CHAPTER 15

206 6 0
                                    

Beside him.

Kate.

"Hoy gumising kana diyan!"

Nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto at sa maingay na bunganga ni Sky. 

Tumayo ako saka kinusot ang mga mata kong malabo pa dahil kakagising ko lang.

"Insan matagal ka pa ba diya—"

"Kumalma ka nga diyang bakla ka!" irita kong sigaw sakanya saka agad na lumabas ng kwarto. 

"Jusko Sky! Ang aga-aga ang ingay mo!" sigaw ko kay Sky na ngayon ay nakapamewang at salubong ang kilay na nakatayo sa labas ng kwarto ko. 

Dumiretso ako sa banyo at nag hilamos saka nag mugmog. 

"Bilisan mo diyan Kate, nakakahiya ka" dinig kong sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang towelette sa sabitan saka nag punas at lumabas ng banyo. 

"Ano bang minamadali mo ha? Sabado ngayon, walang pasok Sky–" pinutol niya ako sa pamamagitan ng pag bu-buntong hininga. 

Tumalikod siya at agad ko naman siyang hinila paharap sakin. 

"Wag mo kong talikuran bakla ka! sinira mo ang mahimbing kong tulog tapos tataliku–" 

"May nag hihintay sayo sa labas" Malamig niyang sabi.

 Natigilan ako. May naghihintay sakin sa labas? Sino naman yon at bakit niya ako hihintayin? 

"Sino?" kunot-noong tanong ko.

"Si Stanford" agad siyang pumasok sa kaniyang kwarto at padabog na sinara ang pinto. 

Si Seik Stanford? nasa labas ng bahay? 

Tumakbo ako palabas ng bahay at tumambad sakin si Seik na naka sandal sa porsche black at naka shades. 

Naka plain white T-shirt siya at naka black jeans. Nakayuko siya habang may pinipindot-pindot sa kaniyang Iphone. My eyes drifted on his shining piercing.

"Hoy!" sigaw ko sakanya
Umangat ang ulo niya at nag tama ang paningin namin.

"Im Seik fuckin' Stanford. Im not 'Hoy'" malamig niyang sabi at tinignan ang kabuuan ko. 

"Why are you still wearing pajamas?" tanong niya saka tinanggal ang kaniyang shades. 

"Oh? Baket? Hindi ba puwedeng mag pajama pag natutulog?" tinaasan ko siya ng kilay. 

"But you're not sleeping, you're already awake" ngumiti siya na para bang nang-aasar kaya mas lalo akong nainis. 

Bitin ang tulog ko ngayon Seik Stanford, wag mo kong pangunahan. 

"Whatever" sabi ko sabay irap sakanya. "Ba't ka nga nandito?" 

"Susunduin kita" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? 

Susunduin niya ako? As far as I can remember, wala akong appointment sakanya ngayon. 

"Wala akong naalalang may usapan tayong makikipag-date ako sayo para sunduin mo ako dito." Humalagpak siya sa tawa.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? 

"And who told you na makikipag date ako sayo? Are you kidding me? I didn't waste my time to fix my self just to fetch you here and have a fucking date with you" 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha neto maka 'are you kidding me' sakin! 

"Hoy, you think gugustuhin ko ding makipag date sayo? Asa ka!" mataray kong sabi. Humalukipkip ako sabay irap.

Nakastress, ang aga-aga! 

"I said Im not 'hoy' and I dont need to ask you kung magugustuhan mong makipag date sakin. Obvious naman e, Sino bang hindi gugustuhing makipag date sa guwapo at habulin ng mga babae diba?" Pag yayabang niya at kumindat pa sakin.

Ang yabang punyeta! 

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga dito, nakakasira ka umaga!" papasok na sana ako sa bahay ng bigla nanaman siyang mag salita. 

"Im here for our research, not to have a date with you" 

Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay, pilit na tinatago ang kahihiyang nararamdaman ko. 

Shit ngayon ko lang naalala ang sinabi niyang susunduin niya ako para gumawa ng research sa bahay nila! 

"Hindi ka pa ba mag-aayos?  Im almost waiting for 30 minutes!" aniya. Naramdaman ko ang inis sa tono ng pagsasalita niya kaya pumasok agad ako sa loob at nag-ayos. 

Nag madali akong lumabas pero hinarangan ako ni Sky. 

"Saan ka pupunta babae ha?" tanong niya. 

"Kina Stanford gagawa ng research" 

"Sigurado ka bang research lang? O....." Tumingin siya sa ilalim na parte ng katawan ko at tumitig sa mga mata ko gamit ang kaniyang nanunuring mga mata. 

Mga ganitong tingin? yung From head to toe tapos focus sa middle? Alam ko to eh! 

"Ano ka ba Sky? Wala kaming gagawin tulad ng naiisip mo okay? Gagawa lang talaga kami ng research" Pag papaliwanag ko sakanya at agad naman siyang umayos ng tayo. 

Tinaasan niya ako ng kilay saka pinag krus ang kaniyang dalawang kamay,  "Siguraduhin mo lang na virgin ka pag uwi mo dito, kung hindi kakalbuhin talaga kita at pati na rin yang gubat mo" 

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Hahaha! lintek, hinding-hindi mangyayari samin yun ni Majimbo. Asa siya. 

"Oh Jibats na at marami pa 'kong gagawin, research lang ha! Wala ng tot!" sabi niya saka nag simulang mag linis ng bahay. 

Baliw talaga, Hahaha! Hindi nga kami close ng majimbong yun eh!

Agad akong lumabas at agad akong napatitig kay Seik na naka kunot ang noo sakin.

"What the fuck is taking you so long!?" sigaw niya sakin kaya inirapan ko siya. 

"Ikaw ba naman ang maligo, mag palit, mag-ayos ng sarili,  sa tingin mo hindi ka ma 'te-taking so long' ha?" Pasigaw ko ding sagot sakanya. 

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, agad kong binuksan ang pinto ng backseat saka padabog na umupo don. 

"What the hell are you doing?" Inis niyang tanong na naka dungaw pa sa kabilang bintana mula sa labas. 

"Umuupo" 

"The fuck? Get out" Utos niya kaya inis akong napalingon sakanya na ngayon ay inis ring nakatingin sakin. 

"Ano bang problema mo ha?"

"I said get out!" pag uulit niya kaya lumabas ako ng sasakyan at padabog na sinara ito! 

Nang makalabas na ako ay agad siyang sumakay sa driver's seat. Ano bang problema niya? 

"STANFORD!" sigaw ko.

Umikot ako papuntang driver seat at sinagawan siya doon. Nakabukas ang bintana niya kaya Im sure na maririnig niya ang mga sinasabi ko. 

"Ano bang problema mo ha!?" inis kong tanong sakaniya. 

"Dont sit at the backseat again" aniya na diretsong nakatingin sa harap.

"Eh san ako sasakay? Sa compartment!?" 

Ilang segundo pa siya natahimik bago mag salita ulit.

"Sit here......" Nanlaki ang mga mata ko nung lumingon siya sakin.

Nag kalapit ang mukha namin dahil nakadungaw ako sakaniya, at konting galaw nalang ay mag tatama na ang mga labi at ilong namin. 

Pumikit siya saka huminga. Ramdam na ramdam ko ang bango at init ng kaniyang hininga. 

"S-saan ako uupo?" utal na tanong ko, Shit umayos ka Kate. 

Binuksan niya ang kaniyang mga mata at agad itong nakasentro sa mga mata ko. 

"Sit here....Beside me" 

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now