Thorn: I hate rejection

150 6 3
                                    

 Chapter 17

Kirstein's P.O.V.

Para akong natuklaw ng ahas pagkakita sa taong nasa harapan ko.

SIYA??

Naka-hood ito kaya di ko masyadong napansin kanina. At shet. Oo, shet. Gwapo talaga nito sa malapitan. Pero, I hate him over my sexy flaming body! Tss..

Nakangiti pa rin sakin si Thorn na parang nang-iinis. 

Bakit ba nagkatagpo na naman kami nito? Asar!!!! Akala ko pa naman hindi na magkukrus ang landas namin! T__T

"Hey. I know I have good looks, don't be that too obvious."  seryosong wika nito at makikita mo talaga ang pag-smirk niya. Gahd.

Literally, napanganga ako sa sinabi nito. WHAT THE HELL?

Hindi pa man nakakabawi ay tumaas bigla ang labi nito na parang may sasabihin.

Bigla namang nagpanic ang utak ko. HALA, Baka gantihan niya ko ngayon dahil sa hindi ko pagsipot sa kanya sa canteen? Goodness! ANONG GAGAWIN KO?!

Kirstein, take it easy. Di ba napag-isipan mo na yan kaninang umaga? Act as if walang nangyari. Go! You can do it!

Oo. Tama. I need to act normal. Baka sinisindak lang ako ng Thorn na to. Hmp. ASA.

Huminga muna ako ng malalim saka hinarap ito ng nakaliyad ang dibdib habang naka-plaster ang isang pagkalapad-lapad na ngiti. Slight flip ng hair, then presto!

"Whoa, ikaw pala yan! Long time no see ah!" bati ko rito at tinapik ito sa may balikat na parang walang nangyari. Syet naman. Sana mag-work.

Napakunot-noo naman ito at bakas sa mukha ang confusion sa ginawa ko.

Ipagpatuloy ang pagdadrama Kirstein. You can do it! AJA girl!

Pinaseryoso ko ang mukha ko at may halong lambing ang ginamit ko sa pananalita.

"Look. I'm sorry okay? Forgive me. I know I've been silly this past few days. Let's start anew. Let's forget what happened between us okay? Thank you! Bye!" dire-diretso kong sabi dito at nagmadaling humakbang palayo. Sheez.. I'm nervous. Sana wag na siyang susunod. 

Pero hindi pa man ako nakakalagpas sa kanya ay hinawakan ako nito sa braso at kinaladkad. Take note: Literal na kinaladkad. 

"Hey hey! Wait.."

Pero ambilis nitong maglakad na halos ay madapa na ako. Akala ko makakatakas na ko! T__T

"Where are we going?" pagtatanong ko dito ng mapansin kong patungo kami sa gym. 

Hindi ito nag-abalang lingunin ako bagkus ay hinigpitan nito ang hawak sakin. Potek. Ansakit na ng braso ko..huhu..

"Wui! San tayo pupunta?" kinakabahan kong tanong dito. 

Napahinto naman ito pagkakita sa isang kumpol ng mga estudyante na papasok sa gym.

"Shit." at hinila ako nito pabalik. Ngayon naman ay kinaladkad ako nito patungong parking lot. 

"Get inside and fasten your seatbelt."  at pagkabukas nito ng pintuan ng kotse ay itinulak ako nito sa loob. 

"Aray ko naman!" hiyaw ko rito. Itinulak niya ko mga mars! TAKE NOTE FOR THE SECOND TIME: ITINULAK NIYA KO! T__T

Umikot ito sa kabilang kotse at pagkapasok nito'y agad-agad na pinaharurot ang sasakyan. Wadapak talaga. Hindi pa ko nakakapag-seatbelt! 

Dali-dali kong kinapa kung nasaan ang seatbelt at ikinabit iyon sa katawan ko. Pag talaga namatay ako, mumultuhin ko ang epal na lalaking to. 

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon