Chapter Four

0 0 0
                                    

Lumipas ang mga taon. Tuluyan nang nakabawi ang katawan ni Mark at nagbalik na ang dating lakas, liksi at normal na niyang nagagawa ang dati na niyang nakakasanayan. Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang malaking pagbabagong ipinakita ni Mark sa mga taong nakapalibot sa kanya. Siya na ang namamahala sa mga cafe and iba pang shops na hawak dati ng kanyang Lola. Namatay ito matapos atakihin sa puso dahil na din sa komplikasyon ng kanyang diabetes at ang lihim na kalagayan nito bilang may kanser. Wala sino man sa pamilya ang nakaalam na lihim nitong nilabanan ang sakit dahil ni minsan, hindi siya nagpakita ng panghihina. Ipinamana niya ang, lahat ng kanyang ari-arian at responsibilidad kay Mark. Malaking pagsubok iyon sa kanya at napagtagumpayan naman niya ito.

Dahil sa bigat ng trabaho at dami ng nakaatay na responsibilidad sa posisyong ginagampanan, naging bahay na ni Mark ang opisina. Nagtayu siya ng sariling gusali at ginagawang penthouse ang pinakataas na palapag. Ito na rin ang magsilbing opisina niya ngunit tanging si Leny lang ang nakakapasok doon.

"When was the last time nadampian ng alak ang atay mo couz?"

Napatigil si Mark sa ginagawa at tumingin sa pinsan na abala namang hinihiwa ang dalang cake. Nang humarap na ito, bumalik siya sa binabasa at nagsalita...
"I like when I'm busy, I forget and learn to live through the pain. The guilt that I caused someone to forget who I am in their life, its one I am yet to appease. For now, let the wounds heal. Let the pain subside. Let the secret be known that once upon a time, I lost my moon while collecting stars."
"Hey, ang layo ah. Here, it's the newest sa collection, I need the approval to have it released."
"I know what you mean couz. I know that you saw my best friend. And I did too... anong flavor to? Its indistinguishable."
"And? Did you talk? You'll get the ingredients later. Now sign there. There too and here."
"Okey na? Padala mo na kay Tim para marelease na agad, this is awesome!"
"Hey, don't go around bushy... what happened?"
"Hindi niya ako kilala. Couz, it's like nakalimutan na niya sino ako. I mean nakikilala niya sina Tim and Choi pero ako, that can't be right. Matagal na kaming magkakilala, higit pa kina Tim at Choi or you. Pero bakit ganun, hindi niya man lang ako maregonize."
"Baka naman nainspire lang siya sa pelikula ni Tony G. Malay mo nagpapanggap siya."

Naalala niya ng pangyayaring iyon, hindi siya nagkakamali. Siya nga ang bestfriend niya, kausap sina Tim at Choi habang umoorder sa cafe. Nakita din nila si Mark pero tanging si Tim at Choi lang ang bumati. Nagkatitigan pa sila ng best friend ngunit wala itong emosyon na pinakita. Pagkatanggap nito ng take out ay madali ding umalis. Ni hindi na nito tiningnan si Mark o ang kasama, si Leo. Oo, matagal na din silang nagkakasama sa tuwing mabibisita si Mark sa cafe dahil si Leo ang isa sa mga managers ng cafe. Nagtataka siya... bakit ganun ang, naging takbo ng mga pangyayari... natulala siya saglit at napaisip ng malalim sa mga naging palitan nila ng pinsan.

"I hope so... couz, could you excuse me. I need to finish this. Please?"
"Up to you Mark. But hey... get out some time okay? See you sa party!"

***

Naiwang mag-isa si Mark. Hindi naman niya talaga kailangang tapusin ang alinman sa mga papeles na nasa lamesa niya dahil sa susunod na buwan pakakailanganin ang lahat ng mga iyon. Gusto lang talaga niyang mapag-isa. Tumayo siya sa kinauupuan at nagsalin ng tubig sa baso. Tumayo siya sa tabi ng salamin at tumingin sa kalawakan ng buong metropolis. Randam niyang isa soya sa pinakamaimpliwesnyang nilalang duon. Isa siya sa may pinakamataas na pedestal, sa lahat ng larangang naiisin niyang galawan. Nasa ilalim ng kanyang mga paa ang halos lahat. At siya ang may pinakamagandang tanawin ng buong lungsod. Sa kalayuan napansin niya ang, papalubog nang araw. Nagsimula nang magnining ang mga bituin at umangat ang buwan...

"Bata! Hoy, bata! Taga-dito ka ba o taga jan sa skwater? Bawal ka dito ah!"
"Nakikilaro lang. Wala naman kasi akong ibang alam na pwede ako makapaglaro ng mag-isa. Baka pwedeng kahit saglit, payagan mo ko. Uuwi din ako bago magdilim. Huwag mo ako isusumbong sa sekyu. Salbahe yung bantay niyo dito eh, namamato. Nung nakaraan, pumutok ang kilay ko sa latang pinantaboy niya sa akin."
"Bakit kasi dito ka naglalaro. Tsaka ano ba yang dala mo. Iniwan mo nga dito yung isang ganyan nung huli kita makita dito, nagkalat ka pa. Pero sige. Babantayan kita baka kung ano pang gawin mo dito sa subdivision namin."
"La la la la la... lalalala... la la la. . ."
"Bata! Magdidilim na! Umuwi ka na. Kailangan ko na ding makauwi! Hoy! Hahampasin kita netong patpat ko kapag hindi ka pa umalis jan sa swing. Hoy! Aba! Dinilaan mo pa ako! Ump!"
Plak! Booogssh! Tog!
"Aray! Ah! Ang sakit. Bakit mo ginawa yun? Bakit mo ako pinalo? Ang sakit ah."
"Ba... bata! May dugo. Dumugo yung nuo mo. Meron ka ding sugat jan sa balikat mo!"
"Ha? Saan? Ha... ang daming dugo. Ang hapdi ng sugat ko. Ahh! Ahh! Uuwi na ako. Isusumbong kita sa nanay ko! Ah!"
"Bata, huwag. Halika ipapagamot ko kay Nanang Elsa yan. Magaling yung magpagaling ng sugat. May pinapahid siya magic! Bilis! Baka mamatay kapa dito sa lugar namin!"
"Susmaryosep Mark! Ano nangyari jan sa batang yan. Sino ba yan at bakit mo dinala dito? Kunin mo yung first aid kit. Hindi si Disya nalang palakung. Disya! Disya! Disya! Ano ba... Disya, kunin mo nga yung first aid kit. Bilisan mo. Ang daming dugo na o. Dali!"
"Nanay Elsa, hinampas ko kasi siya nung patpat ko sa pagroronda. Tinamaan siya kaya yan Nanay Elsa, hindi pa naman siya agad mamamatay di ba? Ayaw ko po makulong Nanay Elsa. Walang bibisita sa akin dun Nanay Elsa."
"Anak, okay ka lang ba? Hindi ka ba naman nahihilo? Ano bang pinagsasabi mo jan Mark. Ikaw talagang bata ka. Dinaig mo pa yung tanod natin eh. Pumasok ka na dun. Magpalit ka. Puro dugo yang damit mo oh."
"Ale, pwede po ba akong maupo? Nahihilo po ako. Paupo naman po ako."
"Ha, ganun ba. Oh sige. Maupo ka jan. Susundan ko lang si Disya. Ang bagal nung gamot eh ha. Huwag kang aalis jan."
"Anak, gising ka na. Okey na. Tapos na linisin at gamutin sugat mo. Taga-saan ka ba, ihahatid na kita. Saang phase ka dito?"
"Ay, Nanay Elsa hindi yan taga-dito sa subdivision. Taga-skwater yan Nanay Elsa siya. Tumatakas lang maglaro jan sa park."
"Ah eh, ganun ba? Gusto mo munang kumain?"
"Hindi na po Ale. Salamat po. Uuwi na po ako."

***

"Bata! Jan ka ba dumadaan lagi? Sorry pala ha. Hindi ko sinasadyang masugatan kita. Huwag mo ako susumbong sa nanay mo ha. Nagamot naman ni Nanay Elsa yung sugat mo di ba?"
"Oo. Dito nga. Jan, aakyat ako sa bakod tapos susuot dun sa butas sa fence."
"Ako nga pala si Mark. Ikaw, anong pangalan mo?"
"Ako si..."
"Hoy! Nanjan ka nanamang bata ka! Hoy! Umalis ka dito!"
"Hala, nanjan na yung sekyu. Sige. Babye! Baka madagdagan pa sugat ko. Umuwi ka na din. Baka hinahanap ka na sa inyo!"
"Hoy! Umalis kayo jan! Bawal kayo dito!"

***

"Mark, kain na anak. Tapos matulog ka na kaagad ha. May pasok ka pa bukas."
"Opo Nanay Elsa!"
"Oh anak, anong nangyari sa iyo? Bakit ka ganyan? Inaway ka ba nila jan sa subdivision? Sabi ko naman kasi sa iyo huwag ka na jan maglaro eh."
"Hindi po nanay, okey lang po ako. Matutulog po ako sa bubongan nanay ha. Aakyat na po ako."
Grrroooookkk...
"Ang lakas naman ng tunog ng tiyan mo bata! Hindi ka pa ba kumakain? Eto o, may dala akong pagkain. Kaiinin mo na!"
"Ha? Bakit ka nandito? Paano ka nakarating dito?"
"Sinundan kita kanina pero dun ako sa kabila dumaan. Empleyado namin yung sekyu na humahabol at tumataboy sa iyo. Pinaturo ko sa kanya saan bahay mo. Di ko nakiha pangalan mo eh kaya pagkakain ko, tumakas ako sa bahay para puntahan ka, buti may dinala akong pagkain."
"Ganun ba, salamat dito sa pagkain ha. Akyat ka pa, upo ka na muna jan. Ibaba ko tong iba, di pa kasi nakakain kapatid ko eh, wala pang sahod sina nanay."
"Ganun, sige. Dito muna ako. Pahiram akong unan ha. Mahihiga muna ako."
"Oiuy, salam... ngek tulog na ata."
"Bes! Bes nalang itatawag ko sa iyo, ayos lang ba? Best friend nalang kita? Wala naman kasi akong kaibigan jan sa subdivision. Ikaw nalang kaibigan ko pwede ba?"
"Ikaw bahala... basta pwede na ako maglaro dun sa park niyo ha. Paabot ng unan."
"Sige ba! Sorry ulit kanina bes ha."
"Ang daming butuin no? Tapos bilog na bilog pa yung buwan. Ang liwanag! Isang araw magiging buwan din ako. Para sa tuwing gabi, madilim man dahil wala na ang liwanag ng araw, nanjan ako para magbigay liwanag kasama ng mga bituin. Mark, kita mo yung isamg yun? Sabi sa school ang tawag jan Rigel. Siya ang pinakapaborito ko, sa lahat!"
"Ang gandang pagmasdan nilang lahat bes. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong tanawin. Ang galing naman, may sarili kang observatory sa taas ng bahay niyo."

Ring! Ring!

"Yes, Mark Esteban... I understand. Yes, please confirm. Thank you Lota. Sige."

The Pain To RememberWhere stories live. Discover now