-ala-una na ng umaga, namatay ang ilaw at biglang nabago ang mga kulay niyon. Tumugtog ang mga disco music at nagsitayuan ang mga tao. Nagsimulang magsayawan ang lahat at naakit si Mark sa isa sa mga guest ng bar. Tumayo siya, iniwan ang kasama at tinungo ang direksyon ng natipuhan.

"Hi! Can we dance together? I'm Mark. You are?"
"Leo, Leo Madrigal. Sure!"
Naging pilyo ang mga pangyayari sa sayawan. Hindi na bago si Mark sa ganung sistema. Sanay na siyang makipaghalikan sa kung sino-sinong nakikilala at nakakasayawan. Mula sa kanila lamesa, nanonood lamang ang best friend niya. Pinapanood ang lahat ng nagsasayawan. Partikular siyang nakatutok sa kaibigan at binabantayan. Hindi siya nakarandam ng inggit pero naluluha siya. Nangingilid na ang luha niya, konti nalang aapaw na ang mga iyon. Bago pa man maglabo ang kanyang paningin, sumulyap sa kanya si Mark at tuluyan nang. Umagos ang mga bubutil na kristal mula sa kanyang kaliwang mata. Pinawi niya ang mga iyon bago makabalik sa lamesa nila si Mark. Paglingon niya saa kaibigan, hila-hila nito ang bagong kakilala.

Higit siyang nakarandam ng mabigat na emosyon nang makipagkamay siya kay Leo. Hindi niya pinakilala ang sarili. Tanging ang nag-uusap nalang ay silang dalawa. Nakarandam siya ng pagka-ihi kaya nagpaalam sa dalawa na. Pagbalik niya, wala na si Leo.

"Bes, si Leo. Umuwi na ba?"
"Oo bes, magkikita nalang ulit kami sa ibang araw. Bes ano uwi na tayo? Napansin ko ng pabalik ka, pasuray-suray ka na e. Tara na?"
"Bes, last nalang, sasayaw lang ako saglit. Tapos uwi na tayo ha?"

Pasuray siyang tumalikod pero makakaisang hakbang palang eh napaupo na siya. Buti bakante ang silya at kung hindi, baka napa-trouble pa sila. Mabilis na tumayo si Mark. Inakay ang kaibigan at itinayo. Inalalayan niya ito palabas kasama ang isang waiter at ipinasok sa sasakyan.

"Sir, magdadrive po kayo? Ikukuha ko nalang po kayo ng taxi. Baka po ano pa ang mangyari sa inyo sa daan niyo pauwi."
"Kuya salamat, kaya ko to. Eto yung bayad sa bill namin. Kunin mo na sukli."
"Ah eh sige po. Ingat kayo boss! Balik po kayo! Salamat boss!"

The Pain To RememberWhere stories live. Discover now